Kabanata 6

2484 Words
Tila lalagnatin akong nakatitig sa itim na monitor ko habang pinakikiramdaman sila Mr. Vikero na nasa loob ng opisina nito na busy na kinakausap si Mr. Felicio. Hindi lang araw ang sira sa akin kundi ang first impression ko rito. Paniguradong bagsak na ako rito sapagkat hindi ko man lang siya nakilala sa elevator. Pero mabuti na lang ay nanahimik ako kanina at hindi nakipagsagutan sa kaniya kundi malilintikan talaga ako. Gusto ko na lang matapos ang araw na ito dahil sa nangyari. Lahat ng inisip ko kasi tungkol dito kahit mapaitsura o personalidad niya ay maling-mali. Ngayon lang ako pumalya sa tanang buhay ko sa pagtitiwala sa instinct ko. Hindi kaya tama si Alezia na medyo nadala ako sa mga kuwento ni Maurine? Pasimple akong tumingin sa kanila na siyang masisilayan mo naman dahil naka-glass wall lang kami. Pero agad akong nagpanggap na dinampot ang isang brochure sa lamesa ko at baliktad na binasa 'yon nang nakatingin din pala silang dalawa sa akin. Pinag-uusapan ba nila kung paano ako tatanggalin? Pero kakapasok ko lang. Marami pa naman akong pwedeng patunayan. Halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono sa table ko. Muntik pa akong mapamura, mabuti na lang nanaig ang pagiging mahinhin ko. "Good afternoon. This is Staizy Mitch Claveria, personal secret–" "Come over here." "Excuse me?" sambit ko sa kabilang linya at mabilis na tiningnan si Mr. Vikero na may hawak na telepono. Habang si Mr. Felicio na komportableng nakaupo sa kutson ng sopa at bahagyang kumaway sa akin. "Ms. Claveria?" "Y-Yes, on the way, Sir," kinakabahang tugon ko at ibinaba ang telepono. Tumayo ako at nanghihinang naglakad papasok sa opisina nito. Ginawa ko ang lahat upang maging kalmado kahit na nangangatog na ang tuhod ko. Wala akong ideya kung bakit nila ako pinapapasok sa loob. Hindi naman nila ako tatanggalin ng basta-basta lang? Dahil I'm sure na pamilyar din sila sa labor code of the Philippines. Dinaig ko pa ang may demensiya na naglakad palapit sa table ni Mr. Vikero. Pareho kasi silang nakatingin sa akin kaya medyo nakalimutan ko na paano maglakad nang maayos. "Y-Yes po?" sambit ko rito at inabangan ito magsalita pero nagtataka itong tumingin sa akin dahil sa paglalakad ko. "A-Ah, nangalay lang po siguro 'yong talampakan ko." "Tell her, Felicio," saad nito kaya tiningnan ko si Mr. Felicio na tila nagpipigil ng tawa. May ubo ba siya sa utak? Wala namang nakakatawa. Tumayo ito at lumapit sa akin. "I'm sure nasabi na sa iyo ni Mrs. Riza na ako ang magga-guide sa iyo. But it's for a meantime lang–" "No, transfer all your work to her now," utos ni Mr. Vikero na bakas sa tono nito ang awtoridad niya. "I bet she can do it alone. Let her handle everything." What the? Sinasabi niya bang hindi na ako iga-guide ni Mr. Felicio? "Pero, Mr. Vikero, kailangan ni Ms. Staizy Mitch ng magga-guide sa kaniya dahil sa fresh graduate pa lang siya," saad ni Mr. Felicio na hindi ko alam kung tinutulungan niya ako o iniinsulto. "I work here as a CEO without the guidance of anyone. Her work is simple and basic. She doesn't need help, doesn't it, Ms. Claveria?" Tiningnan ko ito at alanganing tumango na lang. Hindi naman pwedeng tutulan ko ito. "Alright. Tell her what I want and doesn't want. And the rest thing, let herself find it." Eh? Ano ito hide and seek? Sinenyasan ako ni Mr. Felicio na maupo habang si Mr. Vikero ay ilang metro ang layo sa amin na ngayon ay ang atensyon nito ay nasa monitor niya na. "Paano ko ba sasabihin?" naguguluhang sambit nito. "Hindi niya gusto ang makukupad at late na tao. Hindi niya rin gusto na makialam ang iba sa personal na buhay niya. Dapat hiwalay ang personal life sa work life, napakaimportante