CHAPTER 5 - SONIA

1695 Words
Today is Sonia's "Me Day." Tulad nang nakagawian na niya, nagpasyang magpalipas ng oras si Sonia sa coffee shop na nasa group floor ng condominium unit kung saan sila nakatira. Tahimik siyang nakaupo at nagbabasa ng kanyang bagong libro nang mapalingon siya sa labas ng glass wall ng coffee shop. Is that Keene? kunot-noong tanong niya sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng namataan niyang nakatayo sa entrance nang katapat na gusali. Si Keene nga! Kita mo itong babaeng ito. Akala ko ba't ayaw niyang lumabas dahil nuknukan ng init ng panahon? Tapos makikita ko siya ngayong nakabilad sa araw at... Her thoughts trails off when a posh, sleek, black car stopped in front of her bandmate. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ni Sonia matapos makilala ang matangkad na lalaking umibis mula roon. "Cio?!” bulalas niya sabay tayo. Napatingin sa kanya ang lahat nang naroon sa coffee shop dahil sa lakas ng pagkakasabi niya ng pangalan ng lalaki. Kimi siyang humingi ng paumanhin sa mga ito bago muling naupo at tumingin kina Cio at Keene na ngayon ay tila tinatalakan ng huli. "What the hell is going on? Noong isang araw lang gustong-gusto siyang gilitan ng leeg ni Keene tapos ngayon magkasama sila? Kailan pa nauso sa kanilang dalawa ang salitang peace?" Nakita niyang ngumiti si Cio kay Keene. Ah mali. Ngisi pala ang ginawa nito. Gumapang ang kakaibang kilabot sa buo niyang katawan dahil doon. “Oh my gosh. I smell trouble!” Mabilis niyang dinampot ang mga gamit at saka lumabas ng coffee shop. Nanatiling na kina Keene at Cio ang kanyang tingin kaya naman hindi niya namalayaan ang kasalubong na tao. "I'm sorry—"  "Sonia? Anong ginagawa mo dito sa labas nang mag-isa? Hindi ka ba natatakot na dumugin ng mga fans niyo?" Agad na nakilala ni Sonia ang boses na iyon. "Tora!" gulat na tawag niya sa lalaki. Hindi niya napigil ang sarili na pasadahan ito ng tingin. Instead of his usual rock star getup, Tora is wearing a green, star-printed hoodie, black cargo shorts and rubber shoes. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mukha nito ay saka lang niya napansin ang suot nitòng salamin sa mata. For some weird reasons, she found those black-rimmed glasses made Tora looked even more handsome. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niyang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito. Pumalatak ito. "Ang daya mo talaga kahit kailan,Sonia," wika nito at saka ngumiti. Tora's eyes seemed to sparkle as well behind his glasses. "Ha?" Lumapad ang pagkakangiti ni Tora. "Ako ang unang nagtanong sa iyo pero imbes na sagutin mo iyon, ibinalik mo ang tanong sa akin." Oo nga ano? "Sorry." "Huwag kang mag-alala. Because you're my friend and you looked really cute today, I'll forgive you." Kumindat pa ito pagkawika niyon. Ilang sandali ang lumipas bago tuluyang nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito. Sonia can feel her cheeks heat up because of Tora's compliment. She puffed her cheeks out to hide it. "Hindi ako cute. Pang-bata lang ang salitang iyon no." "Hmm... Oo nga. Hindi na nga bagay sa iyo ang salitang iyon. So, ano bang salita ang dapat nating ipalit?" He leaned forward and with a low voice he asked, "Any suggestions, Sonia?" Pilit na pinanatiling pormal ni Sonia ang ekspresyon ng mukha sa kabila ng paggapang ng tila kuryenteng sensasyon sa buo niyang katawan. "E-Ewan ko sa iyo," kunwa ay pagtataray niya. Hindi gumalaw si Tora at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Handa na sana siyang bigyan ito ng isa pang mataray comment niya nang bigla itong ngumiti. A smile that causes her heart to thump crazily once again.  