“Sister Blessy, okay ka lang?” Niyakap ni Botchok si Blessy habang nag- aayos ito ng kagamitan ni mother superior. Napapansin kasi ng mga bata na palaging malungkot ang awra ng batang madre sa ktuwing nakikita nila itong mapag- isa. Minsan nga ay nadatnan ito ni Botchag na umiiyak habang nagsusulat sa kuwaderno. Madalas din siyang nakikita ng ibang kasamahang madre na natutulala sa usapan. “Ayos naman ako.” Nakangiting sagot ng batang madre. Hindi nakabawi ang tatlong batang nagbabantay sa kaniya. Nakatingin lang ito sa kaniya na para bang walang kapani- paniwala sa sinabi ng dalaga. Ayos nga ba talaga ‘ko? Mabilis na yumakap sa kaniya ang tatlong bata kaya bahagya siyang napaurong at hindi naka- imik agad. Malungkot siyang napapikit at nagbalik ng yakap sa mga ito. Ayos lang dapat ako

