Nabuburyong nakatayo ako sa gilid habang ang elevator ay nasa 4th floor pa lang.
Napakakupad naman ng elavator ng mga executive. Halatang kilos pangtamad ang andar ng elevator nila.
Huminga ako nang malalim na dama ko pa rin ang titig ng lalaking 'yon mula sa likuran ko. Kaya pakiramdam ko ay bumabagal ang oras. Kung naghagdanan lang siguro ako ay baka kanina pa ako nasa opisina.
Mabilis akong napaangat ng tingin nang bumukas ang elevator door at pumasok ang sandamakmak na tao.
"Good morning po, Mr. Vikero," dinig kong bati nila ngunit hindi 'yon ang ipinagtunan ko ng pansin nang halos itulak nila ako palikod.
Kaya wala akong nagawa kundi mapaatras at pumuwesto sa likuran ngunit nabigla ako nang may mabunggo ako.
"I-I'm sorry. They pushed me," mahinang bulong ko sa lalaking nagsungit sa akin.
Kung kanina na halos isang metro ang layo namin ay naamoy ko na ang natural na amoy niya na tila mamahaling pabango. Pero ngayon na nasa likuran ko lang siya ay amoy na amoy ko 'yon. Ngunit kahit gano'n ay hindi naman ito masakit sa ilong sapagkat natural lang ito.
Mas napausog pa ako at mas nagitgit ko siya nang may pumasok pang dalawang tao.
"You are too close, Miss," bulong nito sa tainga ko kaya humingi na lang ako ng pasensya.
Halos sumandal na ako sa katawan niya dahil sa sobrang sikip kahit na malaki ang elevator ay halos nasa labing lima kaming nagsisiksikan dito.
Akala ko parte ito ng privilege nila bilang executive? Mukhang hindi naman pala.
Natigilan ako nang may maramdaman akong kakaiba sa likuran ko. Tila kung may anong matigas na nasandalan ako kaya bago pa dumumi ang utak ko ay mabilis akong humarap sa kaniya.
Inilagay ko ang dalawang palad ko sa dibdib niya upang hindi nila ako itulak at hindi ko magitgit ang supladong lalaking ito.
Napansin ko na tila namumula ang mukha niya at mamumutla. "Nasu-suffocate ka ba?" mahina at nag-aalala kong tanong.
His face is red. Kung kanina ay tinalo niya pa ang action star sa pormahan nito. Ngayon ay tila magkakasakit ito sa itsura niya na tila nahihirapang makahinga.
Hindi ito sumagot sa halip ay kung saan-saan ito tumingin para lang iwasan ang tingin ko. Kung kanina kasi ay titig na titig siya sa akin ngayon ay tila halamang makahiya na ito.
Anong nangyayari sa kaniya? May claustrophobia ba siya?
"Y-Your hands," nautal na bulong nito na hindi ako tinitingnan. "It's on my chest, Miss."
"Ayaw mo naman siguro maipit?" prangkang tanong ko sa kaniya na mukhang naunawaan naman niya kung bakit nakahawak ako sa dibdib nito upang hindi matulak ng mga taong nasa likuran ko.
Habang ang mga taong 'yon ay wala man lang napapansin na may naiipit na sa likuran nila at nag-uusap-usap lang sila ng kung anu-ano.
Pero natigilan ako nang medyo makapa ko ang dibdib nito na may pagkamalaki at matigas. Halatang babad sa gym ang katawan niya.
Wala tuloy akong choice kundi titigan na lang ang mukha niya kaysa titigan ang maskuladong dibdib nito.
Pero ngayon namang tinitigan ko ang mukha niya ay mas gwapo pala ito kaysa kanina na napasadahan ko lang ng tingin. Tila nasa perpektong ratio ang mukha nito lalo na ang makapal nitong kilay na dumadagdag sa magandang hulma at kayumanggi niyang mata. Habang ang matangos nitong ilong at ang natural na kulay ng heart-shape lips niya. Pati ang kutis niya na mas makinis at maputi kumpara sa akin.
Nakakahiya tuloy sa sarili ko na kung mayroon lang audition for modeling ay baka inapakan lang ako nito.
"Kainis, nasira na tuloy," wala sa sariling sambit ko nang halos yumupi ang dala kong paper bag.
Mabilis kong tinalikuran ito ng kahit hindi pa nakakarating sa office floor ko ay nagpumilit na akong lumabas.
"Excuse me po! Pasensya na at makikiraan lang," sambit ko at nakipagsiksikan na lumabas ng elevator.
Pakiramdam ko ay hindi lang sa elevator kundi sa hawla rin ako nakalabas. Nainis akong tiningnan ang paper bag ko na unti na lang ay mabubutas na. Kaya nagmadali na akong naghagdanan at diretsong nagtungo sa opisina.
Masuwerte na wala pa si Mr. Vikero at ang executive assistant nito. Kaya sinamantala kong ayusin ang dala kong gamit sa table ko.
Lumipas ang ilang minuto ay kinabahan na ako dahil sa paparating na siguro sila.
Paano kung hindi niya ako magustuhan bilang sekretarya?
Inayos ko ang suot ko at tutok na tutok na naghihintay na bumukas ang pinto. Ngunit hindi na ako nakatiis kundi tumayo at hintayin sila malapit sa pinto.
"Good morning po, Mr. Vikero! I'm your new personal secretary, Staizy Mitch Claveria," tangang pakilala ko sarili na akala mo nagdi-demo teaching.
Iyon lang naman sasabihin ko, 'di ba? O kailangan ko pa siya pasalamatan sa pagtanggap sa akin? At kasama niya ba ang assistant niya? Kailangan ko rin bang batiin 'yon?
Staizy, come on! This is not a time para kabahan!
Umayos agad ako ng tindig nang bumukas ang pinto at marahan akong ngumiti na yumukong bumati.
"Good morning po, Mr. Vikero, I'm your new personal secret–"
Natigilan ako nang iangat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Naguluhan akong tiningnan sila at iniisip kung sino sa kanila si Mr. Vikero at si Mr. Felicio. Sapagkat pareho silang tila kasing-edad ko lang at parehong mapormang manamit ngunit mas nangibabaw ang suot ng isa dahil sa tindig nito.
Napatingin ako sa lalaking nasa kaliwa ko nang magkagulatan kami.
"O-Oh? Hindi ba ikaw 'yong nakita–"
"A-Ako? Ang alin po?" tanong ko nang natigilan ito magsalita at tila nakakita ng multo.
Mukhang pamilyar ito sa akin dahil sa tila security na pormahan niya pero bagay naman ito sa kaniya.
Saan ko ba siya nakita? Bakit parang pamilyar siya?
Umiling na lang ito imbes na ituloy ang sasabihin niya dahil sa pinigilan ito ng kasama nito. Pero hindi lang ako natigilan kundi nagulat nang mapagtanto ko kung sino itong kasama niya.
"E-Elavator man?" gulat kong sambit na itinuro ito ngunit tumitig lang ito sa akin.
Mabilis kong kinagat ang hintuturo ko nang hawiin ang kamay ko ng lalaking naka-personal security ang pormahan.
Nagsimula nang sumipa ang kaba ko sa dibdib dahil sa bukod sa pamilyar ang isa habang ang isa naman ay nakabuno ko sa elevator. Kaya kinakabahan ako kung sino sa kanila ang CEO. Sinabi ko pa naman pagtulog ko kagabi na walang magiging problema dahil sa magaling akong tumingin at kumilatis ng tao pero nagkamali ako.
Tumikhim ako bago pabalik-balik na tiningnan sila pero wala akong anumang palatandaan upang makilala sila.
Dapat pala itinanong ko kay Maurine kung may larawan din siya ng mga executive. Dahil wala akong makitang larawan sa internet ng current CEO ng Vikero Group.
"Good morning po, Mr. Vikero," ngiting bati ko sa pamilyar na lalaki.
I'll follow my instinct. Kung sino ang pinakamatanda sa kanila ay 'yon ang CEO. Pero hindi naman matanda itong pamilyar na lalaki na animoy personal security, medyo mas matanda lang siya tingnan kung ikukumpara silang dalawa. Pero medyo may pagka-matured naman tingnan ang lalaking nakabuno ko sa elevator.
Pero napansin kong biglang umiling at tumikhim ang lalaking pamilyar hudyat na mali ako ng hula. Kaya mabilis kong hinarap ang lalaking nasalubong ko sa elevator na seryosong nakatitig sa akin.
"I-I'm Staizy Mitch Claveria po, your new personal secretary. Welcome back and nice to meet you po, Mr. Vikero," mabilis kong saad at patay-malisyang nginitian siya na tila walang nangyari sa amin kanina.
Hinintay ko itong tumugon. Ngunit wala itong sinabi kundi titigan lang ako ulit ng ilang segundo saka nakapamulsang pumasok sa opisina nito.
May dumi ba ako sa mukha?
"Staizy Mitch? Not Stay Mitch?" natatawang sambit ng pamilyar na lalaking ito na ipinagtaka ko na lang. "Nice to meet you, Staizy Mitch. I'm Mikael Finn Felicio, call me whatever you want."
Hindi ko alam kung nahihilo lang ako o kumindat ito bago sumunod kay Mr. Vikero.
Bumalik na lang ako sa table ko bago pa ako matapilok dahil sa panginginig ng tuhod ko sa kaba.
This is humiliating. It's a really bad first impression. A bad first encounter.
Well, baka nagkakamali lang si Will Rogers tungkol sa sinabi nito. Siguro that's not true that there's no second chance for first impression. Alam ko mayroong second chance. May third chance nga ang kapatawaran, eh!
Iyong sinabi ni Heman Anand ay mas accurate talaga na ang first impression is not always the last impression, you must give time to understand people rather than judging them for their single mistake.