Ano ba, Sonia? Ano nang nangyari sa press release mo kina Sofia at Keene na 'we're friends'? Tora’s eyes suddenly shifts from her face to her paperbags. "Nag-shopping ka? Patingin nga ng mga pinamili mo," maya-maya'y tanong nito sa kanya. Dahil sa tanong nito ay muli niyang naibalik ang composure. Mabilis niyang nailayo ang mga paperbags bago pa man nito mahawakan ang mga iyon. "No way. For your information, these are girl's stuffs. Hindi ko pa nga naipapakita ang mga ito kay Keene—" Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang dahilan kung bakit siya naroon. "Sina Cio at Keene! Nakita ko silang magkasama, Tora!" Kumunot ang noo nito. "Magkasama? Teka, paano mo nasabing magkasama nga silang dalawa?" "Because I saw them! Hindi ka naman nakikinig sa akin eh! Ayun sila sa tapat—" Panic consumed her when she saw Cio's car speed away. "Oh no! Umalis na yung kotse ni Cio!” Agad na pinara ni Tora ang paparating na taxi. "Get in, Sonia," wika nito pagkatapos buksan ang pinto para sa kanya. Nang makasakay ito ay agad itong nagbigay ng instruction sa driver. “Manong, pakisundan po iyong kulay itim na kotse, please. Huwag niyo lang pong masyadong dikitan.” “May ideya ka ba kung saan sila pupunta? O kung bakit sila magkasama?” tanong niya sa katabi habang naka-focus ang tingin sa kotseng sinusundan nila. Umiling si Tora. “Believe me, I have no idea. Nakakapagtaka nga dahil hindi naman basta-bastang nakikipagkita sa babae si Cio. Alam mo na. For safety and career purposes.” Bumuntong hininga ito. “To be honest, I sensed something weird in him earlier sa studio. Wala talaga akong ideya na may balak pala siyang ganito.” “Weird? What weird?“ “He’s smiling ever since he came into the studio earlier. At kahit na nagkaroon ng kaunting aberya sa preparation ng concert namin, ni hindi nawala ang ngiti niyang iyon. Ni hindi man lang nainis, to think na music-related yung nangyaring mishap kanina. ” Kumunot ang noong bumaling siya sa katabi. “Normal ang ngumiti, Tora. Lalo na kapag nasa good mood ka. Malay mo naman nasa good mood nga si Cio kanina kaya hindi na rin niya pinansin yung aberya ninyo. Isa pa, hindi ba’t doon nga siya nakilala nang husto? He’s Mister Megawatt Smile, remember? So paanong naging weird na nakangiti si Cio?” “Ang sinasabi ko ay ang paraan ng pagngiti ni Cio,” paglilinaw ni Tora sa sinabi. “Ilang taon ko na siyang kasama at kaibigan kaya natutunan ko nang basahin ang ilan sa mga mannerisms niya kabilang na ang ngiti niya. And the smile I saw on his face means one thing. He’s planning something.” Suddenly, Cio’s smirking face suddenly crossed her mind. Muli niyang naramdaman ang paggapang ng kilabot sa kanyang likuran. “Si Keene…” “Huwag kang mag-alala, Sonia. I can assure you na walang mangyayaring masama kay Keene.” “Pero ikaw na mismo ang nagsabi na may balak gawin si Cio sa kaibigan ko! Alam natin pareho na hindi magkasundo ang dalawang iyon.” “Ang sinabi ko ay may balak gawin si Cio, Sonia. Pero hindi ko sinabing may masama siyang balak gawin kay Keene. Tulad nga nang sinabi ko, matagal ko nang kakilala si Cio. He’s scary as hell when mad but one thing I’m sure about is that your friend is safe. Hindi kayang manakit ng babae ni Cio.