Where am I? There is a streak of colors in Oliver's eyes. Iba't iba ang kulay na gumagalaw sa ere, at bahagya siyang nahihilo dahil sa mga iyon. Para bang pinapabilis ng mga iyon ang ikot ng kaniyang mundo. Hindi niya maalala ang nangyari. He does not even know where he is. Ang alam lang niya, namamanhid ang kaniyang katawan at bahagyang pumipintig ang kaniyang sentido. Maya't maya rin siyang natutulala, ni hindi niya alam kung bakit. Pero parang ayaw gumana ng kaniyang utak nang maayos. He can't help but to look at the dancing colors. One second they are magnifying, the next second they are minimizing. And then at the middle of those colors, bigla na lamang niyang nakita si Ashley. Napamaang siya. Where is he really? Nakauwi ba siya? Bakit hindi niya maalala? Kung nakikita niya ngayon

