Tila ang masamang pakiramdam ko kahapon ay nawala na nang mahimbing akong nakatulog. Direktang tumama sa mata ko ang liwanag mula sa chandelier dahilan ng pagkagising ko. Ni hindi man lang sumakit ang likod ko sa pagtulog dahil sa malambot na kama. Ngunit mabilis akong bumalikwas sa pagkakahiga nang mamalayan kong nasa tila isang kuwarto na ako. Inilibot ko ang paningin sa malawak at eleganteng kuwarto. Kahit na maraming mga gamit ang makikita rito ay organisadong-organisado ito kaya maaliwalas ang buong paligid. "Hotel?" gulong sambit ko at mabilis na lumabas ng pinto. Bumungad sa akin ang mas malawak na area. Sa kanang bahagi ko ay isang office room habang sa kabila ay malawak na kitchen at bathroom. At mukhang hindi yata ito ordinaryong hotel nang mapagtanto ko na may second floor

