Buong araw na wala akong ginawa kundi tapusin ang mga pending work. Ngunit nakalimutan ko na bukas ng umaga pala ang conference meeting ni Mr. Vikero sa Maynila. Kaya no'ng sumapit ang kinagabihan ay hindi ko man lang naihanda ang gamit ko at lalo na ang sarili ko sa mahabang biyahe. "Sigurado na kayo na wala kayong ibang kailangan, Mr. Vikero?" habol kong tanong dito nang bumaba kami sa parking lot. "Kahit damit? Personal things?" Huminto itong hinarap ako. "Ms. Claveria, hindi tayo magbabakasyon," saad nito kasabay nang pagpindot sa hawak nitong car key dahilan nang pagtunog ng kotse niya na tila ibang modelo na naman. "Sino bang nagsabing magbabakasyon? Pinaalalahanan ko lang siya dahil sa halos dalawang araw kami sa Maynila, wala man lang siyang dadalhin na kahit ano bukod sa suot

