Kabanata 16

1478 Words

Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa mga ganap sa ground floor. Habang si Felicio ay hindi ko alam kung saan ito nagpunta nang makatanggap ito ng tawag at magpaalam na babalik agad ito. Mabilis akong napahinto nang mahagilap ng paningin ko ang pamilyar na babae na kakapasok lang sa may entrance. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o nakita ko talaga si Maurine. Ngunit nawala agad ang babaeng tila kahawig ni Maurine ng ang karamihan sa mga bisita ay kumpulang lumapit sa entrance. Animo'y may dumating na grupo ng celebrity. Ibinalik ko ang tingin kanila Caleb na hindi natinag sa mga bagong dating. Tila wala silang pakialam sa mga 'yon. "O-Oh, Mr. Damario?" gulat kong sambit nang mapagtanto ko na ang isa sa mga bagong dating ay si Mr. Damario kasama nito sila Mr. Collins.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD