"Staizy, sakay," utos nito habang nasa akin ang tingin imbes na sa harap ng sasakyan nito. Kung makabangga talaga siya ay wala akong kinalaman diyan. Hindi ko pa rin ito pinansin at naglakad na lang nang mabilis. Ngunit nagulat ako nang bumaba ito ng sasakyan niya na hindi man lang hinihinto ang kotse nito. Kundi iniwan niya itong umaandar nang dahan-dahan. Tingnan mo ito. Wala na siya sa katinuan, Lord! Tinanggal nito ang butones at itinaas ang cuff ng suot niyang panloob na white sleeves habang naglakad palapit sa akin. Nagtataka ko naman itong tiningnan habang naglalakad palayo sa kaniya. Ngunit bago pa ako makatakbo ay nagulat ako nang tumakbo siya palapit sa akin at binuhat ako. "What the f**k, Caleb?! Put me down!" sigaw ko rito na tila ginawa niya akong sako ng bigas na binu

