Late na no'ng makauwi kami ni Alezia kagabi dahil sa gusto nitong uminom. Pinagbigyan ko na lang siya dahil sa hindi pa rin kumukupas ang galit nito simula kahapon ng hapon dahil kay Felicio. Ngunit naalimpungatan ako nang madaling araw sa nakailang ring na ang phone ko. "Alas kuwatro pa lang. Wala talagang pinalalampas na oras itong si Alezia," inis kong saad at inaantok na sinagot agad ang tawag. Si Alezia lang naman ang masisikmurang tumawag sa akin ng ganitong oras. "Bakit na naman ba? Siguraduhin mong importante talaga 'yan," pagbabanta ko sa kabilang linya ngunit walang sumagot. "Huwag mong sabihin na hindi ka makatulog sa galit?" "Come over here at Salvaria Gym." "Adik ka ba? Ang aga-aga para sa kabaliwan mo–" Napabalikwas ako sa pagkakahiga at tiningnan ang phone caller pero