no'n sa kaniya." Tumango ako rito na kahit hindi niya sabihin ay halata naman sa kilos ni Mr. Vikero. Pero napansin ko rin sa kilos at pananalita ni Mr. Felicio ay mukhang rumor lang talaga ang bromance nila. "Medyo may pagka-perfectionist si Mr. Vikero kaya I advice you na maging maingat ka, sa lahat ng bagay," saad nito na tila may kalamidad na sasalanta. "Actually, mostly ng nakakatrabaho niya ay puro lalaki kaya kung makakapagtagal ka rito. Then, you are the first woman na makakatiis sa ugali niya." Makakapagtagal? Wala bang nagtatagal sa kaniya? "May mga natanggal na ba sa posisyon na ito dahil sa kaniya?" nag-aalala kong tanong. Dinaig pa namin ang backstabber kung mag-usap na tila wala sa paligid namin ang pinag-uusapan namin. "Sa ibang mga department at ilang member ng board of directors, marami na. Alam mo naman mahilig siya mag-cleaning operation. Pero since ikaw ang unang sekretarya niya ay wala pa naman." Pasimple kong tiningnan si Mr. Vikero na mukhang may sariling mundo na sa table niya. "Can I ask one more thing?" tanong ko na ikinangiting tinango niya. "Bakit kailangan niya pa ng secretary kung may executive assistant naman?" Natahimik ito ng ilang segundo. "Hindi ko rin alam. Tinanong ko rin sa kaniya kung bakit pero walang tugon. Sigurado ako na utos ito mula kay Chairman kasi hindi naman nanaisin ni Mr. Vikero na magkaroon ng babaeng sekretarya." Mukhang wala nga silang alam sa mga rumor tungkol sa kanila. Sigurado ako na kaya nag-hire ng secretary si Chairman ay upang tapusin ang usap-usapan tungkol sa bromance nilang dalawa. "Ah, last question na lang," pahabol ko rito. "Kanina kasi no'ng sinalubong ko kayo sa pinto ay tila may sinabi ka, hindi ba?" Umiwas ito ng tingin. So, tama nga ako. Nagkita na kami noon. Hindi ko lang matandaan kung saan. "I-Iyon ba? Napagkamalan kitang si Mrs. Vienna," mabilis na saad nito. "Akala ko ikaw siya kaya medyo nabigla ako. Naalala ko pala nasa Singapore pa 'yon." "Mrs. Vienna?" nagtataka kong tanong. "Ah, that's Mr. Vikero's older sister. Si Mrs. Vienna Llames Vikero Suarez." Tumango na lang ako kasi mukhang may ayaw lang ito sabihin. "Wala ka bang natatandaaan?" biglang tanong nito na ipinagtaka ko. "I mean dapat mapalatandaan ka. Mahirap magtrabaho sa corporate group dahil kailangan mo kilalanin ang mga tao. Kasi malay mo makasalubong mo pala si Chairman tapos hindi mo nakilala, bawas points ka ro'n." Mapait akong ngumiti dahil sa nangyari na nga 'yon sa akin. Kaninang umaga nga lang, eh. "Anyway, balik tayo sa mga ayaw at gusto ni Mr. Vikero," natutuwang saad nito at tumayo na bumalik ding may kinuhang sandamakmak na folder. "Kalahati pa lang ito sa dapat mong asikasuhin. Gusto ni Mr. Vikero na matapos sa tamang oras ang mga kailangan tapusin." Tiningnan ko kung gaano kakapal at kaalikabok 'yon na tila panahon pa ni Adolf Hitler ito. Ngayon ay alam ko na kung bakit kumuha sila ng personal secretary. Hindi para tapusin ang mga kuwento-kuwento. Kundi para asikasuhin ang mga tambak na trabaho. Mukhang wala sa alindog ni Mr. Felicio ang tumapos ng trabaho kaya siguro nainis na rin si Mr. Vikero at minabuting kumuha ng panibagong assistant. Well, I'm here, ready to serve him. "Medyo maingat siya pagdating sa trabaho kaya nga siya kilala bilang prudent CEO," mahina at natatawang saad nito na mapait kong ikinangiti. "Ano naman ang mga gusto niya?" pang-iiba ko ng usapan dahil sa puro mga ayaw nito ang sinasabi niya. "Isa lang ang gusto niya." "Ano naman?" mabilis kong tanong. "Maiwasan ang mga ayaw niya," sagot nito. "Eh?" sambit ko na lang. Bago pa kami abutin ng siyam-siyam sa kadaldalan ni Mr. Felicio ay nagsabi na ako na ilalagay ko na lahat ng folders sa table