MAAGA pa lamang ay nasa meeting place na kaming lahat. Medyo marami-rami kami, dahil kasama namin ang team nila Sammy kaya dalawang van ang gagamitin namin ngayon. Sakay ng kabilang van ang mga kasama ni Sammy at ang mga gamit din nila na gagamitin para sa photoshoot, especially, cameras kaya sa amin na sumakay si Sammy dahil mas kailangan ng espasyo ang mga kagamitan nilang dala-dala. Kahilera ko sina Sammy at Lander sa upuan. Nandito ako sa may bintana banda at binalaan silang huwag muna akong iistorbohin dahil matutulog lang ako buong biyahe, tulad ng dati. Nakapuyatan ko kasi ang pag-aayos ng gamit kagabi pati na rin ang paggagawa ng outline sa initial plan na naiisip ko para mas madali na lang sana i-discuss sa kanila. Iwas dead air na rin. Pakiramdam ko nga deja vu ang lahat ng ito

