Malapit na mag-alas onse nang umaga noong makabalik kami sa La Castellano. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang binabaybay namin pauwi nang magsuhestiyon itong ihatid ako sa amin. Pumayag na lang din ako dahil sa medyo kumikirot at tila lutang pa rin ang ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi. "Here, you can drink this," saad nito at iniabot ang hangover drink habang nagmamaneho. Tinanggap ko ito at binuksan agad upang inumin. At nanahimik ako muli dahil sa masama rin ang pakiramdam ko ngayon at marahil dahil din sa nangyari kagabi. Ngunit hindi ko na rin ito inisip dahil sa walang mapaglalagyan ang sakit ng ulo ko. Bago pa ako nito pagbuksan ng car door ay mabilis na akong bumaba ng sasakyan niya pagkarating na pagkarating sa tapat ng bahay namin. "T-Thank you. Dito na lang ako