ko at aasikasuhin ko na agad. Magboboluntaryo pa nga sana si Mr. Felicio na tulungan akong magbuhat ngunit tumutol naman si Mr. Vikero. "She can do it," pigil nito habang sa ginagawa niya pa rin ang atensyon niya. "Kaya ko rin naman na, magaan lang naman ito," saad ko na lang din kay Mr. Felicio. Binuhat ko ang kalahati ng folder na 'yon na halos lumuwa na sa sobrang kakapal ng papel sa loob nito. Ngunit binalewala ko ang bigat nito nang magsalita si Mr. Vikero. "Get the updated documents from the financial manager," utos nito. "I need them before this afternoon." "Yes po, copy," tugon ko at lalabas na sana nang magsalita ulit ito. Hindi ba siya marunong makiramdam na nahihirapan na ako buhatin ito? Baka pwedeng mailapag ko muna sa table ko bago siya mang-utos. "Also, I need your hard copy resume right now." Ngumiting tumango ako. "Yes po, may hard copy po akong dala," saad ko at mabilis na nagtungo sa table ko. Matapos kong magpabalik-balik para ilipat ang mga folder at ibigay ang hard copy ng resume ay nagtungo na ako papuntang Financial Department. Ngunit pagkalabas ko ng opisina ay sumunod sa akin si Mr. Felicio. "Pupunta ka rin po sa Financial Department, Mr. Felicio?" tanong ko na ikinailing niya. "Sasamahan kita, medyo sulok ang departamento nila," ngiting saad niya na ikinapagpasalamat ko. "At huwag mo naman akong tawaging mister. Nagmumukha naman akong nasa kuwarenta niyan." "Kung gano'n saan ba iyong floor ng department nila, Felicio?" tanong ko na lang. "Sa may seven floor," ngiting sagot niya pero natigilan ito nang tumunog ang phone niya. "Hays. I got a call. Hindi na kita siguro masasamahan sa ibaba. Pero kahit nasa sulok 'yong department na 'yon ay makikita mo agad kasi malawak 'yon." Hinabol ko ito ng tingin nang dali-dali itong naglakad palayo na tila nag-iingat na sinagot ang tawag hanggang sa tuluyang sumara ang elevator. Nang makarating ako sa floor na sinabi ni Felicio ay napailing na lang ako sapagkat pagkabukas nang pagkabukas ng elevator ay makikita mo na mismo ang department ng finance. Sobrang laki ng department nila. Mas triplet na malaki sa opisina namin. Pero 'yon nga lang ay mas maraming trabahador dito kasi per table ang puwesto nila bukod sa ilang glass room. "Yes, Miss? What do you need?" Nabigla ako nang may dumungaw mula sa likuran ko. Isang lalaki na tila mas maganda pang manamit kumpara sa akin. Nang harapin ko siya ay tila mas akma ngang maging entertainment company itong Vikero Group dahil sa tila mga celebrity ang mga tao rito. "Good morning po. I'm secretary of Mr. Vikero, Staizy Mitch Claveria," pakilala ko. "May pinakukuha siya sa akin na something updated documents or updated files? From the manager of this department. If you don't mind, can I ask kung kilala niyo ba 'yong manager–" "I'm Elias Suarez, the general manager," pakilala nito at iniabot ko na lang ang palad ko nang makipag-shake hands ito. "The person you are looking for." Napanganga ako sinabi nito at humingi agad ng pasensya sa hindi ito nakilala. Pero mukhang mabait naman ito dahil sa paraan ng pananalita nito. Hindi rin ito paligoy-ligoy sapagkat iniabot niya agad ang sadya ko. Ngunit pagbalik ko sa opisina ay ngayon ko lang napagtanto na magkaapelyido sila ni Mrs. Vienna. Pareho silang Suarez. Pagkasapit ng break time ay sabay-sabay kaming kumain nina Alezia and Maurine sa malaking cafeteria ng kompanya na pwedeng-pwede ng patayuan ng dalawang apartment building. "Nakita mo na si President Vikero? Anong itsura niya? Matangkad? Matanda?" hindi makapaghintay na tanong ni Alezia. "Okay lang, mukha naman siyang tao," sagot ko na lang ngunit hindi sila nakuntento at nais malaman ang itsura nito. "Kung makatanong naman