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Relax, okay?” Wala sa sariling tumango si Sonia bilang sagot. Hindi niya nagawang makapag-isip ng pwedeng isagot kay Tora dahil inokupa na ang utak niya ng sensasyong dulot ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Maging ang pag-aalala niya para kay Keene ay unti-unting napalis sa kanyang dibdib dahil sa ginawa nito. “Excuse me po.” Halos magkasabay sila ni Tora na napatingin sa unahan ng sasakyan. Mula sa rear mirror ay nakita nilang nakatingin sa kanilang dalawa ang driver ng sinasakyang taxi. “Kayo po ba si Sonia? Iyon pong sa Serenade?” Nagtataka man ay tumango si Sonia. “Ako nga po,” sagot niya. Sumilay ang isang ngiti sa labi ng driver. “Sabi ko na nga ba. Nakilala ko po kayo gawa nung mga posters sa kwarto ng bunsong anak ko. Gustong-gusto po kasi kayo ng anak kong iyon. Pwede ba akong humingi ng autograph sa inyo, ma’am?” Kiming ngumiti siya dito. “Sige po, wala pong problema. May papel po ba kayo diyan?” “Meron po. Naku, maraming-maraming salamat po, ma’am. Natitiyak ko pong matutuwa ang bunso kapag naiabot ko na sa kanya mamaya ang autograph ninyo.” Mula sa dashboard ay naglabas ang driver ng isang notebook at ballpen. Iniabot nito ang mga iyon sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa daan. “Ano pong pangalan ng anak ninyo?” tanong niya matapos buklatin ang notebook. “Saia po. Nasa Grade 3 na po ang anak kong iyon. At gusto raw po niyang maging singer tulad ninyo.” “I see.” Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang nagsusulat ng isang maikling greeting sa notebook. Hearing people saying that they like her and inspired by her really makes her happy, especially if they were kids. Those are one of the reasons why she’s so glad that she became a singer. Muli silang sinulyapan ng driver mula sa salamin. “Ma’am, huwag niyo po sanang masamain pero magkasintahan po ba kayong dalawa?” “What? No!” Mabilis na nag-init ang pisngi niya matapos na mabatid halos pasigaw niyang sinagot ang tanong sa kanya nung driver. Nang mapatingin siya kay Tora ay bakas rin ng pagkabigla sa mukha nito. Seriously, Sonia? Same reaction again? At sa tapat pa talaga ni Tora mo inulit?   Tumikhim siya upang maibalik ang composure. “Hindi ko po siya boyfriend, manong,” muli niyang sagot sa mas malumanay na boses. “G-Ganoon ba? Naku, pasensiya na kayo sa naging tanong ko.” Nagkamot ng ulo ang driver at saka tumingin kay Tora. “Sir, pasensiya na po.” “Bagay ba kami, manong?” tanong ni Tora dito. Ngumisi ito sa kanya matapos niya itong pandilatan ng mata dahil sa tanong nito. “Aba’y opo, sir. Kaya nga po napagkamalan ko kayong magkasintahan na dalawa. Artista po ba kayo?” Tumawa si Tora. “Hindi ho. Ni minsan ho hindi ko pinangarap na maging artista.” “Sayang naman, sir. Pero kahit hindi kayo artista, bagay pa rin po kayo kay Ma’am Sonia. Maganda siya, guwapo naman kayo.” “Salamat po.” “Huwag niyo lang po sanang paiiyakin si ma’am. Bilang fan niya, alam ko pong malulungkot din ang anak ko kapag malungkot ang idol niya.” Naramdaman ni Sonia ang bahagyang pagpisil ni Tora sa kanyang kamay. Noon lang niya naalala na hawak nga pala nito iyon. Nang mag-angat siya ng tingin dito ay agad na sinalubong ng mga mata niya ang tingin nito. Napalunok siya. Muli na naman kasing umariba sa pagkabog ang puso niya. At lalong nagwala iyon sa loob ng kanyang dibdib matapos marinig ang sumunod na sinabi nito. “Huwag po kayong mag-alala. Kung sakali hong naging kasintahan ako ni Sonia, ipinapangako ko pong hinding-hindi ko po siya paiiyakin.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD