Pagkalabas ko ng classroom ay nadatnan ko sa labas si Krishna at Jiannah na nakaupo sa mga bench at halatang inip na inip na sa paghihintay sa akin. Abala si Krishna sa paglalagay ng make up sa pagmumukha niya habang si Jiannah naman ay nakapalumbabang nakatitig sa cellphone niya.
Akala mo naman may hinihintay na chat ang gaga.
"Hey! Let's go!" Untag ko sa kanila. Isang matalim na irap ang binigay sa akin ni Krishna dahil nga pinaghintay ko na naman sila pero tinaasan ko na lang siya ng kilay. Hindi pa ba sila nasanay, wala naman silang choice kundi hintayin ako dahil nga sa iisang building lang naman ang department namin.
"Grabe talaga yang prof niyo, mag e-end of the world na lang ayaw pa rin kayong palabasin." Reklamo ni Jiannah sabay bulsa ng cellphone niya.
"Maka end of the world naman to ang oa ha!" Pambabara sa kanya ni Krishna na napairap pa.
"Paki mo ba? Epal ka talaga!" Pikon na sabi niya. Hay nako mag-uumpisa na naman itong dalawang to. Madalas silang magtalo kahit hindi naman dapat pagtalunan, parang mga tanga lang.
"Tumigil na nga kayo diyan, para kayong mga bata simpleng bagay lang pinatatalunan niyo pa." Inis na saway ko sa kanila at nauna nang bumaba ng hagdan.
Pagdating namin sa food court sobrang haba ng pila. Nakakainis talaga yung Bernadette na yun kung hindi lang siya nag over time edi sana hindi na namin kailangang makipagsiksikan dito. Inis na inis sa amin sila Czarina dahil ang tagal naming dumating. Pwede naman kasing kumain na sila kahit wala pa kami pero gusto nila ay magkakasabay kami.
Kanya-kanya kaming magkakaibigan sa pagsingit sa pila. Walang umaangal pag nakikita nilang kami ang sumisingit pero narinig kong nagreklamo yung siningitan ni Stephan kaya naman napatingin ako sa kanila.
"Ano ba wag ka ngang sumingit diyan! Dun ka sa likod ang tagal na namin nakapila dito tapos sisisingit ka lang ang anpeyr mo naman!" Dinig kong sabi noong babae, tinaasan naman siya ng kilay ni Stephan. Sino ba ang babaeng yon at ang lakas ng loob niyang magreklamo?
"Sino ka para utusan ako? At saka paki pronounce nga ulit nga yung unfair?" Mataray na sabi niya dun sa babae at diniinan pa talaga ang pagkakabigkas sa dulong salita.
"Ahh. Ehh." Napapakamot sa ulong sabi noong babae.
"Ayan makapag english kasi wagas mali mali naman mag pronounce!" saka niya inirapan yung babae.
"At least marunong mag-english!" Proud pang sabi noong babae kaya naman napatawa ako ng sarkastiko. Ano ba yan mangangatwiran na nga lang sablay pa, palibhasa utak alien.
"Marunong? So kinaganda mo na ang pagiging marunong mag-english baka nga spelling ng unfair hindi mo pa alam. Pwede ba wag kang epal dyan at baka di kita matansya!" saka niya tinulak yung babae at umorder na. Aangal pa sana yung bababe ng bigla siyang hilain ni Neil at inakbayan, duma-damoves na naman ang gago. Saglit kong tinignan yung babae pero wala na ngang utak wala pang ganda. Makakapal ang mga kilay niya at sabog din ang kulot na buhok nito, puno ng tagihawat ang mukha at namumula ang labi dahil sa mumurahing lipstick niya. Siya yung typical look ng mga nerd napapannuod sa tv, napailing ako dahil may mga ganito pala talagang itsura sa totoong buhay, kulang na lang siya ng braces at kumpleto na ang look niya pero mukhang di naman niya afford ang magpa brace.
"Wag mo na siyang patulan, hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin sa'yo at ng mga kaibigan niya." tinitigan siya ng masama noong babae.