kayo parang hindi niyo nakikita siya." "Sa halos isang taon kong nagtatrabaho rito ay hindi ko pa nakikita ang CEO," dismiyadong saad ni Maurine na ikinatinag ko. "Ordinaryong tao lang naman kami habang sila ay executive. Naka-VIP elevator, floor, parking lot, lahat-lahat na. Sobrang private kaya ng mga taong mayayaman dito sa La Castellano." "Bakit ba ayaw mo sabihin ang tungkol sa kaniya? May nangyari ba?" tanong ni Alezia na siyang ikinabulunan ko. "Pinagalitan ka, 'no? Bakit ayaw mo sagutin? Totoo ba iyong rumor niya na womanizer siya?" Hindi ko nga masikmura ang nangyari sa unang kita namin ni Mr. Vikero. Kaya wala akong confident para ikuwento 'yon sa kanila. "Hindi ko pa sigurado," sagot ko tungkol sa bagay na iyon. "Hindi ko naman masasabi agad kung totoo iyong mga tsismis sa kaniya since wala pa sa kalahating araw ng magkita kami." "Sabagay," pagsang-ayon ni Maurine. "Pero maging alerto ka kapag nasa opisina ka niya. Kasi malay natin womanizer nga siya." Mapait akong ngumiti at tumango na lang. Pero kung titingnan sa kilos nito kanina ay mukha siyang woman hater kaysa womanizer. "Maurine, kilala mo ba ang general manager ng Financial Department?" biglang tanong ko rito nang may maalala ako. Hindi kaya magkapareho lang sila ng apelyido? Kasi hindi naman gano'n ang sasabihin ni Mr. Vikero na kunin lang 'yong document kung asawa 'yon ng ate niya. Mabilis itong tumango. "Si Manager Elias Suarez? Oo naman. Kilalang-kilala ko 'yon kaysa sa sarili niya. Bakit, Staizy? Nakita mo rin na medyo handsome siya?" nakangiting tanong nito. "Hindi kaya. Iyong older sister lang kasi ni Mr. Vikero is Suarez din. They are something related or what?" usisang tanong ko. "Si Mrs. Vienna kasi ay asawa ni Manager Suarez," saad nito na ikinagulat namin ni Alezia. "But they are secretly divorced." "Bakit?" sabay na tanong namin ni Alezia. "Ganito 'yan. Listen very carefully sa batikang worker," ngiting saad nito na ikinatindig namin. "Nagkagusto sa isa't isa sina Mrs. Vienna at Manager Suarez noon. Niligawan siya ni Manager Suarez at nagpakasal agad sila hanggang nagkaanak sila. Pero nag-divorce agad sila dahil sa ayaw ng pamilya ni Mrs. Vienna kay Manager Suarez." "Out of level ba si Manager Suarez kaya hindi nila gusto ito para kay Mrs. Vienna?" tanong ni Alezia. "You don't have any ideas sa mga mayayaman na tao sa La Castellano?" dismiyadong tanong ni Maurine sa amin. "Siyempre, wala pa kaya sa isang buwan na lumipat ako rito," sagot ni Alezia. "Iyan si Staizy ay dalawang taon na 'yan dito. Pero kapag tinanong mo siya tungkol diyan, wala siyang maisasagot. May sariling mundo kasi 'yan." "So, sinasabi mo na hindi naman out of level si Manager Elias Suarez?" paninigurado ko. "Nagmamay-ari lang naman ng isang wine company ang Suarez family. Isa ang shareholder ng wine company nila ay ang Vikero Group. Pero kahit na galing sa mayaman na pamilya si Manager Suarez ay adopted child lang kasi ito ng mga Suarez." Napatakip ng bibig si Alezia habang ako ay tila mga puzzle ang sinabi nito. "Wala pa sa kalahati ang nalalaman n'yo. Marami pa kayong kakainin na bigas bago n'yo malaman lahat," pa-suspense na saad ni Maurine. "Bago n'yo alamin lahat. Make sure to tighten your belt dahil malayong-malayo ang mga Vikero family sa inaakala n'yo." Bigla tuloy akong nabahala sa tila pambababala nito o dinadala lang niya kami sa nakakahumaling nitong boses? Kung pagbabasihan sa public image ng Vikero Group ay sobrang okay at sobrang successful ng kompanya nila. Medyo private ang mga Vikero kaya kahit katiting ay wala akong naririnig na tungkol sa kanila sa ilang taong nakatira ako rito sa La Castellano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD