12:11 pm na, Nag OT na naman si Sir. s**t lang gutom na ako buti na lang at wala na akong klase. Kainis bakit ba kasi kailangang laging nag o-OT yung mga prof namin pag malapit na ang lunch break.
Paglabas ko naabutan kong nakasimangot na nakatayo si Jiannah at Krishna. Nagkibit balikat na lang ako at nauna nang maglakad, sumunod naman sila.
"As usual nag over time na naman si Sir Lakandula Bakit ba ganyan yang mga prof mo tuwing bago mag lunch break ang hilig mag OT." Sabay irap na sabi ni Krishna. Abay ewan ko rin sa kanila, iyon nga din ang tanong ko.
"Saan tayo?" Walang gana kong tanong. Hindi ko trip kumain ngayon sa food court para akong nag crave sa Carbonara ng Infinite Cafe.
"Saan lang, walang tayo!" Pambabara sa akin ni Krishna. Ang baduy ha, saan naman kaya niya napulot yun?
"Aray! Eh ba't kaya nananapok!" Reklamo niya sabay hawak doon sa sinapok ko sa kanya.
"Ang baduy mo eh! Walang tayo ka pang nalalaman diyan! Anong gusto mo? Saan lang? Saan? Ano? Sagot!" Iritang sabi ko. Kakainis kasi yung mga ganong sagot eh!
"Ayan na triggered! Gaga ka ha!" Pang aasar sa kanya ni Jiannah na napatawa pa.
"Sorry na b***h! Masyado ka namang gigil eh! Ganyan ba talaga pag may love life na?" nakangising sabi niya. Tss. Sinamaan ko siya ng tingin, akala niya yata ay nasa mood ako para makipag biruan sa kanya.
"Ha-ha! Nakakatawa ka ba diyan? Pwede ba Krishna tigilan mo ko ha wala ako sa mood." iritadong sabi ko sa kanya kaya naman napanguso siya.
"My God Annikha! Chill b***h! Kahapon pa mainit yang ulo mo, pwede bang kalmahan mo lang." saway sa akin ni Jiannah na napairap na rin. Mukhang naririndi na siya sa pagtataray ko na kasalanan din naman nilang dalawa.
"What ever! So ano, saan nga?" Sabay taas ko ng kilay.
"Sa foodcourt nalang, kanina pa nandoon sila Czarina at umorder na daw sila." Sagot ni Jiannah.
Lagi na lang kami sa food court kumakain, hindi ba sila nagsasawa don?
"Oo nga pala Annikha Ineah Braganza!" Sabay pa kaming napatingin sa kanya ni Jiannah.
"Ano? Kailangan talaga buong pangalan?" Taas kilay na sabi ko.
"Para may pa effect diba?" sabay kindat pa niya. Napailing nalang ako, ang dami niyang alam today.
"Ang dami mong alam eh no!" Naiiling na sabi ni Jiannah. Akala ko ako lang ang nakapansin, siya rin pala.
"Ganon talaga! So ayun nga! Bago tayo magkalimutan, sino yung lalaking naghatid sa'yo kanina? Seryoso ka bang manliligaw mo yun o charot lang?" Kinunutan ko siya ng noo. Hindi pa rin kami tapos doon? Talagang gusto niyang sagutin ko ng totoo ang tanong niya? Saka hindi ba siya marunong makaramdam na yun ang ikinainis ko sa kanya 2 minutes ago?
"Oo nga, sino yun? Bigla mo na lang kaming nilayasan kanina, nagtatanong lang kami ng maayos eh." Sininghalan ko sila.
"Anong maayos kayo diyan! Para nga kayong mga gaga kanina eh. Wala yun, wag niyo nang alamin at hindi naman importante kung sino man yun." Hindi ko na sila hinintay magsalita, nauna na akong maglakad. Wala akong balak sabihin sa kanila na nakaaway ko lang sa gitna ng kalsada ang lalaking yun at nagawa nitong sagut-sagutin ako. Malamang ay pagtatawanan at mas lalo lang nila akong aasarin kapag nalaman nila iyon.