"Bakit sino ba sila?" asar na tanong noong babae. Tumalikod na ako kay Neil at don sa mukhang pugitang babaeng yun at nagsimula nang umorder pero hindi ko mapigilang hindi marinig ang usapan nila.
"Hindi mo sila kilala?" Takang tanong ni Neil
"Magtatanong ba ako kung kilala ko sila? Bakit peymus ba sila ha?” Ugh! Saang planeta ba nagmula ang babaeng ito?
"Oo naman, lahat yata ng estudyante dito sa West Land kilala ang grupo nila. Tss. Taga saang planeta ka ba galing at hindi mo sila kilala? That's Annikha Braganza, anak siya ng may-ari ng school na ito, and that's Stephan Montenegro one of her friends. Iwasan mo silang makaaway kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo, pero mukhang huli na ang lahat para sa'yo. " Dinig kong sabi ni Neil at napailing na lang ako.
"Seryoso ka? Siya si Annikha?" May halong pagkagulat at takot sa boses noong babae.
"Oo, and I'm Neil Alcantara her boyfriend." Napabuntong hininga na lang ako. Letseng Neil kaya kami nachi-chismis eh. Pairap ko nang inalis yung tingin ko sa kanya dahil ang sakit niya sa mata. Sinabi ko na yung order ko and after 3 minutes naibigay din sa akin.
Maya-maya pa ay may mga kamay na umakbay sa akin, paglingon ko si Neil lang pala.
Inalis ko pagkakaakbay ng kamay niya. Mahilig siyang umakbay pero palagi ko siyang sinasaway dahil ang bigat ng kamay niya at nakakairita ang pagiging clingy niya.
"Umayos ka nga!" Maarteng sabi ko, napailing naman siya dahil doon. He's not my boyfriend, he's my childhood friend pero para talaga kaming couple, masyado kasi siyang clingy na nakakainis.
"Akbay lang eh." Sabay balik niya ng kamay niya, lumingon ako sa paligid, and as expected nasa amin na naman ang mata ng ilang mga estudyanteng walang magawa sa buhay kundi pag usapan ang buhay ng may buhay.
"Kahit pa! Tsaka pwede ba Neil humanap ka na nga ng ibang ipapakilalang girlfriend mo kapag makikipag break ka na sa mga babae mo." Pagalit na sabi ko. Nakakasawa na kasing palagi na lang may susugod sa aking babae at sasabihan akong inagaw ko daw si Neil sa kanila. Kaimbyerna, magaling lang sila sa umpisa eh pero kapag pinatulan mo naman mga wala namang ibubuga.
"Ayaw ko nga. Saka wala akong mahahanap na kasing galing mo sa pag-arte." Nakangiting sabi niya na naniningkit pang lalo ang mga mata sabay kuha sa akin noong tray ng pagkain ko.
Kapag kasi makikipag break na siya sa mga babae niya ako ang ipinapakilalang girlfriend niya para hindi na maghabol yung babae niya. Minsan naman umaakto siya na parang boyfriend ko kapag alam niyang ayaw kong i-entertain yung lalaking balak manligaw sa akin. Si Nicker lang talaga ang ayaw paawat.
"Whatever Neil! Kung ako sa'yo nagpapakatino na ako, eh bakit hindi ka nalang humanap ng girlfriend na totoo, yung hindi na kailangang umarte at yung babaeng pwede mong seryosohin?" Naiiling na sabi ko at nauna nang maglakad sa table namin.
Isang nakakaloko ngisi ang binigay niya sa akin.
"Hindi naman kasi ganoon kadali yun eh! At isa pa masyado pa tayong bata para seryoshin ang pag-ibig, may tamang panahon para diyan. Sa ngayon ang kailangan mo lang gawin ay i-enjoy ito." Napanganga ako sa sinabi niya saka siya kinunutan ng noo. Yan ang bagay na ayaw ko sa kanya, hindi siya marunong magseryoso.
