CHAPTER 06

1456 Words

“HAY! Salamat naman at nailibing na ang kapatid niyong tiyanak! Tapos na rin ang lamay dito sa bahay!” Iyon agad ang bungad sa amin ni Donya Dora pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. Para siyang reyna na nakahiga sa sofa at kumakain ng mais. Kakagaling lang namin sa sementeryo dahil inilibing na si Bibo. Hindi ko nagustuhan ang sinabing iyon ni Donya Dora kaya naman hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. “Donya Dora, ang pangit naman yata ng lumabas diyan sa bibig niyo. Hindi niyo na iginalang ang namatay kong kapatid!” sabi ko sa kanya. Aba, hindi naman ako papayag na binabastos ng ganoon si Bibo kahit patay na siya. Tiyanak daw. Eh, ang cute-cute kaya ng kapatid ko. Hindi talaga marunong um-appreciate ng magagandang bagay si Donya Dora. Palibhasa’y pinagkaitan siya ng kagandahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD