Chapter 25 Venice - Huminga ako nang malalim matapos kong bumaba sa bus. Sa kaninang pagtawa at pag-iyak ko sa gilid ng kalsada ay nagulat na lang ako nang may magbigay sa akin ng twenty pesos. Hindi ko nga malaman kung maiinis ba ako sa katotohanang nagmukha akong pulubi sa paningin nila. O matuwa dahil nagkaroon ako ng tamang pamasahe papunta sa Monte Alba Hospital, hindi para magpa-admit kung 'di para hanapin si Gabriel Monte Alba. Ito lang iyong pinakamalapit na mapupuntahan ko sa halagang twenty pesos. Nakakahiya man ding lumapit sa kaniya ay kinapalan ko na ang mukha ko. Alam ko rin na hindi na malabong ipaalam nito kina Warren at sa iba pa niyang kaibigan ang paghingi ko ng tulong, pero pikit-mata ko na lang gagawin. Muli akong nagpakalawa ng mabigat na buntong hininga, kapagk