"Hoy wag kang maglihim diyan! Sabihin mo kung sino yun!" Pilit nilang dalawa. Asa naman silang sabihin ko kung sino talaga yung lalaking yun. Hindi ko rin naman kasi siya kilala, ang alam ko lang isa siyang antipatikong akala mo kung sinong gwapong nakasagutan ko sa gitna ng kalsada.
"Huwag niyo nang alamin, hindi niyo naman ikakamatay kung hindi niyo malalaman diba?"
Pagdating namin sa food court nadatnan namin ang ilang kaibigan sa food court na kapwa abala sa cellphone. May ilang mga pagkain na sa table pero wala pang bawas ang mga ito.
"Grabe ha ang bilis niyo." Sarkastikong sabi ni Czarina.
"Nasaan si Stephan?" Pagbalewala ko sa sinabi niya.
"Ayun umo-order na baka kasi bukas pa kayo dumating." Pairap na sabi niya.
Naupo na kaming tatlo, kay Ashley ako tumabi. Abala ito sa pagtitipa sa cellphone niya pero parang nagulat nang maupo ako dahil kaagad niyang pasimpleng iniiwas ang cellphone niya.
"Hey b***h!" untag ko sa kanya, masyado kasi siyang busy sa kung sino mang ka text niya. Saglit niya lang akong tinignan bago niya ibalik ulit ang atensyon sa ka text.
"Si Assyla ba wala pa? Himala yata na late yun ng labas." Tanong ni Jiannah habang nakatingin sa wrist watch niya.
"Ayan ah, kasama ni Neil." Sabay hikab ni Krishna.
"Nikha." Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Neil.
Naiinis talaga ako sa kanya kapag tinatawag niya akong Nikha. Hindi ko siya nilingon dahil nga ayaw ko nang tinatawag sa ganoong pangalan in public.
"What the!" Nakangangang sabi ni Jiannah kaya napalingon ako, napataas ang kilay ko dahil nakita ko si Neil Ygan na nakaakbay kay Assyla. Anong meron? Yes, I know na close sila pero never umakbay si Neil kay Assyla o sa iba ko pang kaibigan na babae na kaibigan na rin niya. Sa akin lang siya madalas umakbay kaya nakakapagtaka at nakaakbay ito sa kanya kaya maging ang iba naming kaibigan ay nagulat din.
"Kayo na ba? Bakit hindi namin yan alam ha?" Nanunuksong sabi ni Czarina. Napataas kilay ako at kaagad nagpapalit palit ang tingin kay Assyla at Neil. Gagong Neil may balak pa yatang gawing flavor of the month si Assyla. Huwag niyang sabihin na tapos na sila noong kalandian niya kahapon? Sa akin eh wala lang yun kung maging sila man, ang concern ko lang ay sana naman hindi siya lokohin si Assyla. Huwag din naman sanang tanga itong si Assyla at sana alam niyang kung ano ang pinapasok niya. Once they cross the line they were doomed!
"Sira, syempre hindi." Pagtanggi ni Assyla na paupo sa tabi ni Jiannah, si Neil naman sa tabi ko naupo. Nakatingin lang ako sa kanya na ngayon ay namumula. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin pero agad ding nag-iwas nang magtama ang mga mata namin. Nahihiya ba siya sa akin dahil nilalandi niya si Assyla?
"Ang tagal naman ni Stephan nagugutom na ako!" Iritang reklamo ni Czarina.
"Kaya nga eh, nilamon na yata ng pagkain." sabay lapag ni Ashley ng cellphone niya sa lamesa. Mukhang napagod na siyang mag type dahil sa wakas ay natigil din siya.
"Hoy Neil sundan mo nga!" Utos ni Czarina.
Inis na tumayo si Neil para sundan si Stephan na inabot na ng bagong taon sa pag order ng pagkain namin.
"Kakaupo ko lang eh!" Narinig ko pang reklamo niya habang naglalakad palayo.
"Sino yung ka chat mo?" Kunot noo kong tanong kay Ashley, para akong chismosa sa tanong ko pero curios lang ako.
"Ha? Wala yun!" Napatango na lang ako kahit nagdududa ako sa kung sino mang ka chat niya. Imposible naman kasing si Jam yun, yung boyfriend niya. Hindi naman kasi yun mahilig magchat, puro laro lang alam noon eh. Saka kung si Jam yun ay hindi 'wala' ang isasagot sa akin ni Ashley.
Napatingin sa akin si Jiannah kaya inirapan ko siya, nginisian niya lang ako. Anong drama ng babaeng to? Sa tingin niyang iyon at sa pag ngisi palang ay mukhang may binabalak na siyang hindi maganda. Hindi ko lang siya pinansin kaya naman kay Assyla niya tinuon ang atensyon niya.
"Hoy Assyla, ano yun bakit kayo magkaakbay ni Neil ha?" Mapaghinalang tanong niya. Alam naman kasi niyang hindi clingy si Neil sa ibang kaibigan namin.
"Ang malisyosa mo naman, wala lang yun! Friendly gesture." Hmm. I'm not sure kung maniniwala ako sa sinasabing friendly gesture ni Assyla. Knowing Neil, kasing kati ng higad ang isang yun, sinusubukan niya bang landiin si Sy? Pambihira talaga ang isang yun, may dalawa pa siyang nilalandi ah, hindi pa ba siya kuntento don?
"Sus wala daw! Baka naman mamaya eh magulat na lang kami at kayo na." Pang aasar din ni Krishna. Ma issue talaga itong si Jiannah at Krishna, sila ang madalas na magkasama sa aming magkakaibigan kaya hindi na ako magtataka. Madalas man silang magbarahan na dalawa ay nagkakasundo naman sila pagdating sa mga chismis at issue.
"Gaga! Hindi mangyayari yun. Ini-imagine ko pa lang, nasusuka na ako!" May halong pandidiring sabi ni Assyla na bahagya pang napatingin sa akin. Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay dahil sa pag sulyap sa akin ni Assyla, anong meron?
"Nako aba eh dapat lang. Sinasabi ko sa'yo Assyla Joe-an tigil-tigilan mo kung ayaw mong maging flavor of the month. Para namang hindi mo kilala yang si Neil, mala Krishna Llane yan na akala mo nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng jowa." Paalala sa kanya ni Ashley na talagang walang preno ang bibig.
"Pwede ba Ashley! Sinabi ko nang hindi nga, saka ako?..." napatawa siya ng sarkastiko "malabo namang magkagusto sa akin yun dahil alam natin pare-pareho kung sino ang gusto niya." Sabay sabay silang napalingon sa akin na siyang ikina-kunot ng noo ko. Napatawa ako sa isip ko, seryoso ba sila? Imposibleng magustuhan ako ni Neil, alam ko namang kaibigan lang ang turing niya sa akin at sadyang malapit kami sa isa't isa kung kaya ganoon siya umasta. Kung sakaling gusto nga niya ako ay mas lalong malabong magustuhan ko siya dahil babaero siya.
"Saka hindi naman ako hibang para magustuhan ko ang tulad niya, hindi ko type si Neil" mariing sabi niya at napairap pa. Now I think na baka iniisip lang ni Assyla na baka mabahala ako dahil baka isipin kong may something sa kanila.
"Talaga lang ha. Baka mamaya kainin mo yang sinabi mo." Sabad ni Czarina na nakangisi pa.
"Yuck! Hindi talaga promise!" Maarteng sagot niya. Yuck pa daw. Napakunot noo ako sa kanya dahil lumukot ang mukha niya na para bang diring diri sa ideya na magkagustuhan sila ni Neil. Mabuti naman at wala siyang balak maging isa sa mga babae ni Neil, I don't want her to get hurt. Pero if ever na ma fall siya ay wala akong paki, choice niya yun, pag nasaktan siya edi iyak.
Ilang saglit pa ay may isang babae ang lumapit sa table namin, hindi maganda ang pagkaka plantsa ng uniform niya at bakbak na din ang suot niyang sapatos. Nakalugay ang sabog na kulot niyang buhok, puno rin ng tagihawat ang mukha niya at natatakpan ng salamin niya ang makapal na kilay niya. She looks familiar, napaisip ako kung saan ko nakita ang alien na ito.
Abala siya ngayon sa paglapag ng mga pagkain sa lamesa namin. Nakatuon din ang pansin sa kanya ng mga kaibigan namin na nakakunot ang noo at mukhang walang ideya kung sino siya.
Bigla namang sumagi sa isip ko kung sino siya, anong ginagawa niya at bakit niya nilalapag ang pagkain namin? Siya yung babae sa pila kahapon, yung nakasagutan ni Stephan. Hindi ko alam kung student assistant ba siya kaya niya ginagawa ito pero sa pagkakaalam ko hindi naman ito isa sa trabaho ng mga student assistant.
"May iuutos pa po ba kayo?" nakayukong tanong niya sa amin at marahan kaming pinasadahan ng tingin. Nagtama ang mga mata namin pero kaagad niya ding iniiwas ito at yumuko.
"Wala na, makakaalis ka na." pairap na sabi ni Stephan at umakto pa ito na parang nagbubugaw lang ng langaw. Iniangat naman noong babae yung salamin niya sa mata na medyo nakababa na dahil dumudulas sa pango niyang ilong. Oh I see, mukhang nakahanap na naman ng bagong pagti-tripan etong si Stepan.
"Sige..." garalgal ang boses na sabi niya at saka kami tinalikuran. Mabilis namang iniharang ni Stephan ang paa niya dahilan upang mapatid ito. Kaagad siyang napasubsob sa may sahig. Naagaw ng malakas na pagbagsak niya ang atensiyon ng ibang mga estudyante malapit sa amin. Pinagtitinginan na siya at pinagtatawanan ng iba, ang iba naman ay nakatutok ang camera ng cellphone nila sa nakasalampak na alien na halos maluha luha na nang mag angat ng tingin. Nakakaawa ang itsura niya pero maiirita ka dahil halatang palaban siya dahil sa masakit na tingin niya kay Stephan.
Tinaasan siya ng kilay ni Stephan at pinanlakihan ng mata.
"Anong tinatanga-tanga mo diyan? Alis na, ang sakit mo sa mata!" Sabay irap na sabi niya. Kaagad namang tumayo si nerd at nakayukong umalis sa food court. Habang naglalakad ay hindi pa rin tumitigil ang bulung-bulungan at tawanan ng ilang estudyante.
Napangisi lang ang gagang Stephan at marahang naupo habang nakahalukipkip.
"Is that..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumagot siya.
"Yeah! It turns out na anak pala siya noong bago naming maid, kaya lamang ay nagkasakit ito at siya ang ipinalit. Kung nakita mo lang ang itsura niya nang malaman niyang ako ang bago niyang amo ay matatawa ka." Ngingisi ngisi pang sabi nito. Tss kawawa naman ang babaeng yun, malas niya dahil hindi na magiging madali ang buhay niya dahil kay Stephan. I know Stephan, she's a bully, marami nang nagreklamo sa kanya pero wala namang nanalo dahil nga napapatahimik din sila kaagad ng pera.
"Hay nako Lhaika Stephan mukhang nakahanap ka na naman ng bagong pagti-tripan" naiiling na sabi ni Ashley. Napakibit balikat lamang si Stephan habang bakas pa din ang malaking ngisi sa labi.
"Hay! Kaya naman pala matagal eh, inuna pang makipag away." Naiiling na sabi ni Neil pagkabalik niya sabay lapag ng iced coffee sa harapan ko. Kasunod naman niya yung dalawang crew na may dala ding tray ng pagkain namin.
Tignan mo nga at nagawa pa palang makipag away netong si Stephan at hindi pa siya nasiyahan doon dahil pinagtripan pa niya si nerd.
"What?" mataray na tanong niya nang sabay sabay namin siyang tapunan ng tingin. Hindi na kami magtataka kung siya na naman ang laman ng Guidance sa isang araw.
Naupo na si Neil sa tabi ko at pasimpleng umakbay, napatingin ako kay Assyla na kunot noong nakatitig sa kamay ni Neil na nakaakbay sa akin. Napataas kilay ako dahil sa tingin niyang iyon, Wala nga ba talagang something ha Assyla? May kung ano kasi sa tingin niya, I'm not sure kung feeling ko lang ba iyon or meron nga talaga. Napukaw ang pansin ko nang mag umpisang mag kuwento si Stephan, kinuwento niya yung nangyari kanina sa pila kung paano niya pinahiya yung isang estudyanteng naapakan siya. Napaka war freak talaga ng gaga kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya ang pinakamaraming hater sa aming magkakaibigan.
Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa kanilang mga usapan, napansin yata nilang nananahimik ako kaya napatingin sila sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nananahimik ngayon eh dati nakikisabay ako sa kwentuhan nila. Siguro wala lang talaga ako sa mood dahil doon sa lalaking antipatikong nakabangaan ko kanina. Ewan ko ba pero kanina pa ako badtrip sa classroom at lahat na yata ay napagbuntungan ko ng inis ko dahil sa lalaki na yun. Dumagdag pa ang pangungulit ni Jiannah at Krishna.
"Oh Ineah tahimik ka yata? Anong problema mo, lalaki ba?" Nakakagagong tanong ni Ashley kaya tinaasan ko siya ng kilay. Talaga namang pinuna niya pa ang pananahimik ko. Oo lalaki ang problema ko pero hindi sa paraang naiisip niya.
"Gaga! Bakit ko naman poproblemahin ang lalaki ha?" sabay irap sa kanya. Never yata akong namroblema sa lalaki. Ay mali pala namroblema na pala ako pero dati pa yun, yun na ang una at huli.
"Oo nga naman bakit niya poproblemahin ang lalaki eh may boyfriend na nga pala siya." Nakangising sabi ni Jiannah kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata, nagpalitan naman ng tingin yung lima saka nagtawanan habang si Neil naman ay patuloy lang sa pagkain. Ganyan siya kapag kumakain walang pakialam sa mundo.
"Seryoso ka ba ha Jiannah Mayne?" Natatawang tanong ni Czarina, sumama naman ang mukha niya, ayaw niya kasing tinatawag ng may Mayne. Arte eh daming alam.
"Mukha ba akong nagbibiro Czarina Jamaira?" Inis na tanong niya at ginaya pa ang tono ni Czar.
"Si Ineah may boyfriend? Mukhang malabo yata yang sinasabi mo. Eh napaka cold hearted yata ng babaeng to." Naiiling na sabi ni Ashley, tinignan ko siya ng masama. Gagang to, wala na ba talaga siyang ibang alam gawin kundi i-describe ang ugali ko? Kahapon niya pa sinasampal sa akin yang cold hearted na yan ah?
"I'm not cold hearted, I just learned how to use my heart cold." Depensa ko sa sarili ko with matching irap pa.
"Wow naman! May paganong effect pa siya oh! I'm not cold hearted.." Pang-gagaya ni Jiannah sa tono ko kaya binato ko na ng tissue.
"Aray naman! Ang pikon mo po!" Sabay irap niya., as if namang nasaktan talaga siya sa pagbato ko ng tissue. Gaga siya kung ano-ano kasing sinasabi akala niya yata cool siya doon.
"Tama na nga yan Jiannah! Panay ka kautuan. As if namang mag boyfriend yan si Ineah." Saway ni Stephan. Yas! That's my Stephan! Akala ko ay mananahimik na si Jiannah pero bibo kid talaga dahil nagsimula na naman siyang magsalita
"Bakit ba ayaw nyong maniwala eh nakita nga namin na hinatid siya kanina" Pilit niya. Tss. Akalain mong naniwala siya sa sinabi ko kanina? Pero parang may mali? Manliligaw ang sinabi ko hindi boyfriend. At hindi nila pinaniwalaan yung boyfriend dahil alam nilang malabo yun, malabo pa sa blurred.
Napatingin ako kay Neil na ngayon ay nakatingin na pala sa akin habang nakakunot ang noo. Nagtataka siguro siya dahil wala naman akong naikwento sa kanya.
"Boyfriend?" Pabulong na tanong niya habang nakakunot pa rin ang noo, hindi ako umimik at binigyan na lang ng death glare si Jiannah. Walanghiyang to eh at talagang pinarating pa niya sa ibang mga kaibigan namin. Makakalbo ko talaga siya pag hindi pa siya tumigil sa pinagsasasabi niya.
"Wait! What?" Gulat na sabi ni Stephan at parang nadismaya sa sinabi ni Jiannah.
"Oh! So does it mean you already move on from Glenn?" Nakangising tanong ni Czarina. Tinitigan ko siya ng masama, the same look that I gave to Jiannah. Oh Gosh! Please stop mentioning his name. Marinig palang ang pangalan niya ay kumukulo na ang dugo ko sa galit.
Napatingin ako kay Neil na napabuntong hininga pa. Alam niya kung gaano ko kaayaw marinig ang pangalan ng bastusin niyang pinsan.
"Bakit sino bang nagsabing hindi ako maka move on sa kanya?" Walang emosyong tanong ko. Wala na akong nararamdaman para sa kanya at kung mayroon man iyon ay walang iba kundi galit. Pangalan pa lang niya sobrang galit na yung nararamdaman ko paano pa kaya pag nakita ko na siya?
"Talaga naman ah? Diba si Glenn naman talaga ang dahilan kung bakit ka naging ganyan?" Sabad ni Ashley, isa pa sisipain ko na siya. Sinabi nang huwag banggitin yung pangalan ng letseng yun eh!
"Para sabihin ko sa inyo hindi siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Narealize ko lang na hindi ka dapat mag aksaya ng oras sa mga walang kwentang tao." I'm a terrible liar. Ash was right, he's one of the reasons why I became cold as ice.
Napakibit balikat na lang si Czarina.
"Sige sabi mo eh!" Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Well, I can't blame her, she knows me better.
"So may boyfriend ka na nga for real?" Dismayadong tanong ni Stephan.
"Wala at wala akong balak." Poker face na sabi ko. Ugh! Bakit ba kasi ini-open pa ni Jiannah ang bagay na yan? Wala talaga sa plano ko ang pagkakaroon ng boyfriend, hindi ko alam pero siguro ay dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang pagmamahal.
You can't blame me if I don't believe in love, niloko ng Daddy ko ang Mommy, ang kupal kong kapatid ay sinundan ang yapak ng magaling kong ama, ang lalaking gusto ko ay biglang nawala kung kailan kailangan ko siya, my best friend is also a womanizer. So tell me, paano ako maniniwala at maglalakas sumubok buksan ang puso ko kung ang mga nakapaligid sa akin ay nasaksihan ko kung paano gawing laro ang pag-ibig?
