Chapter 60 VENICE SANDOVAL'S POV - Kailangan ba munang magdusa, bago makamtam ang kasiyahan? Sabi nila; happiness is a choice. So, kung hindi mo paghihirapan ang kasiyahang gusto mo— makukuntento ka na lang ba sa buhay na mayroon ka? Ako ay hindi. Si Leo ang kasiyahan ko, kaya ilang beses man siyang ilayo sa akin ay hindi ko ito magagawang isuko dahil kapag nangyari iyon, parang pinutulan ko na rin ang sarili ko ng karapatang maging masaya. Habang nabubuhay ako ay babaunin ko iyong pagsisisi kong binitawan ko siya at iniwan sa gitna ng giyera. At ayokong mangyari iyon— mas pipiliin kong maghirap, kapalit ng kasiyahan ko. Napayuko ako, bago marahas na pinunasan ang pisngi ko. Basang-basa iyon ng luha na para lang akong naghilamos. Ilang ulit pa akong nagpakawala ng mabibigat na hining

