"Did you finalize my schedule for this week?" biglang tanong nito na pumuwesto sa may power rack upang magbuhat ng barbell. Nakahingang maluwag na tumango ako at mukhang napansin din nito ang pagkailang ko sa tanong niya kanina. "Y-Yes, Mr. Vikero, nailagay ko na sa table n'yo kahapon 'yong hard copy. Need n'yo pa ba ng soft copy?" tanong ko. Umiling ito. "I didn't check it. So, what are my important schedules this week?" "Mostly ay puro overseas meeting. May business meeting kayo sa Japan at sa Hongkong sa darating na Lunes, all day 'yon. And the next day is morning meeting with department heads. Sa Wednesday is conference meeting sa Manila at sa Thursday morning naman ay client meeting sa Makati," saad ko rito. "Sa Thursday evening and Friday ay another overseas meeting. And lastly,

