Kabanata 7

1454 Words
Sobrang daming alam ni Maurine. Hindi lang tungkol sa kompanya kahit sa personal na buhay nila. Hindi kaya detective siya? Ang nawawalang kapatid ni Sherlock Holmes? "Vikero Group is among the four most successful companies in Asia. Isa ang Vikero Group sa huge distributor ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga subsidiary nila. Ang Vikero Security Agency, Vikero Real Estate Corporation, Vikero Medical Hospital, Vikero Marine Group, Vikeroil Company, Vikero Travel Agency, Vikero Winery, Vikero Retail, and lastly, the Vikero Unibank," saad nito na halos hindi ko ikahinga nang maayos at muntik ikalaglag ni Alezia sa upuan. "Their current market capitalization? It's 204 trillion pesos. And they have thousands of employees, isa na tayo ro'n." Fuck. That's how they become billionaires. Sa gano'ng kayaman nila baka dumating ang puntong mabibili nila pati entrance sa langit. Wait, magkano ba pera ko sa wallet? Wala pa sa isang libo dahil sa mga nagastos ko sa pag-apply nakaraan. Baka ang pera kong ito ay hindi pa aabot sa pambili ng tissue nila. Hindi ko alam kung mababaliw ako sa mga narinig ko kay Maurine. Siguro itigil ko na ang pakikinig sa kaniya dahil sa nahuhumaling na rin ako sa mga sinasabi nito. I need to focus. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga gano'n. Kailangan ko magtrabaho at kumita nang malaki saka bayaran si Tita Tonia. Pero hindi ako kikita nang malaki kung may chance na tanggalin ako ni Mr. Vikero dahil sa masamang tinuran ko rito no'ng nagkita kami sa elevator. Pagkabalik ko sa opisina ay halos mapatalon ako sa gulat nang tila may nagbato ng babasagin kung saan. "W-What happened?" gulat kong tanong kay Felicio na kahit hindi ako nito naririnig dahil nasa loob ito ng mismong opisina ni Mr. Vikero ay mukhang napansin naman ako nito. Ngunit umiling lang ito at sinenyasan akong huwag pumasok. Tiningnan ko ang glass flower vase na basag na basag na tumilapon sa sahig. At mukhang hindi ito nahulog lang dahil sa nagkalat ito sa kinatatayuan nilang dalawa. Habang si Mr. Vikero na kahit nakatagilid ito mula sa akin ay halos hindi ito makahinga sa galit at tila napapamura na lang ito ayon sa pagbigkas ng labi nito. Tila inatake ako ng kaba at kuryusidad sa nangyayari. Hindi yata nabanggit ni Maurine na may anger issue pala si Mr. Vikero? Umupo na lang ako sa table ko at panakaw-nakaw ng tingin sa kanila na mukhang kumalma na si Mr. Vikero kahit wala pang ilang minuto. At mukhang seryoso ang usapan nila ni Felicio dahil sa tila pinagdidiinan ni Mr. Vikero ang bawat sinasabi nito sa kaniya. Nagkainitan ba sila? Mabilis akong tumayo at kumuha ng panlinis bago sinalubong si Felicio na lumabas ng opisina nito. "And what's wrong with the executive elevator? It's f****d up!" dinig kong saad ni Mr. Vikero bago sumara ang glass door na nagsi-seperate sa office namin. "Bad day. Huwag ka mag-alala, ako na bahala kay Mr. Vikero. Ipapalinis ko na lang din mamaya 'yong bubog sa cleaning team. Baka masugatan ka pa kung lilinisin mo," pilit na ngiting saad nito kahit na bakas sa tono nito ang pangamba. "Pwede ka na umuwi muna, Staizy Mitch." "May nangyari ba?" natanong ko dahil sa baka mamaya ay tungkol pala 'yon sa trabaho. "Ah, medyo nagkasagutan lang sila ni Mr. Damario. You know, problemang pamilya," alanganing sagot niya. "Sobrang malas yata ng araw mo dahil sa hindi maganda ang timplang nakita mo ang boss mo, 'no?" Umiling na lang ako kahit totoo naman. Malas nga ang araw na ito. Tiningnan ko si Mr. Vikero na kalmadong-kalmado ng nakaupo sa office chair nito habang naka-crossed arms ito. Kinuha ko na lang agad ang bag ko nang mukhang naghihintay si Felicio na umuwi na ako. Hindi ko na inisip ang nangyari kanina dahil sa usapang pamilya 'yon at mabilis na nagtungo sa department nina Alezia at Maurine. Manlilibre raw kasi si Alezia para sa celebration naming tatlo sa pagiging official worker ng Vikero Group. "Medyo hindi okay ang timpla ni Mr. Vikero kaya pinauwi muna ako," saad ko sa kanila nang magtaka ang mga ito na dinaig ko pa raw ang nursery sa aga ng uwi. "At sabi ni Felicio ay medyo nagkasagutan sina Mr. Vikero at Mr. Damario. Hindi ba sila okay dahil sa sinabi mo na pinag-agawan nila 'yong CEO position?" "Mr. Damario? Hindi ba stepfather 'yon