Tinignan ni Thea ang kahon na nakapatong sa desk niya. Sigurado siyang iyon ang kahon na ibinibigay sa kanya ni Jean kahapon. At bakit naroon ito ngayon? "Nagtanong ka pa talaga? For sure, hindi pumayag si Calvin na isauli 'yon. Nuknukan talaga ng kulit ang lalaking 'yon!" aniya sa isip. Kinuha niya iyon at inilagay sa ilalim ng kanyang desk. Wala siyang balak na tignan 'yon at mas lalong wala siyang balak na gamitin ang gown na nasa loob non. Nagngingitngit pa rin siya kapag naalala ang sinabi ng sekretarya nito na isinabay lang daw nito ang pagpapagawa ng gown niya. "Magsama sila!" "Sino?" nagulat pa siya nang makita si Gabby sa tabi ng desk niya. Mukhang kararating lang nito dahil bitbit pa nito ang bag at coat nito. "Wala!" sagot niya. 'Di niya namalayang medyo napalakas pala a

