TINUPAD naman ni Luther ang sinabi nito na trabaho ang aatupagin nila sa opisina nito. Naging professional naman ito sa pagtuturo kay Jianna sa mga kailangan niyang gawin bilang pansamantalang sekretarya nito. Kahit pa nga hirap siyang panindigan din ang pagiging professional ay kinaya iyon ni Jianna para lang hindi maapektuhan ang trabaho niya. Hindi naman siya nahirapan sa mga ipinagawa nito. Palibhasa bata pa lang siya ay sinanay na siya ng kaniyang ama sa pasikot-sikot sa family business nila. Minsan na rin siyang nag-training bilang secretary ng Papa Robin niya noon para lalo raw niyang maintindihan ang iba pang mahahalagang detalye. Kaya nga bilib na bilib sa kaniya si Luther dahil ang bilis niyang natuto. Mabuti na lang hindi niya inilagay sa profile niya ang ibang tunay na deta

