Matapos ang nangyari kahapon ay hindi ako pumasok ngayon dahil sa tila magkakasakit ako sa isip kakaisip sa ginawa niya sa akin. Agad akong bumalikwas sa higaan matapos nang halos ilang oras kong nakatitig sa kisame. "Kahit sino naman na gano'n ang gawin niya ay ganito rin ang magiging reaksyon," tangang saad ko sa sarili at nginudngod ang mukha ko sa unan na tila nasisiraan na ako ng bait. "Oh, God! Anong nangyayari sa akin?!" Hindi ako ito. Hindi ako mabilis magkagusto. Hindi ko siya gusto. Nagkakagano'n lang siya dahil sa ako lang ang babaeng magagano'n niya. "Holy s**t. Bakit ba ang init-init?!" galit kong tanong at pinalakasan ang electric fan. Pero kahit anong palakas ko sa electric fan ay hindi mawala ang init sa buong katawan ko. Hindi iyon dulot ng init ng panahon dahil sa m

