Nagising ako sa tawag ng HR representative. Halos mapatalon-talon ako no'ng ikumpirma nito na hindi ko na kailangan mag-proceed sa interview with executive dahil tanggap na ako.
"Alezia, sampalin mo ako! Sabihin mo na panaginip lang ito!" hindi ko makapaniwalang saad habang kausap ito sa kabilang linya. "Pasado na ako sa trabaho at hindi ko na raw kailangan ng another interview!"
"Grabe! Anong oras pa lang ba?!" malakas nitong boses sa kabilang linya. "Ala singko pa lang, Staizy! Mamaya pa pasok ko, eh!"
"Pasensya na, Alezia. Pero hindi ka ba masaya para sa akin? H-Hello? Alezia?" natutuwa kong tanong ngunit binabaan niya ako ng tawag. "Hays, napakasama talaga ng babaeng 'yon!"
Pero parang nakaraang buwan lang ay tumatawag siya sa akin kahit midnight na pero wala akong sinasabi. Dinaig niya pa si Cinderella sa pagtawag sa akin tuwing midnight, which is her scheduled time for break down. Okay lang sa kaniya na mabulabog ako pero siya ay hindi pwede?
"Staizy, anong nangyayari? Hinaan mo ang boses mo, maaga pa baka mapagalitan tayo ng kapitbahay," dinig kong suway ni Tita Tonia kaya binuksan ko agad ang pinto.
"Nagising ko po ba kayo?" nahihiya kong tanong na mukhang nabulabog ko nga rin sa tulog.
"Hindi naman, papasok din naman ako. Ano bang mayroon? Kanina ka pa nagsisigaw-sigaw diyan."
"Pumasa po kasi ako bilang secretary sa Vikero Group po," masaya kong balita na ikinatuwa niya.
"Talaga ba? Kahapon lang no'ng nag-apply ka. Papasok ka na ba ngayon?" masayang tanong nito na ikinatango ko. "Hindi ba sa Vikero Group ka magtatrabaho? Kung gano'n magandang balita ito sa mama mo. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho ro'n ay makakabawi ka na sa kabutihan nila."
Nakangiting sumang-ayon ako. Now, alam ko na kung bakit minalas ako sa mga naunang in-apply-an ko dahil sa TOTGA ko talaga ang Vikero Group.
Hindi ko alam pero ang Vikero Group pa lang ang isa sa masasabi kong mabuting kompanya na bukod sa may maayos silang sistema ay libo-libo rin ang sinusuportahan nilang charity foundation. Isa na rito ang medical charity nila na isa kami sa mapalad na nakatanggap nito.
Mabilis akong nag-asikaso at nag-ayos nang todo bago pumasok. Dumaan muna ako sa HR Department tulad ng sinabi sa akin upang ipaliwanag ang mga dapat at kailangan kong gawin. Personal akong sinamahan ng HR representative sa magiging opisina ko na nasa opisina rin ng CEO at glass wall lang ang pumapagitna sa table ko mula sa table nito. Pero malaki naman ang opisina nito, mas malaki pa sa opisina sa HR Department.
"Your office would be here, Ms. Claveria," saad nito at itininuro ang table na ikinatango ko ngunit tila may iilan pang gamit dito. "Oh, those are the personal things of Mr. Mikael Finn Felicio, the executive assistant. Diyan mo lang muna, I'm sure kukunin niya 'yan."
"Nag-resign na po ba siya kaya personal secretary na ang papalit dito?" pag-uusisa ko ngunit umiling ito.
"No, he's still an excutive assistant of all executives. But your job is only focus on Mr. Vikero. Ang trabaho mo ay si Mr. Vikero lang."
Napatango-tango ako. "Ngayon na po ba ako mag-uumpisa kahit wala pa po siya, Mrs. Rizalina Serrano?" tanong ko ulit.
Sobrang dami kong tanong dahil ngayon lang ako nakakita ng personal secretary na magtatrabahong hindi muna kasama ang executive nito. Nasa overseas business trip kasi si Mr. Vikero kasama si Mr. Felicio kaya hindi rin ako nagkaroon ng another interview dahil do'n.
Pero ipinagtataka ko ay bakit kailangan niya ng personal secretary kung may executive assistant naman ito?
"Yes," simpleng sagot nito. "Pero bukas na bukas ay babalik na sila. Don't worry, Ms. Claveria, dahil sa iga-guide ka naman ni Mr. Felicio."
