"Patapos na ang break time, hindi ka pa nakababa," masungit na bungad ni Alezia na kanina pa pala naghihintay dito at nauna ng kumain.
Umupo ako sa tabi ni Alezia dahil sa may kasama pala ito.
"Pasensya na, marami kasi akong ginawa at medyo naligaw akong hanapin itong cafeteria," palusot ko na lang at nginitiang tiningnan ang kasama ni Alezia na ngumiting tumango.
Mukhang kasing edad lang namin ito. Bagay na bagay ang maiksi nitong buhok pati ang tila improvise nitong salamin.
"I'm Maurine Culdora, 25-year-old from Accounting Department," pakilala nito na ikinangiti ko. "Pero tawagin mo na lang akong Maurine. Huwag urine, ha."
Natawang tumango ako sa biro nito. "I'm Staizy Mitch Claveria, new personal secretary of President Vikero. Staizy na lang din," pakilala ko sa kaniya.
"What a friendly environment!" sabat ni Alezia. "Same university and program kami ni Staizy no'ng college, Maurine."
"I see kaya medyo close na close na pala kayo. I can't wait tuloy na maging close tayong tatlo para maging motivated na ulit akong pumasok," nakangiting saad nito na ikinatawa namin.
Hinayaan ko muna silang mag-usap habang ako ay ninanamnam ang pagkain ngayon sa cafeteria na puro chicken dish.
"Staizy, na-mention mo pala na personal secretary ka ni President Vikero?"
Tumango ako bilang tugon kay Maurine.
"So, baka nga totoo 'yong rumor kay President Vikero sa assistant nito?" nababahala nitong tanong na ipinagtaka ko.
"Anong rumor? Wala akong naririnig tungkol diyan, ah," pag-uusisa ni Alezia at inilapit ang mukha kay Maurine na sinenyasan nitong sabihin ito.
"Ang bali-balita kasi sa ilang department na si President Vikero at ang executive assitant nito na si Mr. Felicio ay may secret romantic relationship."
Natigilan ako sa pagnguya sa sinabi nito.
"Bromance?" nagulat na tanong ni Alezia. "Paano naman nila nasabi na may romantic relationship sila?"
"Bakit naman sila nag-conclude sa gano'ng istorya?" tanong ko rin.
Dinaig pa namin ang team ni Sherlock Holmes na lumapit sa isa't isa nang mahinang sumagot si Maurine.
"Si Dalia Yue Collins ay naka-arrange marriage kay President Vikero pero hindi ito natuloy no'ng inamin daw ni Mr. Felicio kay Ms. Dalia Collins na may relationship sila ni President Vikero," batak na kuwento nito. "Pero may isa pang rumor sa kaniya na opposite sa bromance humor nila."
"Ano?" sabay naming tanong ni Alezia.
"Ayon sa naririnig ko sa ibang department especially sa HR Department ay womanizer daw si President Vikero."
"Womanizer?!" gulat at sabay naming sambit ni Alezia.
Napatakip ako ng bibig sa sinabi nito lalo na nang bahagyang tumingin sa amin ang ibang nakaupo sa katabi naming table.
Mas okay pa ang rumor nitong bromance kaysa sa womanizer.
"Oo, 'yong isa sa janitress ng cleaning team ay one time nakita niya si President Vikero kasama si Ms. Collins na may s****l interaction. Nakaupo raw si Ms. Collins habang hinihipo nito ang private–"
"O-Okay, rumor lang naman 'yan," pigil ko sa gusto nitong sabihin. "Makakatrabaho ko naman siya, makukumpirma ko naman kung totoo 'yan pero I'm sure hindi naman siguro."
"Kung gano'n ikaw lang ang makakapagbigay ng klaro sa amin," tila nabuhayan na pag-asang saad ni Maurine. "Pero 'yon nga dahil sa pagiging womanizer nito ay marami pa ring nagkakagusto sa kaniya dahil bukod sa may itsura talaga siya ay bilyonaryo kasi."
"Bilyonaryo?" pag-uusisa ni Alezia habang ako ay nangamba sa huling sinabi ni Maurine kanina.
Kung totoo nga 'yon, mukhang delikado ako dahil sa makakatrabaho ko ito nang malapitan. Dapat ba magdala na ako ng balisong?
Pero paano kung 'yong unang rumor ang totoo? Kaya sila kumuha ng personal secretary na babae para mapagtakpan ang nangyayaring bromance.
Grabe. Akala ko naman malinis ang kompanya nila.
Pero kung titingnan sa style ni Mr. Vikero sa opisina niya ay parang alanganin ang bromance rumor niya. Mas dark pa kasi kaysa sa darkness ang desinyo ng table at mostly ng mga gamit nito. Pero wala naman din kasi sa kulay 'yon.
"Sa lahat ng rumors na kumakalat tungkol sa kaniya ay dito ako pinakanamangha," natutuwang saad ni Maurine na tila sasabak sa suntukan ng mag-neck stretching ito.
Kinuha nito ang kutsara at tinidor namin saka iginilid niya ang mga plato naming nakalagay sa tray. Nagtataka kami ni Alezia na ipinuwesto niya ang mga kutsara't tinidor at ginawang representa ng mga official ng Vikero Group.
"Simula naitayo ang kompanya noong 1987 hanggang ngayon ay pinamumunuan pa rin ni Chairman Crisanto Vikero ang kompanya habang ang anak niyang si Mrs. Valeria Claudine Vikero ay member ng board of directors noon at ang unang asawa nito na si Mr. Calebriel Llames ay ang dating presidente ng kompanya, which is biological father ni President Caleb Dale Vikero. Pero nagbago ang lahat noong inatake ng sakit sa puso si Mr. Llames na ikinamatay niya at nag-asawa ulit si Mrs. Valeria, si Mr. Conrad Bernard Damario. Legacy ang isa sa suliranin ng kompanya noon. Pinag-agawan kasi ang president position. Ang buong akala kasi ni Mr. Damario ay siya ang makakakuha ng posisyon na 'yon pero dahil sa galit si Chairman Crisanto sa pag-aasawa ng anak niya ay nagdesisyon itong ipasok sa pagsi-CEO ang apo nitong si Caleb Dale Llames Vikero," hinihingal na paliwanag nito habang ginagawang game of the general ang mga kutsara at tinidor. "Hindi pumayag si Chairman Crisanto na may taga-labas na papasok sa kompanya kaya nagmakaawa si Mrs. Valeria na kahit magkaroon ng company position man lang si Mr. Damario. Pumayag si Chairman Crisanto ngunit sa kondisyon na bibitiw bilang member ng board of directors si Mrs. Veleria."
Oh, that's complicated. Kaya ayoko talaga ng history lalo na ang family history, medyo nakakahilo kasi.
"Kaya naging chief operating officer si Mr. Damario dahil sa sakripisyo ni Mrs. Valeria. Habang si Ms. Dalia Yue Collins naman ay chief financial officer. At binubuo ng mayayaman at makapangyarihang pamilya ang board of directors ng Vikero Group, isa na rito ang Collins family."
Sumakit yata bigla ang ulo ko sa dami ng taong nadawit sa kuwento niya.
"Si President Vikero ang pinakabatang CEO na nag-umpisa sa edad na 25. At dahil dito ay milyon-milyon ang pumapasok sa bank account niya kada-buwan kaya isa ito sa bilyonaryo sa La Castellano," namamanghang saad nito. "Bukod sa young billionaire ito ay likas na matalino rin ito. Kaya nga siya binansagan na prudent billionaire."