i. annikha
I'm Annikha Ineah Lee Braganza.
People say that my heart was made of a thick block of ice, a glacial heart. They also call me THE ICE MAIDEN. Well, you can't blame me for being like this. Kagaya ng iba nagmahal lang din ako, nasaktan at natuto.
++++++
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang magising ako dahil sa ingay ng alarm ng cellphone ko. Maganda ang panaginip ko kaya kahit na bitin ay maganda pa rin ang gising ko. I'm sure this day will be a good day for me.
Maaga ang oras ng pasok ko kaya't kailangan maaga rin akong gumising kaya kahit nakakatamad ay kailangan ko pa ring bumangon.
Sinubukan kong bumangon pero tinatamad pa rin ako kaya saglit pa akong nahiga. Kinuha ko muna ang cellphone ko at ini open ang messenger. As usual ang dami na namang message request pero hindi ko lang pinansin ang mga ito. Karamihan kasi sa mga ito ay puro hate messages as if I give a damn. Ang iba naman ay mga message na galing sa mga kung sinong estudyante ng West Land University.
Mayroong messages sa group chat naming magkakaibigan and pinag uusapan nilang 'wag pumasok at mag mall nalang. Hay mga tamad talaga itong mga 'to pero hanggang salita lang naman silang hindi papasok.
Saglit ko pang pinikit ang mata ko bago tuluyang nagdesisyong bumangon para mag-gayak. Pagkatapos kong mag-gayak ay bumaba na ako sa kusina para kumain.
Napairap nalang ako nang maabutan ko sa sala si Mommy at Daddy na nagtatalo na naman. Ano ba naman yan, ang aga-aga ay yan agad ang bubungad sa akin.
Dahan-dahan akong lumakad papuntang kusina at nagpanggap na walang naririnig na sigawan mula sa kanila. Ni hindi nga nila napansin ang presensya ko dahil abala sila sa pagtatalo. Napairap at napabuntong hininga na lamang ako habang naririnig pa din ang palitan nila ng sigaw.
"How many times do we have to talk about it? Hindi ka pa ba nagsasawa ha? Paulit ulit nalang!" May riin na sigaw ni Daddy. Kami ba hindi niyo tatanungin kung hindi kami nagsasawa?
Nakakainis talaga sila, ang ganda-ganda ng gising ko pero sisirain lang nila. Kaya ayaw kong nandito silang dalawa eh, wala na akong ibang narinig kundi ang sigawan nila.
"Good morning sis!" Bati sa akin ni Oliver, my older brother. Nakakairita ang pagmumukha niya lalo pa ang nakakalokong ngisi niya.
Isang matalim na irap ang binigay ko sa kanya. Feeling close to ah. Well, close naman kami before, but now hindi na because I hate him. I f*****g hate him, mas lalo akong galit sa kanya dahil wala siyang pakialam na galit ako sa kanya. He's acting like we're okay but he knows that we are not okay.
"Nothing's good in the morning." Mataray na sabi ko.
Saglit siyang napalingon sa may sala at napakibit balikat na tumingin sa akin.
"Well ano pa bang bago, hindi ka pa nasanay." Ewan ko ba naman, sanay na ako pero hindi ko lang gusto na nakikita silang nag aaway, nakaka init din kasi ng ulo pag ganon na lang lagi. Paulit ulit lang din naman ang pinag aawayan nila.
Napabuntong hininga na lang ako bago ako uminom ng juice.
Sabagay hanggang ngayon nalang naman tong pagtitiis ko sa kanilang dalawa dahil mamaya ay aalis na naman sila para asikasuhin ang business namin sa China. Sa wakas ay matatahimik na rin ang mundo ko.
Tama nga ako, magiging maganda ang araw ko dahil finally solo ko na ulit itong bahay, hindi pala solong solo kasi may mga kasama pa kong maid pero atleast diba wala nang toxic. Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ko nang maisip na aalis na ang mga magulang at kapatid ko mamaya kung kaya't magiging malaya na naman ako.
I'm so glad noong nalaman kong lilipat si Oliver ng tirahan malapit sa East Land University kung saan siya nag-aaral dahil sa wakas ay hindi na ako mahihirapang iwasan siya. Of course hindi alam nila Mommy na hindi na dito nakatira si Oliver kaya whenever our parents were here ay tsaka lang siya bumabalik. So dahil nga aalis na naman sila Mommy kaya babalik na si Oliver sa condo niya.
