Napasilip ako sa bintana nang may narinig akong nag-doorbell. Tila napa-paranoid na tuloy ako dahil sa alam din ni Caleb ang bahay ko at anytime ay pwede ako nito puntahan. Ang sabi niya rin kasi kahapon ay ngayon namin aayusin ito. Kaya baka mamaya pagmulat ko ng mata ay nandito na siya sa mismong kuwarto ko. Hays, anong oras kaya uuwi si Tita Tonia? Medyo kinakabahan din kasi ako na mag-isa lang ako. Kung pupunta nga ito ngayon ay wala pa naman ako sa timpla para kausapin ito. At natatakot din ako na baka nagalit ito nang tuluyan sa akin dahil sa sinabi ko sa kaniya kagabi at sa hindi ako pumunta sa opisina ngayong araw. Idagdag pa na hindi ko sinasagot ang mga tawag nito. Kaya sinong hindi matatakot na ginanon ko lang siya? Na ginanon ko lang ang isang Vikero. Mamaya may pagka-narc