ni Mr. Caleb Vikero?" paninigurado ni Alezia. "Ayon ang alam ko kaya hindi sila magkasundo. Pero correction, hindi nakipag-agawan si Mr. Vikero sa position na 'yon kusa siyang inilagay ni Chairman," klarong saad ni Maurine. Hindi na ako umimik at mukhang hindi na kinakaya ng utak ko ang sobrang daming nangyari ngayon kahit na hindi pa nangangalahati ang araw. Niyaya ko na lang muna sina Alezia at Maurine na dumaan sa hospital ng malapit lang din pala ang kainan na pupuntahan namin dito. Nabanggit din ni Maurine na nais nitong maging malapit na magkaibigan kami kaya natutuwa ito no'ng yayain kong puntahan namin ang mama ko. Ngunit tila nagulat ito sa hindi inaasahan dahil sa inakala niya ay health worker lang ang mama ko kaya ito nasa hospital lagi. "Gaano na katagal naka-comatose ang mama mo?" nag-alalang tanong ni Maurine. "Isang taon at sampung buwan," tugon ko. "Sana gumising na si Tita Ida, medyo mahaba na siguro ang panaginip niya," malungkot na saad ni Alezia. "Tagal na rin simula noong huling bumisita ako rito." Tila mga nursery student kami na tumatanaw dito sa labas ng ICU room. At tanging tunog lang ng makina ang maririnig mo sa loob. Bago pa ako maluha ay niyaya ko na silang pumunta sa kakainan namin bago pa ito magsara. Ngunit pinaulanan na ako ni Maurine ng mga tanong tungkol sa buhay ko. "Car accident? Sino naman ang gumawa no'n sa mama mo? Nakakulong na?" sunod-sunod nitong tanong. "Mabuti na nga lang nakulong na 'yong hayop na gumawa no'n kay Tita Ida! Sigurado ako kinukuha na ni Satanas ang kaluluwa niya papuntang impyerno," nangunguna at galit na galit na saad ni Alezia. "Grabe! Kung nakausap mo lang ang putanginang lalaking 'yon! Maha-high blood ka rin, Maurine. Pinagtatanggol niya sarili niya na dahil madilim daw ang kalsada at hindi tumawid sa tamang tawiran si Tita Ida. Pero ang totoo ay lasing 'yong driver na 'yon kaya ayon nasa Manila City Jail na siya!" "Iyong suspect ang nagbabayad ng lahat ng gastusin sa hospital?" dagdag na tanong ni Maurine nang unahan na naman ako ni Alezia. "Hindi! Hindi niya nga mabayaran 'yong cause of damage ng company car na ginamit niya! Hospital bills pa kaya?" nauubusan ng pasensyang saad niya. "Lahat ng gastusin ni Tita Ida sa medical ay sagot ng Vikero Hospital." "Talaga ba? Mabuti na lang dahil hindi biro ang gastusin. Kaunting ubo mo nga lang, gagastos ka na ng libo-libo. Ma-comatose pa kaya?" malungkot na saad ni Maurine. "Kaya nga ipinasok ko si Staizy sa Vikero Group para makabawi siya sa kabutihan nila," natutuwang saad ni Alezia na nagawa pang-paliparin ang ilang hibla ng buhok nito. Nag-unahan na kaming pumasok sa tonkatsu restaurant na baka maubusan pa kami ng table dahil sa dinagdagsa ito ng mga tao ngayon. Puro tawanan at kulitan ang nangyari sa aming tatlo kaya inabot din kami ng gabi no'ng makauwi ako sa bahay. At mukhang wala pa si Tita Tonia dahil sa madilim na madilim ang buong bahay no'ng makauwi ako. Ang kaninang masayang pakiramdam ko ay nawala na lang na tila mabibingi ako sa katahimikan ng bahay. Hindi pa rin kasi ako sanay sa ganito kahit na magdadalawang taon na rin kaming nakalipat dito. Kung dati kasi na hindi pa naaksidente si Mama ay pagkauwi ko ay may sasalubong sa akin at may mapagkukuwentuhan ako sa nangyari sa akin sa buong araw na 'yon. Medyo busy din kasi si Tita Tonia kaya bihira lang din kami makapag-usap. Pumasok na lang ako sa kuwarto upang magpahinga kaysa maupo mag-isa sa kusina at libutin ang paningin sa malungkot na sulok ng bahay. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at sinalubong si Mr. Vikero na mag-isa lang ito at hindi kasama si Felicio. "Good morning po, Mr. Vikero," ngiting bati ko ngunit hindi ito kumibo at sinundan ko na lang sa loob ng opisina. Wala pa rin ba siya sa tamang timpla? "Coffee." "Eh?" sambit ko na ikinatingin niya. "Ah, yes, coffee!" Mabilis akong pumunta sa pantry upang gawan ito ng kape. Pero napatigil ako na hindi ko alam kung anong kape nito. Sinilip ko ito na mukhang nagtatrabaho na siya kaya nag-aalanganin akong tanungin ito. "Well, kape is kape naman," sambit ko na lang at tinimplahan ito ayon sa tingin ko na magugustuhan niya. Inilapag ko ito sa table niya ngunit hindi ito kumibo kaya minabuti ko na sana na lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD