"This is not my coffee," biglang saad nito. "Ah, hindi ko kasi alam 'yong kape n'yo kaya po 'yong gusto kong kape na lang inano ko," saad ko na mukhang hindi nito nagustuhan. "Papalitan ko na lang po." "Disregard the 'po' and it's too sweet," reklamo nito na mukhang nalulunod at nairita sa pag-po ko kaysa sa maling timpla ng kape nito. "Matamis? Hindi ko naman nilagyan nang maraming asukal 'yan," nagtataka kong saad at kinuha ito upang tikman pero sobrang tamis nga. Automatic na bang naglalagay ng asukal ang coffee machine nila? Alanganing ngumiti ako at kinuha ang coffee mug nito upang palitan. "Nevermind. I don't want it," saad nito na tila inis. "Just put a blind curtain on the glass wall." Tiningnan ko ang glass wall na nagsi-separate sa office namin. Hindi siguro siya natutuwa