Nagmadali akong kumain dahil hindi ko kayang tagalan ang presensiya ng kapatid ko na panay ang pagbubukas ng usapan. Alam niyang galit ako sa kaniya pero umaakto siya na para bang ayos lang kaming dalawa.
"Hinay lang sa pagkain Annikha baka mamaya ay hindi ka malusawan niyan." puna niya sa akin at kaagad ko naman siyang tinapunan ng masamang tingin. Ugh... Nawalan tuloy ako ng gana dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya.
"Sa akin ka na sumabay, ako na ang maghahatid sa'yo dahil pupunta rin naman ako sa West Land." sabi niya at ibinaba ang baso ng juice. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi bale nalang, kaya nga ako nagmamadaling kumain para maiwasan siya pero ano't gusto pa niyang sabay kaming pumasok. Ayaw ko siyang makasabay dahil kung gagawin ko yun ay parang ako na mismo ang sumira sa araw ko.
"Hindi bale nalang, magpapahatid nalang ako kay Mang Berto." mataray na sabi ko at saka tumayo. Kaagad akong lumabas ng bahay at nadatnan ko doon si Mang Berto na nagpupunas ng sasakyan.
"Aalis na po kayo Miss Annikha?" Tanong sa akin ni Mang Berto nang makita niya ako, inirapan ko muna siya bago sagutin ang patanga niyang tanong. Halata namang aalis na ako diba, alangan tumambay lamang ako sa labas ng bahay.
"Hindi ba halata? Ihatid mo na nga lang ako. " Irita kong sagot na may kasama pang irap, ini abot ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko.
"Ay sorry po." Nakayukong sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto.
Pagkaupo ko sa loob ng kotse ay isinalpak ko na yung earphones sa tenga ko. I need to relax at alisin ang negative vibes sa umaga ko. Sinandal ako ang ulo ko at bahagyang pumikit. Finally, peace of mind! Napangiti ako dahil doon at saka huminga ng maluwag na para bang nakaramdam ako ng ginhawa.
Habang nasa daan ay biglang huminto yung kotse dahilan upang mapamulat ako.
"What the!" Inis na sabi ko, muntik pa kasi akong masubsob sa likod ng driver's seat. Agad namang bumaba si Mang Berto para tignan kung anong nangyari sa sasakyan.
Masama kong tinignan si Manong na napapakamot sa ulo. Mukhang problemado siya, hay nako kung kailan malapit na sa school ay mukhang nagkaproblema pa yata yung sasakyan.
Binuksan ni Mang Berto yung pintuan at bumungad sa akin yung dismayadong mukha niya.
"Na flatan po tayo." Napapakamot sa ulong sabi niya habang tinitignan yung flat na gulong.
"What?" Inis na tanong ko.
"Pasensya na po Miss Annikha." Inirapan ko muna siya bago ako nagsalita.
"Ano ba naman yan Manong kung kailan naman malapit na tayo saka pa na flat yang gulong!" Nagdadabog na sabi ko.
"Pasensya na po pero matatagalan pa 'to, kung gusto niyo po mag taxi na lang kayo o kaya lakarin nyo nalang, malapit naman na po eh." Seryoso ba tong si Manong? Ako paglalakarin niya? Tinitigan ko siya ng "Are you serious?" look habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Pasensya na po talaga." Pairap akong napabuntong hininga. Okay fine maglalakad na nga lang ako, para naman ma experience kong maglakad papasok sa school. My God! This is the first time na maglalakad ako papasok sa school. Ughhh!
"Whatever!" Inis na sabi ko at tsaka padabog kong kinuha ang mga gamit ko. Sh.t! Buti nalang walang heels yung suot kong sapatos ngayon. Nakakaloka nga lang at mainit ang uniform namin kaya siguradong pawisan ako pagdating sa school.
Sa gilid ako ng kalsada dumaan, syempre para hindi ako masagasaan at mausukan ng mga dumaraan na sasakyan. Akala ko pa naman ay magiging maganda ang araw ko, akala ko lang pala iyon. This is so annoying! Kailangan kong magmadali bago pa may makakita sa akin, baka mamaya isipin nilang I'm so poor dahil ang isang Annikha Braganza ay naglalakad papasok ng school.