"Alam mo sa palagay ko mali ka kasi ang kailangan mong gawin ngayon ay kumain na kasi gutom lang yan." sabay irap ko sa kanya.
"No, I'm not hungry at oo nga pala pupunta ako sa inyo mamaya ha, magpapatulong lang ako sa research." Nakangiting sabi niya.
"Bakit?" Takang tanong ko, bakit niya kailangan ang tulong ko sa research, nasaan ba ang mga group mates niya.
"Basta, sige na aalis na ako pupunta pa akong East Land." Kinindatan niya ako at saka umalis.
"Bye babe, see you later." Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya. Mamaya sa akin yun, masasapak ko talaga siya.
* * *
Umiinom ako ng juice sa may kusina nang bigla nalang may umakbay sa akin. Paglingon ko sa gilid ko si Neil lang pala na sobrang lawak ng ngiti. Kahilig talaga nitong umakbay, nakakainis buti sana kung magaan lang yung braso niya kaso hindi eh. Tinignan ko siya ng masama habang iniinom yung juice, kaagad naman niyang tinanggal yung kamay niya. Ayaw ko talaga yang mga pag akbay niya na yan pero nasanay nalang din ako dahil ganyan na siya simula pagkabata namin.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko.
"Wala, diba nga sabi ko pupunta ako dito?" nakangiti niyang sagot habang nagsasalin ng juice sa basong ininuman ko. Napanganga na lang ako nang pag-inuman na niya yung baso ko, kumindat pa ang gago! Okay lang sana na ininuman niya yun eh kaso pakindat-kindat pa kasi, ang creepy tuloy.
"Yuck!" maarteng sabi ko pero ngumisi lang siya sa akin.
"Arte mo! Baka halikan kita diyan ng totoo." Paghahamon niya.
"Don't you dare!" Saka ko siya tinignan ng masama habang siya naman ay nakangisi lang. Never pa niya akong nahalikan, takot niya lang at baka mapatay ko siya ng wala sa oras.
"Huwag mo nga akong nginingisian diyan! At pwede ba tigilan mo nga yang pagkindat mo, ang creepy mo.”
"Ngayon ka lang makakakita ng gwapong creepy." At napatawa siya kaya naman naningkit ang kanan kong mata. Hindi naman naipagkakailang may itsura itong si Neil ayun nga lang ay hindi pasok sa standard ko. At isa pa wala naman akong balak gawing boyfriend ang isang to, isa siyang manloloko at malabong magseryoso siya.
"Can I ask you a favor?" malambing na sabi niya sabay akbay sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, ano na naman kaya ang kailangan ng gagong 'to? Baka mamaya ay may naghahabol na naman sa kanyang babae at balak niyang magpanggap na naman akong girfriend niya. Sawang sawa na ako sa ganoong eksena kaya kahit anong pa cute niya ay hindi ako papayag.
"Ano yon? Nako Neil kung magpapanggap na namang girlfriend mo ay tigilan mo ko." Sabay halukipkip ko at taas ng kilay sa kanya. Napangisi naman siya at bahagyang napakamot sa ulo.
"Hindi! Diba nga magpapatulong sana ako doon sa research paper ko." Nakapout pang sabi niya, pa cute talaga. Ah oo nga pala nagpapatulong siya doon sa research paper daw nila. Pero bakit ako ang kailangang tummulong sa kanya?
"Bakit nasaan ang ka grupo mo at sa akin ka nagpapatulong?" takng tanong ko.
Nagkibit balikat naman siya bago sumagot.
"Nag back out, may nangyayari kasi sa amin, okay naman noong una pero bigla nalang na gusto na niyang maging girlfriend ko siya kaya ayun." Noong una ay hindi ko nakuha ang sinabi niya pero nang mag umpisang rumehistro sa utak ko ang ibig niyang sabihin ay awtomatikong marahan ko siyang sinampal, gago talaga ang lalaking ito at walang ibang ginawa kundi ang manloko ng mga babae.
