MENTAL'S POV: -- LUMIPAS ang mga araw naging abala ako sa pagma-manage ng sakahan at pag-iimbak ng mga binhi na siyang ipapamigay ko sa mga magsasaka. Ramdam na rin ang pasko sa paligid dahil may mga nakasabit na ring parol sa bawat bahay at talaga namang inaabangan ito ng mga bata. "Ate Mental saan ko po ito ilalagay?" Untag sa akin ni Mica na siyang tumutulong rin sa paghahakot ng mga binhi. Nginitian ko si Mica bago nagsalita. "Ibigay mo na lamang yan kay Mang Domeng at magpahinga ka na." "Sige po, Ate." Nang maiwan ako ni Mica, agad kong ibinalik ang atensyon ko sa patag kung saan abala ang ilang magsasaka na kinuha ni Mang Domeng para ihanda ang lupa sa darating na pagtatanim ng palay. Kahit katirikan ng araw hindi man lang nila alintana 'yon. Kunsabagay, ako nga na naka-night

