Alasingko pa lang ng umaga nang magtext si Neil na hindi niya ako masusundo dahil susunduin pa daw niya yung girlfriend niya. Walang forever pagdating kay Neil dahil magbe-break din sila after a week or a month. Hindi ako bitter, nagsasabi lang ako ng totoo. Akala mo siya nagpapalit ng damit kung magpalit ng babae, malamang ang girlfriend na tinutukoy niya ay yung babae kahapon, I'm not even sure kung girlfriend pa ba niya yung isang sa East Land nag aaral. Siguro ay pinagsabay na niya ang mga ito. Hindi ko talaga magets kung bakit may mga taong di makuntento sa isa.
Dahil wala si Neil at wala din naman si Mang Berto ay ako ang magda-drive para sa sarili ko. Tamad ako sa lahat ng bagay kaya pati pagda-drive ay inaasa ko sa iba.
Mas lalo akong tinatamad mag-drive ngayon dahil medyo inaantok pa ako. Tuluyan lang nagising ang diwa ko dahil sa tawag ni Lola Celesta.
"Where are you?" Tanong agad niya saakin pagkasagot ko ng tawag niya. Napapakit ako ng mariin bago sumagot. What now?
"I'm on my way to school." Walang gana kong sagot, bukod sa inaantok ay ayaw ko ring kausap ang lola kong ito.
"Good. Study hard and don't waste your time into nonsense." Napairap na lang ako sa kawalan. Mahalaga sa kaniya ang pag-aaral ko dahil gusto niyang balang araw ay ako na din ang magpatakbo ng iba pa naming kompanya sa China. Hindi ito ang gusto at pangarap ko at alam niya iyon pero wala siyang pakialam. Gusto niyang sundin ko ang gusto niya, she's a control freak. Hindi pa siya nasiyahang kontrolin ang buhay ni Mommy kaya pati ang buhay namin ni Oliver ay pinakikialaman niya. Malayong malayo siya kay Lola Anastasia, ang mama ni Dad, mas malapit ang loob ko sa kaniya dahil napaka cool niyang lola. I don't want to be rude to Lola Celesta but she's so annoying. Noong una ay sunud-sunuran ako sa kaniya dahil iginagalang ko siya. Oo, mataray at maldita ako noong bata ako pero magalang ako sa mga matatanda pero hindi na ngayon, alam kong malaki ang pinagbago ko.
Marami pang sinasabi si Lola pero kahit isa sa mga ito ay hindi ko na maintindihan. Wala ako sa huwisyong makinig sa mga litanya niya.
Nagpatuloy pa siya sa pagdadaldal niya sa lengwageng hindi ko naman maintindihan. Chinese si lola at syempre hindi naman ako masyadong nakakaintindi ng chinese lalo at napakabilis ng pagsasalita niya. Nakakaasar dahil para siyang radio static.
Pinatayan ko na siya ng tawag at nagpatuloy na sa pagda-drive. Wala pang isang minuto ay nag-ring na naman ang cellphone ko. Hindi ko lang pinansin dahil alam kong si Lola lang ang tumatawag. Mukhang hindi pa siya tapos sa mga kung ano mang sasabihin niya.
Tss! Nakakainis talaga yung matandang yon napaka daming say sa buhay ko. Ang naintindihan ko lamang sa mga sinabi niya ay mag-aral daw akong mabuti para hindi nakakahiya sa pamilya ng mapapangasawa ko. Ang sabi pa niya ay pinagmamalaki niya ako sa mga kaibigan niya kaya't ayaw niyang mapahiya sa mga ito, talagang mas mahalaga pa sa kanya yung sasabihin ng mga kaibigan niya. Hay nako nakakaimbyerna!
Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive pero patuloy din sa pagri-ring yung cellphone ko. Nakakarindi na din kaya naisipan kong i-silent na lang. Dadamputin ko na sana ito pero nahulog kaya naman kinailangan ko pang yumuko para kuhain ito. Dahan dahan na lang ang takbo ko kasi syempre takot tayong maaksidente. Sayang naman ang ganda ko kung maaaksidente lang diba? Medyo ginilid ko pa nga ang sasakyan ko para safe.
Pag-angat ko ng ulo ko nagulat na lang ako dahil muntik na akong mabangga sa isang kulay black na Innova mabuti na lang at agad kong nai-preno. Letseng Innova namumuro na yan ha! Kahapon muntik akong masagasaan ng lintek, ngayon naman ay muntik akong mabangga!
Isang nakakairitang busina ang ibinigay sa akin ng sasakyan kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na babain ang driver nito. Makakatikim sa akin ito ng salita, bwisit istupidong driver! Ang yabang, akala mo kung sino, may pabusi-busina pang nalalaman!
Dinampot ko muna yung cellphone ko at ini-end call ang tawag ni Lola.
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay agad din niyang itinigil ang pagbusina. Agad akong naglakad palapit sa bintana ng kotse at kinatok ang bintana nito. Pagbaba ng bintana ay bumungad sa akin yung mukha noong akala mong kung sinong gwapong lalaki kahapon. s**t! Seriously? Kapag minamalas nga naman etong kupal pang eto ang makaka engkwentro ko! Wala pa man ay nag iinit na naman ang mukha ko sa galit.
"Ikaw?!" Sabay pa naming sabi at halata ang pagkagulat nang makita namin ang isa't-isa. What the hell mother fucker!
"Bumaba ka nga dyan!" pero hindi lang niya pinansin ang inutos ko. Gusto kong bumaba siya ng sasakyan niya para mas feel kong makipagsagutan sa kanya. Gagantihan ko tong gagong to, di ako papayag na hindi siya magantihan sa ginawa niya sa akin kahapon.
"Hoy! Bumaba ka sabi eh!" Pasigaw na sabi ko dahil para bang wala siyang naririnig. Tinitigan niya lang ako at saka siya bumuntong hininga. Sa inis ko ay ako na ulit ang nagbukas ng pinto ng kotse niya. Ang hirap talaga nitong pababain. Napabuntong hininga na naman siya habang pababa.
Nag crossed arms siya at tsaka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa, maganda. Ang hilig talaga niyang gumanon ha! Tusukin ko yang mata niya eh. Naramdaman ko na naman ang pag init ng mukha ko, nakakainis talaga ang titig ng lalaking ito. Hindi ko gusto ang paraan niya ng pagtingin sa akin, para lamang akong balewala sa kanya.
"What?" Walang ganang sabi niya na nakataas pa ang kaliwang kilay. Halata mo ang pagkairita sa ekspresyon ng mukha niya. Wala akong pake dahil mas naiirita ako sa pagmumukha niyang letse siya.
"Bakit ba ang hilig mong magpababa ha?" Iritadong tanong niya kaya mas lalong nag init ang ulo ko.
"Bulag ka talaga hano? Ang lawak na nga ng daan mababangga mo pa yung kotse ko!" Mataray na sabi ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya kaya naman nakipagtaasan din ako ng kilay sa kanya.
"Ako pa talaga? Hindi ba ikaw tong tatanga-tangang hindi marunong mag-drive ang muntik makabangga sa sinasakyan ko ha? Ikaw itong wala sa linya mo kaya umayos ka!" Napanganga ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa sasakyan ko. Oo na, wala nga ako sa linya pero hindi ako papatalo sa ungas na ito. Ano ba yan Annikha may nalalaman ka pang pag gilid sa maling linya ka naman gumilid! Gusto kong mapa face palm sa ka gagahan ko pero syempre hindi ko gagawin yun lalo't kaharap ko ang lalaking ito.
Hindi pa lang ako nakakapagsalita ay nagsalita na ulit siya. Mayabang ang tono ng boses niya at buong buo ito.
"Pwede ba ilihis mo na yang kotse mo dahil nakakasagabal ka sa daraanan ko?" Letseng to bastos talaga. Ako pa ngayon ang nakakasagabal sa daan? Nakakairita man ay di ko magawang ikaila na masarap sa pandinig ang boses niya. Mas lalo akong nainis sa ideya na gusto ko ang boses niya. Hmmp! Inayos ko ang pagkakatayo ko at humalukipkip.
"Kotse ko pa talaga? Hindi ba yang sa'yo ang dapat mong ilihis dahil ikaw ang nakaharang sa daraanan ko?" Pikon na sabi ko. Wala naman ako sa katuwiran pero ayaw kong magpatalo! Hindi magpapatalo ang isang Braganza.
Masama niya akong tinignan bago pailing na tinalikuran, sumakay siya sa sasakyan niya kaya sumakay na rin ako sa kotse ko.
Hinihintay ko siyang i-atras yung sasakyan niya pero ang walanghiya ay mas lalo pang umabante at binangga ang kotse ko. Mabuti nalang at yung side mirror lang ang nahagip ng walang hiya.
"What the!" Sigaw ko. Sumilip pa siya sa bintana at nagkibit balikat habang nakangisi. Damn this man!
Iginilid ko muna yung kotse ko at agad kong kinuha yung bag ko at tsaka bumaba para lapitan siya. Mabuti na lang at hindi siya kaagad umalis matapos niyang banggain ang kotse ko.
"What the hell was that? Nananadya ka ba talaga ha, kahapon ka pa ah!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang at wala masyadong dumaraan at maluwag ang kalsada kung hindi ay nag cause na kami ng traffic. Nandito na naman kasi kami sa kalsada patungong Gate 3 at bihira nga ang dumaraan dito. Sa North Gate talaga ako patungo para mas malapit sa parking lot kaya dito ako dumaan dahil dito rin ang daan patungo roon.
"Ano sa palagay mo?" Taas kilay na tanong niya sa mayabang pa ring tono. Damn this man he's really pissing me off!
Agad akong naglakad papasok sa front seat ng sasakyan niya. Buti nalang mabilis akong mag-isip, magpapahatid ako sa kanya sa West Land.
"Anong ginagawa mo dyan? Bumaba ka nga." Iritang utos niya. No way highway!
"Ayaw ko nga!" Mapang-asar na sabi ko habang nakangisi sa kanya. Halata ang galit sa mga mata niya pero may kung anong kakaiba sa titig niya. Hindi iyon kagaya ng tingin niya kanina na blanko, ewan ko, basta hindi ko maipaliwanag.
"Baba sabi eh!" Sigaw niya pero mas lalo ko lang siyang nginisian. Asa ka naman, akala mo ha!
"Hindi ako bababa hangga't hindi mo ko hinahatid sa West Land." Nagulat siya sa sinabi ko at napatitig sa akin. Yung tingin niya ay may halong pagkamangha at di makapaniwala.
Nakipagsukatan ako ng tingin at siya rin ang unang nagbaba. Nakita kong nagtiim ang mga bagang niya at mariing pumikit saka nagpakawala ng buntong hininga. Padabog siyang bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto kung nasaan ako.
"Bumaba ka nga diyan!" Sabay hawak sa wrist ko. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko, hindi ko maipaliwanag pero kakaiba ang dinulot ng paghawak niya na yun. Isinantabi ko ang kakaibang pakiramdam na yun at mas pinangibabaw ang pagkainis. Taas kilay kong sinulyapan ang kamay niyang nakahawak sa akin at matalim siyang tinignan sa mata . Sino siya sa tingin niya para hawakan ako?
"What do you think you're doing?" asik ko at kaagad din naman niyang binawi ang kamay niya at saka marahang tumingin sa akin. Saglit siyang napatingin at napangisi na parang nang-uuyam. Saglit lang at nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Matalim niya akong tinignan kaya nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin.
"Pwede ba, wag mo akong bwisitin ha! Bababa ka diyan o kakaladkarin kita pababa?" Maawtorisadong sabi niya. Asa naman siyang bumaba ako dito at pwede ba huwag nga niya ako g matakot takot, hindi ako natatakot sa kanya.
"Hindi nga ako bababa dito hangga't hindi mo ako hinahatid!" Mariing sabi ko na mas lalong ikinatiim ng bagang niya.
"Anong bang akala mo sa akin ha, driver mo?" May halong iritasyon sa boses niya.
"Hindi. Pero dahil binangga mo ang kotse ko kailangan mo akong ihatid sa West Land, you should pay for the damage that you've done!" Napakunot noo siya.
"Wala akong pananagutan sa'yo! Paharang-harang ang kotse mo kaya binangga ko, at isa pa kayang kaya kong bayaran yung damage pero wala namang damage kaya huwag kang ano diyan!" Kayabang naman ng lalaking ito, akala mo naman kung sino siyang mayaman. At anong wala? Eh ayan nga't tanggal ang side mirror.
"Sorry ka pero hindi ko papabayaran ng pera sa'yo ang nasira mo. Mamili ka, ihahatid mo ako sa West Land o bibilhan mo ako ng bagong sasakyan?." Napanganga naman siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Baliw ka ba? At bakit naman kita bibilhan ng bagong sasakyan." napangisi siya at pinagmasdan ako na para bang tinatansiya ako.
"Ang dami mong sabi sabi diyan! Kung ako sa'yo ihatid mo na ako!" Napabuntong hininga siya ng malalim at naisuklay nalang ang kamay niya sa magulong ayos ng buhok. Padabog niyang isinara ang pinto at saka siya umikot para pumasok sa loob nang sasakyan na naiiling iling.
Padabog niya ulit na isinara yung pintuan ng kotse niya at saka ako matalim na tinignan. Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanya na mas lalo niyang ikinainis.
Tinawagan ko si Mang Berto kung nasaang lupalop man siya para kuhain ang kotse ko. Ayaw kong pumasok sa school na may sira ang kotse. Ano na lang ang sasabihin nila pag nakita nilang sira ang side mirror na kotse ko. Baka isipin pa nilang wala akong pampagawa.
Saglit akong napatingin sa kupal na nasa tabi ko. Seryoso siya habang nakakunot noong nagmamaneho. Nakakainis dahil ang guwapo niya sa anggulong iyon.
"You should change your air freshener." Suggest ko, paano ba naman kasi ay nakakahilo ang amoy ng sasakyan niya.
"Shut up! I don't need your opinion." Tss sungit talaga ng isang to ha, pero syempre papatalo ba ko?
"Dapat nga matuwa ka pa eh kasi kahit papano may pakialam ako sa amoy ng sasakyan mo." Sabay irap ko sa kanya kahit hindi naman niya yun nakita.
"Ha? Nagpapatawa ka ba? Para namang isang prebelehiyo ang pag puna mo sa air freshener ko." napangisi siya at saglit akong tinapunan ng tingin.
"Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya. Nagtataka ako sa inaasal niya sa akin, kilala ako bilang anak ng may-ari ng West Land at East Land University kaya't imposibleng hindi niya ako kilala. Malamang ay di nga niya ako kilala dahil kung kilala niya ako ay hindi magiging ganito ang trato niya sa akin. Ang lakas lang naman ng loob niya kung sakaling aware siya diba. Walang nagtatangkang kalabanin ako dahil alam nilang may kalalagyan sila, kahit si Debbie na nagmamaldita ay hindi magawang pumalag sa akin dahil sa takot kaya ewan ko ba sa isang to na akala mo kung sinong mayabang.
"Hindi at wala akong balak kilalanin ka." muli niya akong nilingon at nakita niya akong nakaawawang ang bibig dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya. What? He didn't know me? I'm Annikha Ineah Lee f*****g Braganza and he didn't know me?
"Are you serious, or sinasasabi mo lamang yan para asarin ako?" tiim bagang kong tanong.
"Of course I'm serious! Who do you think you are para maging kilala ko?" namamaos na sabi niya at pinasahan pa ng kamay ang buhok.
Muling napaawang ang labi ko. God I hate this man! Ang yabang niya talaga at nakakairita ang lahat sa kanya. Bakit ba kasi nag krus pa ang landas namin ng antipatikong ito?
Umayos ako ng upo at sinimulang mag taray.
"Never mind, wala din naman akong balak sabihin sa'yo kung sino ako."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Iniliko na niya ang sasakyan papunta sa main gate.
Akala ko ay hanggang doon na lang niya ako ihahatid pero diniretso niya papasok sa loob ng gate.
Hinatid niya ko sa tapat ng building ng department namin. Wait paano niya nalaman na dito yung building namin? Sigurado ba siyang hindi niya ako kilala?
Napalingon ako sa kanya at nakitang nakatitig pala siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay, isang irap ang ibinigay niya.
"Oh ayan bumaba ka na! Baka naman gusto mong ipagbukas pa kita ng pinto?" Halatang pikon na siya sa akin dahil sa tono ng boses niya. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman kung saan ang building ng department namin pero naalala ko na naka uniform nga pala ako at nakapaskil sa harap ng building kung anong department ito. Hmmp. Napairap ako pagsagot ko sa tanong kong medyo tanga.
"Anong oras ang klase mo?" Kuryoso kong tanong, paano ay pangalawang beses na kaming nagkabangga at sa parehong lugar pa talaga. Hindi naman sa pag assume pero malay ko ba kung sinasadya niya lang diba? Baka mamaya ay stalker ko lang talaga siya at nagpapansin lang siya.
"Ano namang pakialam mo?" Iritang tanong niya. Pinaglihi yata ang lalaking ito sa sama ng loob eh.
"Ano nga kasi?!" Sabay tingin sa relo ko at nakitang mahigit alas nuebe na. Letse late na ako. As if I care?
"Eight thirty pero dahil sa'yo late na ko." Inis na sabi niya, parehas pala kami ng oras ng klase kaya naman pala. Alam naman pala niyang male-late siya pero mabuti at nakumbinsi siyang ihatid ako.
"Damayan lang yan, kung hindi mo binangga yung kotse ko edi sana kanina pa ko nandito sa school at ganoon ka din." Sabay irap na sabi ko sa kanya.
"Eh kasalanan ko ba kasing tanga ka at nakaharang ka sa daan?" Hindi ba talaga siya marunong tumanggap ng pagkakamali niya kaya ako ang laging sinisisi niya? Oo mali ako pero mas mali siya dahil kinalaban niya ako.
"Bakit ba ako ang sinisisi mo eh ikaw nga tong tatanga-tangang mag drive. Ang lawak kaya ng daan tapos makakabangga ka pa!" Inis na sabi ko.
"Mas tanga ka! Nakita mong ikaw ang wala sa linya mo at ikaw ang muntik makabangga sa akin. Yung totoo marunong ka bang magmaneho ha at hindi mo maidiretso yang takbo ng kotse mo? Paano ka ba nagka lisensiya?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ang yabang talaga ng lalaking to ang sarap niyang paslangin ngayon din! Hay! Nakakairita! Minamaliit niya ba ako? Baka nga mas magaling pa akong magmaneho kaysa sa kanya.
"Alam mo pabida ka rin eh no? Sino kaya yung muntik pang makasagasa kahapon? Oh diba ang tanga mag drive!" mataray na sabi ko sabay tingin sa kanya na parang nang uuyam.
"Bumaba ka na nga! Panira ka ng araw, hinatid ka na nga't lahat hindi ka pa magpasalamat!" Inis na sabi niya! Ako pa ngayon ang panira ng araw? Grabe naman talaga tong lalaking to. Bakit ako magpapasalamat eh kung hindi niya sana binangga niya yung kotse ko edi hindi sana ako nagpahatid sa kanya. Patawa ba siya?
"Thank you ha? Thank you talaga sa pagbangga mo sa kotse ko. Happy?" Sarkastikong sabi ko sabay baba, padabog ko ding isinara yung pinto. Bwisit talaga! Humanda siya sa akin kapag nagkita kami ulit pero huwag ko na sana siyang makita pa. Sa lahat naman ng nakilala ko siya lang ang namumukod tanging nakasagutan ko ng sobra sobra.
Kinatok ko yung bintana ng sasakyan niya at kaagad namang bumukas ito.
"Ano na naman?" Iritang sabi niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Bahagya niya itong naiatras at nakita ko ang paglunok niya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko. Saglit siyang napatitig sa mata ko pagtapos ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nag igting ang mga panga niya at kunot noo akong binalikan ng tingin sa mata. Mukhang nakabawi na siya sa pagkabigla.
"Palitan mo yung nasira mo!" walang ekspresyong sabi ko. Hindo ko ba alam sa akin kung bakit ayaw kong tumigil, ang sabi ko ay tapos na kami pag naihatid niya ko pero heto ako at naghahanap ng dahilan para makita siyang muli. Natatanga na yata ako, taliwas ang sinasabi ng isip ko sa ginagawa ko.
Napatawa siya ng sarkastiko at saka ako tinignan na para bang nang-uuyam.
Marahan niya pang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa at nakatitig lang siya sa akin. Ako naman ngayon ang nagulat sa ginawa niya pero hindi ako natinag. Nakakalusaw ang mga titig niyang iyon, hindi ko alam pero parang nakaka akit ang kulay tsokolate niyang mata. Natauhan lamang ako nang muli siyang nagsalita.
"Asa ka! Inihatid na kita kaya quits na tayo" Sabay ngisi niya ng nakakaloko.
Napaatras nalang ako dahil biglang umandar ang sasakyan niya.
Letse talaga!
"Antipatiko! Maaksidente ka sana!" Gigil na sigaw ko pero ang walang hiya nginisian lang ako at kinawayan!
Tss! Sarap niya talagang paslangin! Kumukulo ang dugo ko sa kanyang letse siya!
Papasok na sana ako sa building namin nang makita ko si Jiannah at Krishna na naglalakad palapit sa akin. Mukhang galing sila sa foodcourt dahil may dala pa silang burger at fries.
"Ineah." Kunot noong sabi ni Krishna habang nakatingin sa akin at doon sa papalayong sasakyan ni.. Sino nga ba yon? Nevermind, wala akong balak alamin ang pangalan niyang antipatiko siya. Sayang talaga ang kagwapuhan niya kung ganoon lang din naman ang ugali niya.
"Si Neil ba yun?" Tanong ni Jiannah habang nakatingin dun sa sasakyan ng antipatikong lalaking yon.
"Hindi." Walang gana kong sagot tsaka nag umpisa nang maglakad, sinabayan naman ako noong dalawa.
"Eh sino yon? Si Oliver?" Nagtatakang tanong ni Jiannah. Napairap ako, ano bang paki nila kung sino yon? Ako nga walang pakialam kung sino man siyang letse siya.
"Baka boyfriend ko." sarkastikong sabi ko, hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko, kagaya ko ay nabigla sila at nagkatginan pa saka tumawa nang nakakagago. Napangiwi ako dahil sa reaksyon nila. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mukha ba akong nagpapatawa ha? I'm being sarcastic here!
"Ge tawa pa!" Asar na sabi ko sabay irap sa kanila.
"Bakit seryoso ka ba?" Natatawa pa ring tanong ni Krish. Yung mukha ko lang yung seryoso pero syempre hindi ako seryoso sa sinabi ko pero hindi rin ako nag joke kaya't wala silang dahilan para matawa.
"Ano sa palagay mo? Mukha ba akong seryoso?" Walang gana kong sagot sabay irap sa kanya, damn she's so stupid.
"Sino nga kasi yon?" Pangungulit pa ni Jiannah. Putek di ba sila titigil? Hindi pa pwedeng manahimik nalang sila, bakit kailangan pa nilang usisaing mabuti?
"Ano bang paki niyo? Why don't you mind your own business!?" Inis na sabi ko at nauna nang maglakad. Hindi yata effective ang pagsusungit ko dahil hindi pa rin nila ako tinigilan. Mabilis silang humabol sa akin at nagtatawanan pa ang mga gaga.
"Why so sungit? We're just curious lang naman!" Sabay angkla sa akin ni Krishna. Napairap nalang ako sa kawalan at napailing. Naisip ko nalang na pagtripan ang dalawang ito.
"Maniniwala ba kayo pag sinabi kong manliligaw ko?" Taas kilay kong tanong.
Nagkatinginan silang dalawa at baka sa kanilang mukha ang pagkabigla.
"Seryoso? At kailan ka pa nag-entertain ng manliligaw ha? Magugunaw na yata ang mundo." Bakas sa boses ni Krishna ang pagkabigla pero parang kumbisido siya. Seryoso ba? Naniwala siya don? Wala bang sense of humor tong babaeng to at hindi makaintindi ng sarcasm?
"Kanina lang?" Sakay ko sa ka istupiduhan niya. Natawa ulit silang dalawa, bwisit talaga tong mga 'to. Wala naman sanang nakakatawa bakit sila tumatawa? Mukhang may tama na ang mga ito. Tss.
"Ewan ko sa inyo!" Inis na sabi ko, hindi ko na sila hinintay na maglakad pumasok na ako sa may room namin.
Nakalabas na si Ma'am Shara, mabuti naman at hindi ko na siya inabutan. Malamang ay kagagalitan lamang ako noon kung sakaling naabutan ko siya at late ako.