"Sabihin mo na mag-set siya kamo ng meeting para sa aming dalawa. Kaming dalawa lang. At doon ko ibibigay ang kailangan niya." What the? Sa ginawa niya kay Mr. Vikero sa board meeting. Sigurado akong ayaw nito makita ni anino niya. "Pasensya na po. Pero puno kasi 'yong schedule niya this at next week. Kaya baka impossible na maisingit ko po ang meeting niyo sa kaniya," mahinahon kong saad. "Pero hindi ko naman po sinasabi na hindi. Kaso baka end of month pa po bago ko mailagay sa schedule niya kayo. Pero regarding sa record files, ngayon niya na po kailangan kasi malapit na rin ang audit month, hindi po ba?" Napatikom ako ng bibig nang nanahimik ito at umiiling-iling na namangha. Kahit na wala namang dapat ikamangha sa mga sinabi ko dahil sa kukunin ko lang naman ang sadya ko. "Sensib