My father was the first man who broke my heart, then my brother, and then Glenn. I was too young and naive back then, kaya siguro madali akong nasaktan at naapektuhan sa mga panloloko nila. Hindi na ngayon, I turn my heart cold as an ice at sisiguraduhin kong walang makakalusaw nito.
"Wala daw balak baka bukas makalawa may boyfriend ka na." Tukso ni Assyla habang nakangisi ng malapad kaya't napataas kilay ako sa kanya.
"Asa kang magkaroon, si Neil lang sapat na." Pang-aasar ko habang nakatingin sa kanya, unti-unting nawawala yung malapad na ngisi niya at napalitan ng ngiwi. Napangisi ako dahil sa reaksyon niya. See, sabi na eh may something. May gusto siya kay Neil or maybe naka in a secret relationshit sila.
"Ayiehh.." Panunukso nila pati na rin si Assyla, habang naka poker face lang si Steph na parang dismayado. Kunwari pa tong si Assyla eh, paraparaan din para di mahalata.
"Kilig ako babe! Pa kiss nga!" Nakangising sabi ni Neil at umamba pang hahalik, mabuti na lang at naiharang ko yung palad ko sa labi niya.
"Ang lalandi! Get a room please!" Si Ashley na naiiling pa.
"Ano ba Neil! Umayos ka nga! Sapak gusto mo?" Napakamot na lang siya sa ulo at napabuntong hininga. Alam ko namang nagbibiro pang siya pero kasi kapag naiisip kong hahalikan niya ako ay ang weird. He's my friend, my best friend, friends are not supposed to be lovers. Iyon ang pananaw ko at para sa akin ay hindi magbabago yun.
"Nako pa hard to get pa ah. Neil ako na lang i kiss mo!" Malanding eksena ni Krishna.
"Pwede ba Krishna ilugar mo yang kakatihan mo!" Saway sa kanya ni Jiannah.
"Huwag ka ngang kontrabida!" Iritang sabi niya "Neil oh, dali na!" Biglang landi ng boses niyang sabi kay Neil. At iniamba pa talaga niya ang pisngi niya kay Neil, magkatabi lang kasi sila kaya't sobrang lapit ng mukha niya kay Neil.
"What the hell Krishna!" Sabay tapik ko sa pisngi niya. Napahagikgik naman siya.
"Aww! Kasi aarte ka pa diyan eh! Gusto mo ata talagang halikan ka niya pakunwari ka pa diyan!" Sabay irap niya.
"Pwede ba Krishna Llane, huwag mo nga akong igaya sa'yo! Hoy Neil, pagbigyan mo na nga nang matahimik na yang gagang yan!" naiiling na sabi ko, natawa na lang si Neil habang napapailing din sa kagagahan ni Krishna.
"Come here Krish.." Sabay nguso pa ni Neil. Pero kaagad din naman nag iwas si Neil ng tingin. Naghagikgikan naman ang mga kaibigan ko dahil sa ginawang yun ni Neil, ganoon din si Krishna na tinapik tapik pa sa balikat si Neil na para bang kilig na kilig siya.
"Ang lalandi! Letse!" sabay irap ni Jiannah. Natawa na naman si Neil at naiiling iling na bumaling sa akin.
"Babe I'm serious, give me a kiss." Nakapout na sabi niya. Aww, he's such a cutie. Kung si Krishna lang siguro ako ay baka sinungaban ko na siya ng halik, nasa tamang pag-iisip pa naman ako kaya't hindi ako mahuhulog sa pagpapa cute niya. Saka bakit ba nanghihingi ng halik ang isang to, ano bang tumatakbo sa isip niya?
"Pagbigyan na ang bata." Sulsol ni Czarina.
"Mamaya na, pag wala sila." Nakangising sabi ko sabay kalabit ko sa ilong niya na ikinalapad ng ngiti niya, sinasakyan ko lang ang trip nila pero asa naman. Napatingin ako kay Assyla na tahimik na at nakatuon ang atensiyon sa pagkain.
