"Good evening po, Mr. Vikero. Red wine po?" tanong ng bartender sa amin at sinalinan ang wine glass namin no'ng tanguan niya ito. "Here you go, Ms. Claveria. Enjoy your dinner date po!" Napatingin ako rito sa huling sinabi niya ngunit hindi man lang itinama ni Mr. Vikero ang sinabi nito at nagpasalamat pa. I don't know kung bakit tila kakaiba ang mga kinikilos ng mga tao ngayon lalong-lalo na itong taong kasama ko. Siguro nga pa-east ang pagsikat ng araw kaninang umaga kaya baliktad din ang pag-iisip ng mga tao ngayon. Tinungga ko na lang ang laman ng wine glass na nasa kalahati at pinuno ko ulit ito saka diretsahang ininom. Kaysa isipin at bigyan ng ibang kahulugan ang mga ikinikilos nito. "W-Wait, Staizy, why did you drink it all?" gulat nitong tanong nang lagukin ko ang pangatlong t

