Chapter 24 Venice - Pagkatapos maligo ay nagpasya na rin akong bumaba sa ganap na alas nuebe, kung saan alam kong tapos na silang kumain ng dinner. Ayokong sumabay sa kanila at baka matuloy pa ang world war 2 namin ni Papa. Hindi ko ba alam kung bakit parang palagi na lang may kontrabida sa buhay ko. Kung hindi si Leo ay iyong dalawang kambal, maging si Papa ay nakikisali na rin. Ganoon ba sila natutuwa kapag naaasar ako? Napaismid ako, sa lakas pa ng mga yabag ko pababa sa hagdan ay naagaw ko ang atensyon ni Papa na siyang naroon sa sala at abala sa kung anong ginagawa niyang paperworks. Hindi ko na ito pinansin pa at deretsong nagtungo sa kusina. Mula naman doon ay naroon si Travis the great. Oh, God! Lahat na lang ng lugar dito sa bahay ay may mga asungot? Paano matatahimik ang ka

