Napapikit ako sa kahihiyan at iniisip ko kung kailan ko kaya makakausap sila Alezia para ipaliwanag ang nangyari kanina. Napapayuko na lang din ako sa tuwing may mga taong tumitingin sa sinasakyan namin kahit na alam kong hindi nila kami nakikita sa loob. Ngunit nagtaka ako na imbes na dumiretso si Mr. Vikero papuntang kompanya ay kumaliwa ito. "Hindi ba sa opisina tayo pupunta?" pagkukumpirma ko. "No, kailangan ko muna umuwi to take a bath" sagot nito na ipinagtaka ko. Eh, bakit isasama niya pa ako? Wala naman sa akin ang tubig. Huwag niyang sabihing ako magpapaligo sa kaniya? "Kung gano'n hihintayin ko na lang kayo sa opisina–" "May ipapadala rin akong mga dokumento. Just get it and bring it with you to the office," nakikipag-unahan nitong saad kaya wala na akong nagawa kundi tuma

