MENTAL'S POV: -- "TEKA, Summer. Hindi biro ang perang ibabayad mo sa kanila. Seryoso ka ba?" Angal ko kay Summer kaso agad nitong binalik ang folder kay Sav. "Money is not the problem here, Metallica Natalia. I can spend those for your safety and I won't let anyone to drag you away from me. Kaya nakikiusap ako sa'yo, huwag mo akong iiwan." Lumambot ang mukha ni Summer kaya naman sinapo ko ang kanyang pisngi. "Aww. Pang-teleserye talaga ang drama niyong dalawa." Basag ni Sav sa moment namin. Kikiligin na sana ako kaso panira itong si Saviel. Nakangiwing hinarap ko ang babae at saka muling nakipag-usap sa kanila. "Panira ka ng moment, alam mo 'yon?" Singhal ko rito at saka ako pumangalumbaba sa mesa. "Oh, come on Mental. It's one of my talent since I am still single for all those yea

