Pagpapakilala

1375 Words

"s**t!" Malakas na sabi ni Jules nang dumating sila sa kubo ng mga Trajico at nakita ang nakaparada na kotse ng pulis. Binagalan ni Hannah ang sasakyan at sila ay sinalubong ni SP04 Rosales na ngayon ay hawak na'ng armalite at hininto sila bago pa makalapit sa bakuran. "Ano'ng sadya n'yo dito?" tanong ng pulis habang sinisilip ang loob ng Hi-ace. "Kaibigan kami, sir, ng mga Trajico," sagot ni Hannah. "Bakit, sir?" mabilis na dugtong ni Jules. "Ano'ng meron?" "May sitwasyon dito," matapang na sagot ni SP04 Rosales. "Atras n'yo na'ng sasakyan n'yo." Mula sa bahay, nakita nila na lumabas si Hepe at mabilis na naglakad tungo sa kanila, ang mukha nito'y larawan ng magkahalong aburido at pag-aalinlangan. Samantala, ang paligid ay payapa, ang mga hayop—mga baboy at kalabaw, maging ang mga m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD