There are many things on my mind right now. Kaya hindi ko magawang makatulog at tulalang nakatingin lang sa madilim na kisame ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako dinarapuan ng antok. Kahit na damang-dama ko na ang pagod ko lalo na buong araw na namang walang pahinga ang utak ko. Malungkot akong napangiti nang inalala ko ang sinabi ni Tita Tonia. "Huwag kang umalis sa trabaho mo. Bagkus patunayan mo na kaya mo," seryosong saad nito. "Ngunit kung ang mama mo ang magsasabi? Sasabihin niya agad na umalis ka na roon. Huwag isakripisyo ang kalusugan para sa pera. Huwag abusuhin ang sarili. Huwag tumakbo nang matulin." Mabilis akong umiwas ng tingin. Itinuon ko ang paningin sa madilim na kalangitan. Isang oras na lang ay magkakalahating gabi na. "Kaya sundin