"Aray naman Nikha! Nilinaw ko naman sa kanya na hindi ko siya gusto pero mapilit siya, ano namang magagawa ko eh palay na ang lumalapit diba?" Napailing nalang ako. I can't believe him. Tss... Ang mga lalaki nga naman. Ano bang logic niya? Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.
"Ewan ko sa'yo Neil, ang gago mo alam mo ba iyon?" Napanguso siya, alam naman niyang ayaw ko sa lahat ay yung manloloko. Itong gawain niyang ito ang pinakaayaw ko sa kanya, ano bang mapapala niya sa paglalaro sa mga babae.
"Look I'm sorry pero anong magagawa ko, nangyari na eh. Hindi ko naman kasalanang na fall siya." Tsk. Ang gago ng dahilan niya, ano pa bang magagawa ko eh likas na siyang ganiyan, sana naman ay magbago na siya.
"Sige na Niks. help me with this one. Please!" Pa cute na sabi niya at ngumuso pa, pinagdaop pa niya ang mga palad niya at umaktong nagmamakaawa. Napailing na lamang ako doon dahil ang cute niya, naisip kong may kailangan din naman ako sa kanya kaya't sumang ayon na ako.
"Sure, but in one condition.." Ngumisi ako, siya naman ay naghihintay sa susunod na sasabihin ko.
"Sige, name it, kahit ano gagawin ko." nakangiting sabi niya.
"Gawin mo yung assignment ko sa Business Stat." Ngumisi siya ng malawak at para bang nabuhayan ng loob.
"Yun lang pala eh! Chicken." Ang yabang talaga nito palibhasa magaling siya pagdating sa numbers.
"Tss. Yabang! Tara na nga sa kwarto ko." Binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngisi kaya marahan ko siyang sinampal.
"Green minded ka talaga Neil Ygan!" naiinis na sabi ko.
Nasa number 1 palang ako nang bigla kong batuhin si Neil ng unan. Nakahiga siya sa kama ko habang hawak yung cellphone ko, naglalaro ata ang gago.
Bwisit! Pasarap habang ako nahihilo na sa pag intindi sa sulat niya.
"Ay putek! Ano ba naman yan Nikha namatay tuloy nakakainis ka!" Maktol niya sa akin.
"Masyado mo kasing feel na feel yang kama ko pati yang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya
"Kaysa naman sayo masyadong feel yang sagot ko." Sabay irap niya.
Tumayo ako at naupo sa kama sa may tabi niya.
"Ehh naman sayo?" Mataray na sabi ko.
"Wala! Bakit ka tumatabi sa akin? Ikaw ha dumada-moves ka na." Kinunutan ko siya ng noo.
"Feeling mo naman!" sabay sapok ko sa kanya
"Neil wag feeler ha! Ikaw na nga lang ang magsulat, hindi ko kasi ma-gets yung sulat mo. Tignan mo parang kinalahig ng manok" sabay pakita sa kanya ng papel.
"Aba ayos ka ah! Ako na nga ang nag solve ako pa magsusulat at nilait mo pa yung sulat ko!" naiiling na sabi niya. Napangisi naman ako dahil doon.
"So what? Ano ayaw mo? K fine! Bahala kang gumawa ng research paper mo total madali lang naman yon diba o kaya magmakaawa ka nalang doon sa research partner mo?" Sabay taas ko ng kilay, napaisip naman siya.
"Sino bang may sabing ayaw ko? Akin na susulatan na po kita!" sabay hablot sa akin noong ballpen ko at saka notebook.
"Eh ba't parang galit?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Hindi ako galit." seryosong sabi niya.
"Aba dapat lang. Ayusin mo yang sulat mo, gandahan mo, dapat kasing ganda ko yan." Taas kilay na sabi ko pero isang iling na lang ang ginawa niya bago magsulat.
Napansin ko namang nakatabi yung papel na pinag solve-an niya. Noong tignan ko yung sinusulat niya sa notebook ko nag so-solve pa siya. Napailing nalang ako, pinapahirapan niya pa yung sarili niya. Alam ko namang sobrang talino niya sa math pero hindi niya naman na kailangan pang i-solve ulit yun. Ewan ko na talaga kay Neil minsan, gustong nahihirapan yung sarili niya.
Kinuha ko na lang yung tablet ko saka ko in-open and messenger ko. Hindi talaga ako mahilig mag f*******: at messenger, mas madalas ako sa i********: at twitter kaya naman bihira akong magreply sa mga chat sa akin, tangin s agroup chat lamang naming magkakaibigan ako aktibo. Ang mga groupchat para sa school ay naka mute dahil sobrang ingay nito at kahit hindi related sa mga school activities ay doon nila pinag-uusapan.
Nag chat si Stephan sa gc namin, ini-invite niya kaming pumunta sa birthday party ng Mommy niya.
Nabasa yata ni Neil yung chat ni Steph sa messenger ko dahil nasa kanya pa rin ang cellphon ko, bigla kasi siyang nagyayang mag mall. Nababagot na rin naman ako kung kaya't kaagad akong sumang-ayon.
After namin mag-shopping dumiretso kami sa Infinite Cafe, tumambay lang kami doon. Pag aari ito nila Darrah dahil mayroon silang coffee farm.
Nakakita na naman ng chicks si Neil kaya nagpaalam saglit sa akin, kaya ako naiwan sa table namin.
Bwisit talaga yun, basta babae kabilis. Kaya tingin ko ay bagay kung sila nalang ni Krishna dahil parehas sila, napangisi ako sa naisip, paano nga kaya kung naging sila, posible kayang maging loyal sila sa isa't-isa? Pinilig ko ang ulo ko at pinagtuunan nalang ng pansin ang kinakain ko.
Nayayamot na ako dito kaya naman tumayo ako at lumapit sa table na kinaroroonan ni Neil at noong babaeng ewan parang kilala ko pero hindi. Hindi naman siya relevant kaya't bakit pag aaksayahan ko ng oras na isipin kung sino siya.
"Ehemm." Pagpaparamdam ko. Parehas naman silang natigilan sa tawanan at napatingin sa akin, yung babaeng nagmamaganda at taas kilay akong tinignan na para bang nakaka abala ako sa paglalandian nila ng kasama niya. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Neil kaya tinignan ko na ng matalim.
"Who are you miss?" Taas kilay na tanong noong babae. Isang mataray na tingin ang binigay ko sa kanya. This b***h! Who are you miss? Pang gagaya ko sa tono niya.
"Just his girl friend." Simpleng sabi ko pero may diin ang salitang friend. Nanlaki ang mga mata ni Neil sa sinabi ko, parang nagulat siya at nainis at the same time.
"Oh!" Gulat na sabi niya.
"I'm telling you miss magiging isa ka lang sa mga pampalipas oras niya, so stop flirting with him." Sabay ngiti ko sa babae, yung nakakamatay na ngiti.
Napanganga yung babae at nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Neil.
Taas kilay kong tinignan si Neil, saka ako tumalikod at nag umpisa nang maglakad palabas ng cafe, kaagad namang tumayo si Neil si kinauupuan niya.
May sinabi pa siya sa babae pero hindi ko na narinig kung ano yun. Saglit pa'y kasunod ko na siyang naglalakad.
"What the hell was that, Annikha?" Asar na sabi niya pagdating namin sa kotse niya. Alam kong galit na siya dahil tinawag na niya kong Annikha.
"Ang bastos mo talaga!" sigaw niya.
"Ikaw ang bastos! Iiwan mo ko dahil dun sa babaeng yon?" sigaw ko rin sa kanya.
Napatitig siya sa akin habang naniningkit ang mga singkit na niyang mata. Natigilan din ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko na double meaning pala. Baka mamaya isipin niya ay nagseselos ako.
"Don't tell me you're jealous?" Nakangising sabi niya kaya naman napairap nalang ako sa kawalan. Tama nga nga ang naisip ko na maiisip niya.
"Hindi ako nagseselos! Alam mong hindi ako magseselos at wala akong dapat ikaselos dahil walang tayo!"
"Walang tayo? Pero kung maka sabi ka ng girlfriend kita kanina ha!" medyo natigilan naman ako sa sinabi niya.
"You know why I said that, kaya wag mong masyadong seryosohin. I said girl friend not girlfriend, magkaiba yun." binuksan ko na yung pinto sa backseat pero siya nakatayo pa din sa labas. Alam kong hard ako masyado pero di naman talaga ko nag seselos nakakainis lang talaga yung style niyang ganon. Alam naman niyang ayaw kong mag isang naiiwan kapag nasa public place pero ginawa pa din niya para lang lumandi.
Binuksan niya yung pinto ng backseat.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka lumilipat sa harap, hindi mo ko driver!" Napabuntong hininga na lang ako.
Okay fine! Pagod na ko wala na ko sa mood makipagtalo pa. Lumabas na ako at lumipat sa harap, at saka palang siya pumasok sa loob at pinaandar ang kotse. Mabilis ang patakbo niya at nakakabingi ang katahimikan dahil wala kaming imikan hanggang makarating kami sa bahay.
"Good Afternoon po." Nag-aalangang bati ni Lea, tinaasan ko siya ng kilay.
"Mukha bang may good sa afternoon ko ha" Napayuko na lang siya. Gagang to, alam na nga niyang badtrip ako tapos babati pa ng ganon.
Dumiretso kami sa sala at padabog akong naupo sa sofa, tumabi siya sa akin pero hindi gaya dati na halos walang distansyang namamagitan sa amin, ngayon kasi ay halos isang dipa ang layo niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, abala pa siyang nagtetext at para bang kinikilig pa siya dahil nakangiti siya.
Nag-angat siya ng tingin at napadako ang tingin sa akin, kaya kaagad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Malamang yung babae kanina yung kachat niya. Tss. Landi talaga! Hindi pa nga sila break noong girlfriend niya ay may kalandian na naman siya.
Saglit pa muna niyang akong tinignan at saka ulit bumalik ang atensyon niya sa pagtitipa. Narinig ko siyang nagpipigil ng tawa kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Tinignan niya rin ako at kinunutan ng noo kaya inirapan ko siya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya kapag tinitignan ko siya, mukha kasi siyang ewan, dahil panay ang pigil niya ng tawa niya.
Iniwan ko siya sa sala para umakyat sa kwarto at umpisahan yung sinasabi niyang research s**t. Mahigit dalawang oras ko ding trinabaho iyon at sinend ko sa kanyang email ang kung ano mang nagawa ko. Nagpasya na akong bumaba pero naabutan ko siyang naka upo pa rin sa sofa at naka dekwatro, abala siya sa paglalaro ng Call of Duty. Saglit niya akong tinapunan ng tingin at binalik muli ang atensiyon sa nilalaro.
"Eto na po yung meryenda niyo." Biglang eksena ni Lea. Dahan-dahan nitong inilapag sa lamesa yung pineapple juice at yung waffle. Naupo akong muli sa tabi niya at isang ngiti ang binigay niya, mukhang di na siya badtrip.
Mabilis pa sa alaunang lumapit si Neil sa meryenda namin, tinitigan ko na lang siya ng masama.
"May iuutos pa po ba kayo?" Tanong ni Lea, napatingin sa kanya si Neil at nakita kong kinindatan niya ito. Napairap ako dahil doon, landi ng bwisit pati ba naman si Lea!
"Lumayas ka na sa harap ko." Iritang sabi ko habang nakatingin pa din kay Neil na ngayon eh halos mabulunan na sa pagkain.
"Okay po." Paalis na sana siya nang bigla ko siyang tinawag.
"Bakit iisa lang tong basong dala mo?" taas kilay kong tanong habang masamang nakatingin sa kanya.
Tahimik lang siya tsaka napatingin kay Neil at sabay balik ng tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata saka ko tinignan ng masama si Neil. Tinaasan niya naman ako ng kilay, tss patay malisya pa eh.
Inutusan ko na lang si Lea na kumuha ng isa pang baso. Talaga naman tong si Neil oo, para-paraan eh. Halata namang inutos niya kay Lea na isang baso lang ang dalhin para mag share kami doon sa baso, tsk.
"Yung totoo Neil kumain ka ba talaga? Kulang na lang ubusin mo pati yung akin eh." iritang sabi ko saka ko pairap na sinubo yung waffle.
Hindi niya lang ako pinansin nagpatuloy lang siya sa pagkain. Sinalinan ko na lang ng juice yung baso niya na wala ng laman. Napatingin siya sa akin habang nagsasalin ako ng juice.
"What?" Kunot noo kong tanong pero hindi niya lang ako pinansin. Saglit siyang napatingin sa waffle na nasa plato ko saka niya kinuha yung baso at uminom.
Pagkalapag niya noong baso marahan kong inasog sa kanya yung plato ko.
Tinignan naman niya ako "Sa'yo na." Saglit niyang tinignan yung waffle at muling ibinalik ang tingin sa akin. Anong problema ng isang to, binigyan ko na nga siya pero ano pa bang hinihintay niya, gusto pa ata subuan ko siya.
Ngumiti siya sa akin, “Subuan mo ako.” sabi niya kaya’t napataas ang kilay ko.
“Ano ka sinuswerte? May kamay ka naman at hindi ka naman bata para subuan pa, isa pa ay hindi mo ako katulong.” mataray na sabi ko. Ngumuso naman siya at inirapan ako.
“Ang dami mo namang sinabi. Edi don’t!” Umisdmid siya at bulong bulong na tinuon ang tingin sa cellphone niya. Isip bata talaga minsan ang isang to. Para lang matigil na siya sa pag-iinarte niya ay kinuha ko na yung tinidor saka ako pumutol ng kapiraso at sinubo yun sa kanya, agad naman siyang ngumanga at sinubo yun. Ngiting ngiti siy habang ngumunguya.
Sa ganoong eksena kami inabutan ni Oliver. Teka bakit na naman nandito ang isang 'to?
"Ang sweet naman! Buti hindi pa kayo nilalanggam diyan?" Nang-aasar niyang sabi sabay baba niya sa cellphone niya. Malamang kinuhanan kami niya kami ng picture, nirereto niya kasi ako kay Neil Ygan pero nilinaw namin ni Neil na magkaibigan lang kami.
Iginiit pa sa akin noon ni Oliver na may gusto sa akin si Neil pero hindi ko lamang pinansin iyon.
Inirapan ko lang siya, si Neil naman ay binato siya ng throw pillow na agad naman niyang nasalo.
"Annikha pahiram muna si Neil ha, may pupuntahan lang kami." Pagpapalam niya. Gusto kong tanungin kung saan sila pupunta pero hindi naman kami close para gawin ko yun at saka ano bang pakialam ko sa kanila.
Isang tango lang ang isinagot ko.
"Bye babe! Sorry kanina. Babalik din ako." Sabay kindat muli ni Neil.
Napatingin ako kay Oliver na ngayon ay natatawa sa amin ni Neil.
"Naks may lq pala." nang aasar pang sabi ni Oliver pero inirapan ko na lamang siya. Sumandal ako sa may sofa at hinilot ang sintido ko. Parang ang haba ng araw na ito para sa akin, hindi naging maganda ang araw ko dahil sa mga epal na tulad ni Mommy at Daddy, ni Neil at Oliver at yung lalaking bwisit kaninang umaga. Sayang talaga ang kagwapuhan niya kung hindi lang naging magaspang ang pakikitungo niya sa akin.
Muli ay nag flashback sa akin yung eksena namin kaninang umaga at kung gaano ka perpekto ang itsura niya, ayun lamang ay sumablay pagdating sa ugali niya. Naiinis ako dahil minsan na nga lang ako magwapuhan sa lalaki pero ganoon naman.