Nagpasiya ako na sa may Gate 3 ako dumaan, yun ang gate sa may right side ng school and kakaunti lamang ang mga estudyanteng dumaraan don. Maliit lang kasi ang gate na yun at talagang tao lang ang pwedeng pumasok. Exclusive school 'to at sa malamang lahat ng estudyante ay sa main gate dumaraan dahil may sasakyan sila. Ang dumaraan lang dito ay ang mga walang sasakyan at mga nagko-commute na student dahil scholar sila kaya sila nakapasok dito.
Napalingon ako sa bandang likuran ko, pakiramdam ko kasi may sumusunod sa akin. Minsan talaga mahirap maging maganda nakaka paranoid kasi baka may sumusunod sa'yong stalker. Maya-maya bigla nalang akong nakarinig ng malakas na busina, pagtingin ko sa harap ko bigla akong napasigaw.
Shit muntik na akong masagaan ng isang kulay black na Innova. Konting-konti nalang tatama na yung bumper ng sasakyan niya sa akin, sa kanya pala galing yung nakakairitang busina.
Bulag yata yung driver at tatanga-tanga dahil hindi man lang ako nakita at saka gago ba siya, nasa gilid na nga ako eh.
Agad akong naglakad palapit sa bintana ng sasakyan at kinatok 'yon at agad din namang bumukas ang bintana niya.
Isang lalaking akala mo gwapo pero gwapo talaga ang bumungad sa akin, kinunutan niya ako ng noo at para bang naiinis siya sa akin. Aba siya pa ang may ganang mainis siya na nga itong muntik makasagasa eh. Kainis!
"Are you blind or something?" mataray na tanong ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay na mas lalo kong ikinainis.
"Bumaba ka nga dyan!" pero hindi lang niya pinansin ang inutos ko. Binuntung hiningahan lang niya ako. Letse! Makakatikim talaga sa akin 'to eh. Walang kahit na sino ang nagparamdam sa akin na balewala lamang ako.
"Hoy! Bumaba ka sabi eh!" Pasigaw na sabi ko pero tinitigan niya lang ako habang nakakunot ang noo. Nanadya yata talaga tong gagong to ah!
Sa inis ko ay ako na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan niya. Napabuntong hininga na naman siya habang pababa. Kunot noo pa rin siya at para bang naiirita siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagmasdan ang kabuuan niya.
Nakasuot siya ng uniform ng pang nursing ba 'to or medtech? Basta yung uniform ng mga course na related sa medicine. Halos pare-parehas lang naman kasi ang uniform nila, yung ID lace niya ay pang East Land. So sa East Land pala siya nag-aaral, eh bakit nandito siya?
Pinagmasdan ko siyang mabuti, halos magkasing tangkad lang kami, magulo ang medyo mahaba niyang mga buhok, akala mo siya bagong gising dahil doon, napadako ang tingin ko sa mga kilay niyang makapal na may arko pa na mas lalong nae-emphasize kapag tinataas niya ito, maganda rin ang kulay tsokolate niyang mga mata na diretsong nakatitig sa akin, may kung ano sa titig niya na hindi ko maipaliwanag, matangos rin ang ilong niya at mapula ang manipis na labi niya. Damn! Mahirap mang aminin pero, oo, gwapo siya kaya lang mukhang magaspang ang ugali kaya never mind nalang. Minsan na nga lang ako magwapuhan sa mga lalaki mukhang sablay pa.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, maganda at tinaasan niy ako ng kilay. Hindi ko gusto ang ginawa niya, para niya akong minaliit dahil sa pagtingin niyang iyon. Wala pang lalaking gumawa sa akin noon, siya lang.
"What?" Walang ganang sabi niya habang nakataas ang magkabilang kilay na nakatingin sa akin. Mas lalo akong nainis sa tono niya, sino ba siya sa inaakala niya.
Hindi ko namalayang nakaawang pala ang bibig kong habang nakatitig sa kanya, nakakainis! Baka isipin niya ay gwapong gwapo ako sa kaniya. Itinikom ko ito at inismiran siya, binalik ko ang mataray na awra ko at saka nagsalita.
"Bulag ka ba? Ang lawak lawak na nga ng kalsada, dito ka pa sa gilid daraan!" Mataray na sabi ko, nakakainis eh, nasa gilid na nga ako tapos masasagasaan pa niya ko.
