SUMMER'S POV: -- NAGISING ako bigla dahil sa sakit ng ulo ko at parang binibiyak ito na parang niyog. Marahas akong bumangon mula sa kinahihigaan ko na siyang pinagsisihan ko dahil lalong sumakit lang ang ulo ko. "Easy, dude." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang isang boses na hindi pamilyar sa akin at paglingon ko, isang Doctor ang bumungad sa akin. May hawak itong clipboard at mukhang nasa hospital ako. "Where's Metallica Natalia?" Usisa ko kahit na nanunuot ang sakit ng ulo ko kaya naman napahawak ako sa aking sintido at marahang hinihilot yun para maibsan ang sakit. Tunog ng bakal ang naging sagot sa akin ng Doctor matapos niyang tiklupin ang hawak na clipboard at saka ito humarap sa akin. "What's your name?" Aniya imbes na sagutin ang tanong ko. I let out a deep sigh. "Su

