NAPAIGTAD ako nang may pumitik sa harapan ng aking mga mata. Dumako ang tingin ko sa nagmamay-ari niyon at mukha ni Vina ang bumungad sa akin kaya nagtataka akong bumaling sa kaniya. "Hoy, 'te! Ano? D'yan ka lang forever?" aniya nang mahuli ang aking tingin. Ilang minuto pa bago umukilkil sa aking isipan ang sinabi nito na tila ba ipino-proseso pa ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. Nakapamaywang itong naghihintay sa akin. "P-Pasens'ya na. Dala lang siguro ito ng jet lag," rason ko na lamang. Napatingin ako sa buong van at nakitang kami na lang dalawa ang nandito. Kaagad akong sumunod sa pagbaba at natigilan nang mapansing nasa tapat pala kami ng bahay ngayon. Dito sa Laguna. "Iyan! Tulala ka buong biyahe kaya ngayon, wala kang alam. Susme, Monika Mhae Santos! The always bang

