NAKAPIKIT akong nagtatakbo at malakas akong napasigaw nang bumangga ako sa katawan nang isang tao. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga ko ay muntik pa akong matumba. Mabuti na lang at may matigas na brasong yumakap sa akin at kinabig ako. “Hey! Bakit?” Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang gwapong lalaki na gumising sa akin kanina. “M-may m-multo!” sabi ko. Mukhang hindi dahil sa takot kaya ako nautal kundi dahil yata sa halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang ma-realize ko ang hitsura namin. Nakayakap ang isa niyang braso sa aking hips habang ang dalawa kong kamay ay nakakapit sa kanyang balikat. Seryoso ang mukha niya habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata. Ako na ang kusang lumayo sa kanya dahi

