MENTAL'S POV: KINABUKASAN, agad akong bumaba ng burol para iponin ang mga dating manggagawa ng Hacienda Alegre para pag-usapan ang muling pagbubukas ng sakahan. Matagal na rin ang lumipas at alam kong deserve ng mga magsasaka na muli silang magkaroon ng trabaho sa hacienda. Papasikat pa lang ang araw pero heto ako at patalon-talon na naglalakad patungo sa patag, suot ang puting night gown na lagi kong sinusuot at isang tsinelas na gawa sa goma. Napangiti ako nang matanaw ko si Lolo Dyrroth na abala sa pagsisibak ng kahoy kaya naman dumiretso ako sa kanilang bakuran. "Magandang umaga, Lolo Dyrroth." Masayang bati ko sa matandang lalaki dahilan para mapalingon ito sa akin. "Oh, Mental? Magandang umaga rin." Aniya at saka muling ibinalik ang atensyon nito sa sinisibak na kahoy pero kalau