Tumango ako rito at nagpasalamat sa kaniya nang sobra-sobra. Pero lumapit ulit ito sa akin nang palabas na sana siya.
"Mrs. Riza na lang, Ms. Claveria. That's what they call me. And also, sa mga makikilala mo ay tawagin mo sila based on what the majority of people called them, okay?" suhestiyon nito na ikinatango ko at pinasalamatan ito muli sa kaunting tips nito. "You can approach me, Ms. Claveria, if you need something. It's a pleasure to help a new worker with full potential."
Hindi ko naiwasang ayusin ang table ko na nakangiti dahil sa kabaitan ni Mrs. Riza.
Ang inaasahan ko kasi rito ay susungitan ako nito dahil sa bukod sa baguhan ako ay sobrang tagal na nitong nagtatrabaho rito at marami ng nakakasalamuhang iba't ibang tao. Pero mabait at mahinhin ito makitungo kaya hindi rin mapapansin sa mukha nito na nasa singkuwenta na siya dahil sa mahinahon itong kumilos at magsalita.
At hindi ko maiwasang purihin sa isipan ko na mababait at approachable rin ang mga trabahante ng Vikero Group. Kaya pala naririnig ko sa ibang mga kapwa estudyante ko noong college ay puro pangarap nilang makapagtrabaho sa Vikero Group at gamitin ang kurso nilang business upang qualified na makapasok dito.
Inayos ko ang table ko based sa style na mayroon ang office ni Mr. Vikero. Mas ginawa ko itong formal at propesyonal. At higit sa lahat ay maaliwalas.
"Dapat sa gamit pa lang ay organize na ako para kapag nagkita na kami sasabihin niya na hindi siya nagkamali na tinanggap ako," tangang saad ko sa sarili. "Pero ano kayang itsura niya? Hindi kaya siya 'yong tipong masungit at mapuputi ang mga buhok? Malapad ang noo at kita na ang bunbunan?"
Marahan kong tinapik ang bunganga ko sa mga pinagsasabi ko.
Pero gano'n naman usually ang mga CEO na sa sobrang dami nilang ginagawa at responsibilidad ay hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang pisikal na anyo.
"Pero paano ko pala malalaman na siya si President Vikero?" tangang tanong ko sa sarili at napatingin sa pintuan kung saan lumabas si Mrs. Riza kanina.
Ah, siguro hihintayin ko rin si Mr. Felicio na magga-guide sa akin?
"Pero paano ko rin malalaman na si Mr. Felicio ang kausap ko?" walang ideyang tanong ko.
Ah, kung sino ang pinakamukhang bata sa kanilang dalawa ay si Mr. Felicio? Kasi usually mas kaunti ang responsibilidad ng executive assistant kumpara sa CEO na hawak ang buong sistema ng kompanya. Kaya may pagka-stress-look ang CEO.
Napangiwi na lang akong umupo sa office chair at napaatungal dahil sa akala ko mabuti na wala sila muna rito upang maging komportable ako pero komplikado lang pala.
Inayos ko na lang ang personal computer na gagamitin ko pati inaral ang function ng printer machine. In-arrange at nilinis ko rin ang pantry hanggang sa sumapit ang break time.
Matipid akong ngumiti dahil sa maaliwalas ang buong opisina. Pagpasok mo kasi ng main door ay nasa harapan agad ang table ko at sa kaliwa ay may wall glass and glass door. Habang ang kaliwang bahagi ng dingding mula sa table ni Mr. Vikero ay naka-glass wall din na makikita ang maaliwalas na tanawin at maayos na daloy ng trapiko mula rito. At naka-locate naman ang pantry area sa kaliwang bahagi mula sa table ko.
Tinanaw ko mula rito sa labas nang mismong office nito ang ganda ng opisina niya. Dinaig ko pa ang batang hamog na pilit na sumilip sa bintana ng sasakyan.
May bookshelf kasi ito sa likod ng table niya at may painting sa gilid nito. May dalawang lampara rin at dalawang office plants. Mataas din ang ceiling nang buong opisina. Sobrang moderno ang disenyo lalo na nangingibabaw ang itim at puti na kulay sa buong kuwarto.
"Great taste, I'll give him a points for that," saad ko nang matapos mag-ala Enola Holmes sa opisina nito bago napagpasiyahang bumaba na sa cafeteria.