“MISS… Miss… Miss?” “Hmm…” ungol ko. “Miss, okey ka lang?” Umungol ulit ako. Parang tinatamad akong imulat ang aking mga mata. Basta, nararamdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko tapos parang may boses ng lalaki akong naririnig. Ano bang nangyari? Pilit kong inalala kung bakit ako ganito… Wait lang, ha… OMG! Natatandaan ko na. May multo akong nakita tapos nanghimatay ako sa sobrang takot. “Miss—“ “Lumayo ka sa akin!!!” sabay gising at tulak ko sa taong nasa harapan ko. Nang magkaroon ako ng malay ay doon ko lang nakita kung ano ang posisyon ko. Nakahiga ako sa damuhan at nandito pa rin ako sa sementeryo. Wala na iyong nakakatakot na babaeng multo. Ang naroon na lang ay iyong tao na itinulak ko. Lalaki siya. Nakaupo siya sa damuhan at nakangiwi ang mukha habang hawak niya ang kan