"Ayon naman pala, gusto sila lang dalawa." Panloloko na naman ng letseng si Jiannah.
Muli kong sinulyapan si Assyla na hindi na maipinta ang mukha. Napatawa ako sa isip ko, now I know na siya ang may gusto kay Neil. Ang sarap niya naman asarin, masyado siyang affected. I'm not sure kung matagal na siyang may gusto kay Neil at ngayon ko lang napansin ito or I'm just thinking na gusto niya si Neil kahit hindi naman talaga.
Hinawakan ni Neil yung kamay ko at marahang pinisil yun. Napakunot noo akong napatingin sa kanya. Nginitian ko siya ng peke habang pisil pisil ang pisngi at pinanggigilan iyon. Kaagad naman siyang namula dahil sa ginawa ko.
"Wtf! Grabe na yan! Nakakabastos na!" React ni Jiannah. Napangisi naman ako
"Wait! Wait lang sa mga kalandian niyo ha! Back to the topic tayo. If he's not your boyfriend ano mo siya?" Damn Stephan! Talagang desidido siyang malaman, ano naman kasi sa kaniya diba?
Sasagutin ko pa lang sana siya pero naunahan na ako ng walanghiyang Krishna.
"Manliligaw." Nakangising sagot niya. Letse! Kailan pa siya naging ako?
"Wow naman si Ineah nag entertain ng manliligaw." Sarkastikong sabi ni Ashley. Bwisit talaga itong babaeng to kahit kailan ang daming side comment.
"Napaka big deal sa inyo ng love life ko no!" Iritang sabi ko.
"Syempre b***h! After ni Glenn wala ka nang naging boyfriend, so malamang isang himala yun kapag nagkataong nagka love life ka ulit diba." Pinanlisikan ko siya ng mata. Sinabi nang huwag banggitin ang pangalan eh. Nakakainis talaga tong babaeng to! Yes, Glenn was my first boyfriend pero hindi ganoon ka seryoso ang relasyon namin. For me it's just what they call puppy love. Sobrang nasaktan lang talaga ako na boyfriend ko siya pero ghinost niya ako, ang gago diba?
"Pwede ba Ashley isa pang banggit mo sa pangalan niya masasapak na talaga kita." Gigil na sabi ko.
"Bitter eh!" Pairap na sagot niya. I don't care if she call me names. Ayaw ko talagang marinig ang kahit na anong bagay patungkol sa lalaking iyon. Neil was aware how much I hate his cousin and he respect and understand that. Kahit na minsan ay wala siyang nabanggit na kahit ano tungkol dito, maging si Oliver ay ganoon din. Never nga akong ma curious sa whereabouts ng taong yun, I'm not even sure if he still exist.
"Yung totoo? Ilang ampalaya ba kinain mo? Hanggang ngayon bitter na bitter ka pa rin eh." tanong ni Krishna. Hindi naman siguro bitterness ang tawag don kung wala kang ibang gusto kundi ang pagkakaroon ng peace of mind diba?
"Favorite niya kaya yung ampalaya so wag ka nang magtaka kung bakit bitter siya." Dagdag ni Assyla. Napasinghap ako dahil doon. Damn this b***h! Buma bars siya diyan ha! Hindi ko mapigilang mairita sa mga kaibigan ko.
"Alam niyo ewan ko sa inyo! Makauwi na nga." Inis na sa sabi ko sabay tayo. Gagang Jiannah at Krishna yon talagang hindi sila papayag na hindi maiparating yon sa barkada. Kung hindi nila inumpisahan ang topic na yun ay hindi mao-open ang patungkol kay Glenn.
Nagtaxi na ako dahil wala akong kotse, binangga noong walang hiyang lalaking yon. Sobrang badtrip ko na naman. Hindi na ako natutuwa dahil dalawang araw na akong nakukunsumi sa mga tao sa paligid ko.