"Anong ginawa n'yo sa kaniya?!" gulat na gulat na tanong ni Felicio sa kanilang dalawa nang makabalik kami sa boutique. "Ano ka ba, Paps! Siyempre, pinaganda ang maganda!" masayang saad ni Barbs. Umiling-iling ito at napahawak na lang sa noo niya bago mabilis na sinagot ang tawag. "Patay! Si Mr. Vikero papunta na. Kayo sisihin ko, ah! Hindi ko kasalanan 'yan na hindi nasunod kagustuhan niya," naninisi nitong saad na medyo lumayo at sinagot ang tawag. Tiningnan ko si Felicio na seryosong tumutugon sa kabilang linya. Habang ako ay iniisip kung ano ang magiging reaksyon ni Caleb sa sandaling makita ako nito na ganito ang suot at itsura. Sigurado akong titigan niya lang ako. Ayon lang naman ang kaya niyang gawin. Nagpasalamat ako kanila Marina at Barbs na tumulong sa akin nang magpaalam n