"Pasensya ka na Miss hindi ko sinasadya, hindi kasi kita nakita." Walang emosyong sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso. Mas nakakairita ang tingin niyang yon kaya mas lalong nag init ang ulo ko.
Naningkit ang mata ko sa sagot niya. Nananadya yata talaga eh! Ako? Hindi niya nakita? So bulag nga siya ganoon?
"Ano? Sa ganda kong 'to hindi mo ko nakita? So bulag ka nga?" Naniningkit ang mga matang tanong ko sa mataray pa ring tono.
Napatawa siya ng sarkastiko at tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa, dyosa.
Shit lang ha! Nakakairita ang lalaking ito, naiirita ako sa way nang pananalita niya, sa pagtingin niya sa akin ng diretso sa mata. I hate it when someone's looking at me in the eye. It makes me uncomfortable. Ayaw ko sa lahat ay yung kaya akong titigan sa mata lalo na kapag kaaway ko yung tao, pakiramdam ko ay hindi siya natatakot sa akin.
"Hindi ako bulag, sadyang hindi ko lang makita kung saang banda ka maganda." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Really? Ang lakas ng loob niyang sabihin sakin 'yon ha! Wala pang taong nagsabi sa akin ng ganyan, siya lang. Inayos ko ang tayo ko at saka siya matalim na tinignan sa mata.
"A-Anong sinabi mo?" Mas lalong naniningkit ang mga matang tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwalang nasabihan niya ako ng ganoon.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko hindi ko mahanap kung saang banda ka maganda." Magaspang na sabi niya. What the! Tibay niya rin eh no, at talagang inulit niya pa. Naiyukom ko ang kamao ko sa sobrang inis ko sa lalaking ito.
"Ang yabang mo ah! Bakit gwapo ka ba?" Pikon na tanong ko, walanghiyang to akala mo kung sinong gwapo. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina, hindi siya gwapo! Ughhh! Kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito.
"Hindi, sobrang gwapo lang." Saka niya ako nginisian. May kakapalan din pala ng mukha ng isang ito. Feelingero!
"Ang kapal!" Sabay irap ko.
"Gwapo daw? Tatanga-tanga namang mag-drive!" Panunuya ko sa kanya.
"Ikaw nga 'tong tatanga-tanga dyan eh, paharang harang ka sa daan. Diyan kana nga wala akong oras sa'yo." At dali dali na siyang pumasok sa sasakyan niya at pinaandar yun.
Walang hiyang yon. Ako pa? Ako pa ngayon ang tatanga-tanga at haharang-harang sa daan eh nakagilid na nga ako. Wow hah!
"Antipatiko!" Inis na sigaw ko sa kanya, bwisit na yun may araw din sa akin yon.
Haggard na haggard na ako nang makarating ako sa school, pero buti nalang maganda pa rin ako. Inilabas ko ang panyo sa akin bulsa at pinunas iyon sa pawisan kong leeg at noo.
"Beauty before anything else." Yan ang motto namin ng mga kaibigan ko kaya dapat lagi kang maganda kahit na bagong gising ka pa.
"Hi Miss Annikha!" Bati sa akin ng isang alien, inirapan ko lang siya. Papansin eh feeling handsome mukha namang nakahithit ng ewan. Wala ako sa mood ngayon kaya huwag siyang ano diyan.
Damn! Naalala ko na naman yung feeling handsome na muntik makasagasa sa akin. Naiirita na naman tuloy ako sa kanya. Grabe ibang klase talaga ang lalaking iyon, huwag na sana muling mag krus ang landas naming dalawa.
Kahit na medyo haggard ako ay hindi pa rin maikakaila ang kagandahan ko, marami pa din talagang mga matang napapasunod ng tingin. Ang ilan sa kanila ay walang ginawa kundi ang magpapansin. Wala ako sa mood ngayon kaya huwag silang ano diyan. Hindi ko ugaling ngumiti sa kahit na sino, isang taas lang ng kilay ang ginagawa ko sa mga bumabati sa akin at para sa kanila ay iyon na ang paraan ko ng pagbati sa kanila.
"Girl si Miss Annikha, mag hi ka!" narinig kong sabi noong isang babae sa isa pang babae.
"Miss Annikha? Siya yung anak ng may-ari ng school?" manghang tanong ng isang babae na nakanganga habang nakatitig sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin at tinaasan ng isang kilay.
