"Okay ka na?" tanong ni Hepe. Tumango si Hannah habang palabas sila ng kuwarto. Nakaramdam siya ng saglit na pagkahilo matapos na maramdaman ang vibrations ng Dead Room. Samantala, ang grupo ng mga bisita at si Mayor ay nauna na sa kanila pasunod kay Karen papunta ng basement. "Tara, baka mahuli tayo," aya ni Jules. "Nagmamadali lang?" simangot ni Hannah. "Hindi mo ba narinig 'yung sabi?" excited na sabi ni Jules. "May basement daw ang bahay!" "And so?" sabi ni Hannah. "Karamihan naman sa malalaking bahay may basement." "Oo nga," sabi ni Hepe. "Hindi ang Anlunan Residence," serious si Jules. "Walang documented evidence na may basement ito. Kahit saang libro. Walang litrato. Kahit sa plano ng bahay." "Oh," nanlaki mata ni Hannah. "Alam mo ba na may basement?" tanong ni Jules kay He

