"Kinakabahan ako." Napatingin si Ashley kay Oliver nang marinig ang sinabi nito. Nasa sakayan pa lamang sila ng bus ngunit hindi na ito mapakali. Ngayon ang araw ng pagpunta nila sa Barrio Vicenzo. Dahil mahaba ang biyahe, napag-usapan na nila ni Oliver na magko-commute na lamang. Pinilit niya itong huwag nang mag-long drive dahil pagod at puyat ito nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho. Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa tuhod nito na panay din ang paggalaw. "Hindi na naman sila nangangat," panggagaya niya sa sinabi nito sa kaniya noong unang beses na ipinakilala siya ng binata sa mga kapatid nito. Napangiti rin ito doon, malamang ay naalala rin nito ang sinabing iyon. "You're copying my lines now, huh?" Natawa na lamang siya nang pisilin nito ang pisngi niya. "Mommy,