"Omg! Ang ganda niya girl!" narinig ko pang sabi niya nang malagpasan ko sila.
Sanay naman na ako sa mga ganyang eksena tuwing daraan ako sa mga hallways pero minsan nakakasawa na din.
Mainit ang ulo kong naglakad papunta sa food court, nandoon daw ang mga kaibigan ko. Tinignan ko ang relo ko, medyo matagal pa naman bago ang klase ko.
"Annikha!" Tawag sa akin ng best friend kong si Ashley habang pabebeng kumakaway sa akin, kaagad naman akong napairap sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo, mukhang haggard na haggard ka ah?" Kunot noong tanong ni Stephan pagkalapit ko sa kanila, hinawi niya pa ang ilang nakatakas na hibla ng buhok sa aking mukha.
"Wala!" Walang gana kong sagot tsaka padabog na naupo sa tabi ni Assyla na abala sa pagbabasa ng 13 Reasons Why, hindi man lang siya nag abalang tapunan ako ng tingin.
"Anong wala? Sa makalawa pa ang mahal na araw pero biyernes santo na agad yang mukha mo?" Pang-aasar ni Krishna pero inirapan ko lang siya. Tumayo siya at pumunta sa likuran ko, sinimulan niyang suklayin ito para i-braid.
"Tss. Hindi pa kayo nasanay diyan!" Singit ni Czarina na kadarating lang at may hawak na dalawang iced coffee at kaagad iniabot sa akin ang isa. Kaagad kong kinuha iyon at ininom, hindi ko mapigilang mapangiti nang dumaloy sa ugat ko ang caffein. Masarap talaga ang iced coffee sa umaga, lalo na kung badtrip ka. Buti nalang at parehas kaming mahilig ni Czarina sa kape kaya palagi niya din akong dinadamay kapag bumibili siya.
"Himala hindi mo yata kasama si Neil Ygan?" Tanong ni Jiannah na nagpalinga-linga pa ng tingin para hanapin ang presensya ni Neil. He's my childhood friend, palagi kasi yung nakabuntot sa akin maliban nalang kung may babae siyang pinagkaka-abalahan.
"Malamang may bagong flavor of the month na naman 'yon, hindi ako sinundo eh." Pairap na sabi ko. Saka palang napukaw ang atensiyon ni Assyla at napatingin sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Isang tipid na ngiti lamang ang binigay niya at sinarado ang librong binabasa niya.
"Oo nga pala Annikha, yung manliligaw mo hinahanap ka sa amin kanina." Pag i-inform sa akin ni Krishna. Manliligaw?
"Sino?" Taas kilay kong tanong. Wala naman akong natatandaang manliligaw ko.
"Magmamaang-maangan pa, sino pa ba edi si Nicker. Tss." Inirapan ko nalang siya. Ano ba naman yan, walang ka kwenta kwenta ang sinasabi niya.
"Ah talaga? As if I care." Mataray na sabi ko sabay subo ng fries na kinakain nila.
"Ito naman choosy pa! Sagutin mo na kasi ang tagal na niyang nanliligaw oh." nilingon ko siya at tsaka sinamaan ng tingin. Ang tagal ko na din siyang na busted kaya I don't even consider him as my suitor.
"Why don't you? Total ikaw naman ang patay na patay sa kanya?" Asar na sabi ko. Crush na crush niya kasi si Nicker simula pa noong highschool kami kaya lang lagi siyang dini-deadma.
"Kung ako nga lang sana ang nililigawan bakit hindi?" Yamot na sabi niya sabay upo sa tabi ni Czarina at pumalumbaba.
"Malas niya lang at isang cold hearted ang niligawan niya." Sabay ngisi sa akin ni Ashley, letseng to wala na ba siyang ibang alam kundi i-describe ang ugali ko o ako? Tss.
"I'm not cold-hearted! Atsaka hindi ko naman sinabing manligaw siya." depensa ko.
"Couz ang panliligaw hindi inuutos ng babae yan. Sa ayaw mo't sa gusto kapag nanligaw ang lalaki hindi mo sila mapipigilan pwera nalang kung hindi totoo yung feelings nila para sa'yo." Naiiling na sabi ni Jiannah na para bang sinasabi niyang ang stupid ko. At kailan pa siya naging love expert, never pa nga siyang nagka love life, ni crush nga wala eh. Tss. At tsaka ganon ba yun? Parang hindi naman yata ganon yun. Kaya nga nagpapa alam yung iba na manligaw diba? To know if may pag-asa ba sila.
"Whatever you say b***h! Para namang hindi mo alam kung bakit ako niligawan ni Nicker?" Napairap ako nang maisip ang dahilan ng panliligaw niya.
"Of course I know! We all f*****g know. But it doesn't matter anymore, he's in love with you now." Mariing sabi niya. Napailing na lang ako. I don't like the idea of him being in love with me, it's disgusting.
"I don't give a f**k, I don't like him and I can't even imagine myself liking him." halos puno nang pandidiri ang tono ko. Talaga naman eh, naiisip ko palang na magkakagusto ako sa kanya ay nasusuka na ako. I know it will never happen, never in a million years!
"Lahat naman hindi mo gusto." Pairap na sabi ni Ashley. Napanganga ako doon. Ugh! I really want to slap that shitty mouth of hers. Ano ba kasing akala nila, na ganon lang kasimple ma fall in love? And what is love anyway?
"Hindi mo gayahin yung pinsan mo oh, lakas maka love life." Sabay nguso ni Czarina kay Darrah.
Napatingin ako sa inginuso ni Czarina at nakita si Darrah na kasama si Phoenix. What the hell are they doing here? Napataas kilay ako, anong love life sinasabi niya? Darrah is my cousin at si Phoenix naman ang kababata niya.
"Gaga! Kaibigan niya lang yan." pagtatama ko.
"Tanga! Sila na kaya, hindi mo ba alam?" Kunot noong sabi sa akin ni Jiannah. Anong sila na? Paano magiging sila?
"Gaga ka ba? Paano magiging sila eh naka engage si Darrah kay Drexel?" kunot noong sabi ko kay Jiannah. As if namang hindi niya alam, alam ng buong pamilya na naka arranged marriage si Darrah kay Drexel at si Phoenix naman kay Dannah na kapatid nito. As if I didn't know kung gaano kabaliw si Phoenix at Dannah sa isa't isa kaya malabong maging si Darrah at Phoenix.
"Sinong Drexel? Aragon? Wow swerte naman ng pinsan mo at talagang kay Drexel pa siya naka engage!" May halong pagkamangha at panghihinayang na sabi ni Krishna. Tangang to bakit hindi niya alam yun? Kalat na kalat kaya yung engagement na yun ni Darrah at Drexel.
"Anong swerte don? Kailan pa naging swerte ang ma-engage sa taong hindi mo naman gusto?" Sabay irap ko sa kanya. Alam kong ayaw na ni Darrah kay Drexel, pero wala siyang magagawa kahit na gaano niya pa kaayaw na makasal dito, dahil alam niyang kahit anong gawin niya hindi magbabago ang isip ng Daddy niya. Hindi ko alam kung anong nagyari pero dati naman ay mahal na mahal ni Darrah si Drex, sadyang ganoon nga yata ang pag-ibig, naglalaho.
"What? Hindi niya gusto si Drexel? Tss. Magpinsan nga talaga kayo! Ikaw ayaw mo si Nicker, siya naman ayaw si Drexel! Ano ba yan! Sinasayang niyo lang yung mga lalaki eh! Nako kung sa akin na engage yang si Drexel pinakasalan ko kaagad yan." Hinayang na hinayang na sabi niya. Napailing nalang ako dahil doon. Basta kasi lalaki wala siyang sinasayang basta gwapo! Kilala sa pagiging casanova si Krishna, kung gaano siya kabilis ma fall sa lalaki ay ganoon din ito kabilis mawalan ng interes.
"Hay nako Krishna ewan ko sa'yo, puro lalaki yang iniisip mo." Naiiling na sabi ko sabay tingin sa relo ko. s**t nakalimutan kong may klase pa nga pala ako at 5 minutes nalang bago magsimula ito, ang bilis naman ng oras parang kakaupo ko lang dito ah. Buti na lang at malapit lang ang building namin sa food court.
"See you later bitches. I have to go may klase na ako." Paalam ko at nagbeso sa kanila.
"Hintayin niyo ko mamaya ha!" Paalala ko kay Jiannah habang bumebeso sa kanya at pagkatapos noon ay tumalikod na ako sa kanila at nag umpisang maglakad papunta sa building namin.