CHAPTER 4 - SONIA

2981 Words
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sonia kina Sofia at Keene na natayo sa harapan niya. Nagulat siya nang mabilis siyang nilapitan ng mga ito matapos mag-announced ng break si Camilla sa gitna ng kanilang costume fitting. "Anong problema ninyong dalawa?" kunot ang noong tanong niya sa mga ito. "Sonia, pwede ba akong magtanong sa iyo?" seryosong tanong ni Sofia sa kanya. "Siyempre naman. Tungkol ba saan? May mali ba sa costume mo? Tungkol ba sa arrangement ng bago nating kanta?" Umiling ito sa kanya. "Hindi tungkol doon. Sonia, totoo bang nakipag-usap ka sa isa sa mga miyembro ng Wonderland sa lobby ng studio noong nag-record tayo ng palabas kasama sila?" Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. Paano nila nalaman ang tungkol doon? "Uhm...Oo. Totoo iyon. Nagkausap nga kami ni—" Lalong kumunot ang noo niya matapos makita ang magkaibang version ng shocked expression ng mga nasa harapan. Sofia's eyes widened while Keene's jaw dropped. "Iyong totoo? Ano ba talagang problema ha? Bakit ganyan na ang mga itsura ninyo?" "Oh my gosh! Ibig sabihin totoo nga iyong tsismis?" maya-maya ay bulalas ni Sofia na tila hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla. "Ha? Anong tsismis?" Bago pa siya masagot ni Sofia ay may dalawang kamay na humawak sa kanyang mga balikat at ipinihit siya paharap sa kabilang direksiyon. "Keene? Ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong niya. "Don't tell me na iyong nakausap mo sa lobby noong araw na iyon ay iyong walang modo nilang bokalista? I swear, Sonia, kahit boyfriend mo pa ang hinayupak na lalaking iyon, hinding-hindi pa rin ako makikipagbati sa kanya." "Wait what?!" malakas ang boses na tanong niya. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagulat. "Teka lang sandali. Si Tora ang nakausap ko sa lobby. Hindi si Cio," pagtatama niya. Agad niyang napansin ang muling pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng mga kabanda. "Teka sandali, Sonia. Para lang malinaw at para makasunod ako. Sino si Tora at sino si Cio?" naguguluhang tanong ni Sofia. "Pasensiya na at hindi ko kasi sila kilala." "Si Tora ang Rhythm Guitarist ng Wonderland. Siya yung may kulay itim na buhok. At tulad nga ng sinabi ko, siya ang nakausap ko nung araw na iyon sa lobby,” paliwanag niya. "Okay. Eh sino naman iyong Cio?" tanong naman ni Keene. Bumaling siya sa kabanda at malapad na ngumiti. "Iyon ang pangalan ng bago mong best friend, Keene. Cio is Wonderland's famous vocalist. Mr. Megawatt Smile himself.” Hindi napigilan ni Sonia ang matawa nang malakas matapos makita kung paano eksaheradong sumimangot si Keene. "Excuse me! Hindi ko kailanman magiging best friend ang kurimaw na iyon. At Cio? Where the hell did he get his name? Ah! Siguro Tiburcio ang tunay niyang pangalan, ano?" "Hindi ko alam. Okay naman ang pangalan niya ah. Ang cute kaya." "Cute? Seriously, Sonia? Tunog antique tapos cute?" "Instead of antique, it sounds unique for me." "Eww! Hindi ko alam na ganyan pala ka-pangit ang taste mo sa pangalan, Sonia! Itatakwil na kita bilang kaibigan ko!" "Wait lang. Lumalayo na tayo sa original nating topic," singit sa kanila ni Sofia. "So ang nakausap mo ay si Tora at hindi si Cio tama?" Tumango siya bilang sagot sa tanong nito. "Ibig sabihin si Tora ang tinutukoy nilang boyfriend mo na member ng Wonderland?" "Of course not!"  Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang silang tatlo sa isa't-isa. Maya-maya ay bumulanghit nang tawa si Keene. "Ano na namang meron? Bakit ka tumatawa dyan?" nagtatakang tanong niya dito. "Sikat ka na ngang talaga, Sonia," maya-maya ay wika ni Sofia. Pilit nitong sinusupil ang pagsilay ng ngiti sa labi. "Ha?" "Ang tindi mo maka-deny eh. Showbiz na showbiz ang dating. With feelings! Full of energy!" Pagkawika niyon ay tuluyan nang tumawa ng malakas ang babae. Maging si Sofia ay tumatawa na rin. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang eksaheradong sumimangot sa mga ito. "That's not funny. At hindi ako nagde-deny. I’m telling you the truth." "Alam mo Sonia, hindi mo naman kailangang maglihim sa amin. Wala namang kaso kung may boyfriend ka na di ba, Sofia? And I'm sure na wala ka ring magiging problema kay Camilla dahil alam kong mahal niya tayo kahit pa nga hindi masyadong halata." Inakbayan siya ni Keene. "So ano? Kailan kayo naging official couple ni Tora? Paano ka niya niligawan? Ang tindi ninyo ring dalawa ha? Hindi namin kayo nahalatang nagliligawan." Inalis niya ang braso ni Keene sa kanyang balikat. "Wala kayong nahalata dahil wala naman talagang nangyaring ligawan. Makinig kayo. Uulitin ko ulit ha? Hindi ko boyfriend si Tora okay? At teka nga. Saan niyo ba napulot ang ideyang boyfriend ko siya ha?" "Iyon kasi ang kumakalat ng tsismis ngayon. Na may boyfriend ka nga raw na miyembro ng Wonderland," paliwanag ni Sofia sa kanya. "Mukhang may nakakita sa inyong dalawa ni Tora habang nag-uusap doon sa lobby. Ayon pa sa source, inihatid ka pa nga raw hanggang sa tapat ng waiting room natin." "Hindi niya ako technically inihatid. Teka, paano ko ba ipapaliwanag iyon?" Nagkamot si Sonia ng noo. "Dumating kasi si Saga at sinusundo na si Tora kasi dumating na daw yung sundo nila. In-assume nila na baka hinahanap niyo na rin ako kaya isinabay na nila ako pabalik. Nagkataon lang na malapit sa lobby yung waiting area natin kaya nauna akong makabalik kaysa sa kanila." "O sino naman iyong Saga? Ikaw talaga, Sonia. Huwag mo namang solohin lahat. Mamahagi ka naman sa amin ng— Aray ko!" Pinitik niya sa noo si Keene. "For your information, si Saga ang bahista ng Wonderland. At ngayon pa lang sinasabi ko na na malabong maging boyfriend ko ang isang iyon." "Eh? Bakit naman? Masama rin ba ang ugali katulad nung bokalista nila?" "Dahil hindi ako pumapatol sa lalaking mas maganda sa akin. Nai-insecure ako sa kinis ng balat niya. I swear, Keene. Kapag nakita mo siya nang malapitan, iyon din ang una mong mapapansin sa kanya." Napailing pa siya nang muling maalala ang itsura ni Saga. Hanggang nang mga oras na iyon ay iniisip pa rin niya kung paano ito nagkaroon ng ganoong klase ng kutis. Matanong nga siya kung anong beauty product ang ginagamit kapag nagkita kami ulit. Sana mura lang at available sa mga malls. At sana hindi kasing tindi ng routine tulad ng Korean skin care. Nakakatamad eh! Nagtaas ng kamay si Sofia. "Lumalayo na naman tayo eh. Anyway, question ulit. Kung hindi mo boyfriend si Tora, anong meron sa inyong dalawa?" "Childhood best friend ko siya." Naupo siya sa harap ng dresser at saka kinuha ang suklay. "After two years, noon lang kami ulit nagkita at nagkausap sa studio." "Magkababata kayo? Ibig sabihin doon din siya sa Laguna nakatira?" "Oo. Anak si Tora nung kaibigang Engineer ni tatay na siyang gumawa ng bahay namin doon. Kaya naman bago pa kami opisyal na makalipat doon ay magkakilala at magkaibigan na kami." "Wow! Ang tagal niyo na palang magkaibigan," kumento ni Keene. "Doon pa rin ba siya nakatira?" "Sa pagkakaalam ko hindi na pero doon pa rin nakatira ang family niya. Knowing how hectic their schedule and their very scary fans, malabong doon pa rin umuuwi si Tora." Bumuntong hininga siya bago sinuklayan ang sarili. "Alam niyo bang naiinggit ako sa kanya? Nung nagkakwentuhan kasi kami sa lobby ay nabanggit niyang nakakadalaw pa rin siya doon sa Laguna. Samantalang ako, hindi pa ako nakakabalik dun simula nang magsimula ang contract natin sa Starship." "Sus, hindi naman problema iyan. Eh di magpaalam ka kay Camilla. Pagkatapos ng concert natin, natitiyak kong papayagan ka niyang makadalaw doon. Anyway, I assume na graduate kayong dalawa sa parehong school?" tanong ni Sofia. Tumango siya. "Classmate ko siya simula elementary hanggang high school. Sa iisang school din kami pumasok nung college pero magkaiba na kami ng kurso. Kung tama ang pagkakatanda ko, Physical Theraphy graduate si Tora." "Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Keene. "Yep. Mind you, Licensed PT si Tora." "Wow. Wala sa itsura niya na Physical Therapist siya,” namamanhang kumento ni Sofia. "Oo nga. Hmm... Kung siya ang hahawak ng katawan ko at magmamasahe sa akin, super okay sa akin. Willing akong magbayad kahit gaano pa kamahal ang talent fee niya." Nang mapansin ni Keene ang ginawa nilang pagtingin dito ni Sofia ay agad itong ngumiti sa kanila. "Siyempre joke lang iyon. Dalagang Pilipina pa rin ako 'no," bawi nito. She then gives them a peace sign. "Siraulo ka kamo," napapailing na sabi ni Sofia. "Wonderland ba ang unang bandang nasamahan ni Tora?" "Oo. Hindi ko alam kung paano sila nabuo pero during our second year, tumugtog ang grupo nila noong acquaintance party namin. Simula noon, hindi na sila nawawala sa list of performers sa bawat school program." "What?! Magkakabanda na sila ever since?! Ibig sabihin matagal mo na ring kakilala ang Cio na iyon?!" bulalas ni Keene. Mabilis siyang umiling. "Not personally. Sa maniwala ka’t sa hindi, hindi ko kilala sina Cio noon. Well, not until noong nag-perform na nga sila sa school. Hindi naman kasi ako iyong tipo na may kaibigan sa bawat department. Si Tora nga lang ang kakilala ko sa department nila." "So college band pala ang Wonderland. Sikat ba sila noon sa school niyo, Sonia," muling tanong ni Sofia. "I guess so. Alam niyo ba, bukod sa fans nila as a group ay mayroon rin mga fans club na dedicated para sa naturang member? Kung hindi ako nagkakamali, dalawa ang fans club ni Tora sa campus. Pangatlo nga iyong sa grupo nila. At heto pa," Tumigil siya sa pag-aayos ng buhok at humarap sa dalawang kausap. "mas sikat silang lima kaysa dun sa schoolmate naming naging artista matapos manalo sa isang contest sa T.V noon. Hindi iilang beses na nakita ko kung paano magtilian ang mga schoolmates naming babae sa tuwing makakasalubong nila sina Tora noon." Ilan iyon sa mga hindi malilimutang ala-ala ni Sonia noong nasa kolehiyo sila ni Tora. Ala-alang hindi pumapalya na patawanin siya lalo na kapag naaalala kung paano ito dumaing  sa kanya dahil sa mga nangyayari dito. Noon pa man, alam na niyang gustong-gusto ni Tora ang banda nito, maliban na lamang sa fame part na kaakibat niyon. He appreciates all of his fans and he’s very thankful to all of them, but he still feels awkward whenever they treated him like a superstar. Tora and his band slowly rise to the top, but he stay as the same. He remains as his humble, kind and somewhat shy self. And that what makes her proud of him even more. "Nakakatuwa naman pala kayo ni Tora. To think na pareho pa kayong nasa music industry ngayon," maya-maya ay narinig niyang sabi ni Sofia. "Oo nga. Kaya lang, may naisip ako," ani Keene. "Ano na naman iyan?" tanong niya. "Matagal na kayong magkakilala hindi ba? Ni minsan ba hindi siya nagkagusto sa iyo? Hindi ka ba niya niligawan noon?" Natigilan siya. Suddenly, Tora's midnight eyes and serious voice suddenly pops inside her head. “H-Ha? Ano kasi—“ "Ano bang klaseng tanong yan, Keene?" kunot-noong tanong ni Sofia. "Mag-best friends nga sila ni Tora, hindi ba? Bakit liligawan siya nung lalaki?" Itinaas ni Keene ang hintuturo. "Friends can be lovers, Sofia. Halos lahat ng couples ay nagsimula sa pagiging matalik na magkaibigan. And besides, isn't it normal for a guy like Tora to fall in love with someone as beautiful as Sonia here? Aba naman. They seem superclose and yet walang naramdaman si Tora other than friendship? Hindi ba't nakakapagtaka iyon?" "Huwag mo rin kakalimutan na nag-e-exist ang bagay na tinatawag nilang platonic relationship. Malay mo kung hanggang kaibigan lang ang pagtingin ni Tora kay Sonia." "Malay mo rin kung nakikiramdam lang si Tora dito kay Sonia. Kung may nararamdaman ring kakaiba itong bandmate natin sa best friend niya o wala. Mahirap nga namang basta nalang siya magtapat tapos hindi naman pala sila pareho ng nararamdaman hindi ba? Ay teka," Bumaling sa kanya si Keene. "ano nga bang nararamdaman mo para kay Tora, Sonia?" Hindi agad nagawang sumagot ni Sonia. Bukod sa nagulat siya nang husto sa tanong na iyon mula kay Keene, nabigla rin siya sa naging reaksiyon sa tanong na iyon. Her heart pounded inside her chest so hard as if she was caught doing something suspicious. Sabay-sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas iyon. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na suklay pagkakita sa lalaking kasunod na pumasok sa kwarto ni Camilla. "Girls, I would like you to meet Tora. Kung hindi niyo pa alam, na malabong mangyari ayon sa aking pananaw, siya ang Rhythm Guitarist ng Wonderland," bungad sa kanila ni Camilla bago bumaling sa katabi. "Tora these are Sofia, Keene and Sonia. They are the members of my precious group, Serenade." Agad na lumapit si Sofia sa lalaki at inilahad ang kamay dito. "Glad to meet you, Tora," nakangiting bati nito sa lalaki. "Same here." Inabot ni Tora ang kamay ni Sofia at nakangiting nakipagkamay dito. Matapos niyon ay kay Keene naman ito nakipagkamay. "Keene, right? Alam kong nagawa na ito ng manager namin sa studio but I would like to apologized again for that incident sa T.V station." "No need to apologies. Wala ka namang kasalanan sa nangyari." Sandaling sinulyapan ni Keene ang pinto. "Ikaw lang ba mag-isa ang nagpunta dito, Tora? Wala kang kasamang ka-banda mo?" "Wala akong ibang kasama. Bakit mo naitanong?” alanganing tanong ng lalaki. "Wala naman. Naitanong ko lang. Baka kasi may kasama kang hindi ko gustong makita. Mabuti na iyong emotionally prepared ako. Aware ka naman kung anong sitwasyon mayroon kami nung magaling niyong bokalista di ba? I hope you understand." "Keene!" saway niya sa kabanda. "Fine. Wala na akong sinabi." Bahagyang tumawa si Tora. "It's okay, Keene. I understand. Hmm.... To be honest, siya dapat ang pupunta rito ngayon para i-meet si Camilla. But he’s tied to his desk because he needs to do a lot of things for our upcoming concert. At dahil mabait akong member at kaibigan, nag-volunteer na akong magpunta rito on his behalf." Kumindat pa ito kay Keene. Lumapad ang pagkakangiti ni Keene. "Mabuti nalang at mabait kang member, Tora. Maraming salamat sa pagliligtas sa napakagandang araw ko sa tiyak na pagkasira mula sa napakahusay niyong leader." "Walang anuman, Keene. Glad to be of help,” nakangising sagot nito. Nang bumaling sa kanya si Tora ay muli na naman niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. She looked up, her gaze meeting his instantly. "Hello, Sonia," nakangiting bati ni Tora sa kanya at saka inilahad ang kamay. "Hello, Tora." Inabot niya ang kamay upang tanggapin ang pakikipagkamay nito. Kumunot ang noo niya nang bahagya nitong pisilin ang kanyang kamay. "Is this your costume para sa upcoming concert niyo?" Tora asked. He looked at her as if he were photographing her with his eyes. "Bagay sa iyo. Ano... You looked really pretty on it." Agad niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi matapos marinig ang sinabi nito. Tumikhim siya. "T-Thank you—" "Teka sandali.Let me…" Mabilis na umangat ang isang kamay ni Tora sa kanyang ulo. She felt herself stiffened as she felt his fingers fixed a loose tendril of hair from her hairclip. "There. Much better." Halos mabingi na siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib ngunit sa kabila niyon ay hindi niya magawang iiwas ang tingin sa lalaki. What the hell is wrong with me? "I don't have all day, Tora. Marami pa akong aasikasuhin para sa concert ng Serenade." Sabay silang napatingin ni Tora kay Camilla nang marinig iyon. Ibig niyang lumubog sa kinatatayuan nang makitang nakangisi sa kanila ang babae. "I suggest na pag-usapan na muna natin ang isinadya mo dito. Mamaya niyo na ulit ituloy ni Sonia ang, aherm, pag-uusap ninyo." Pagkawika niyon ay pumasok na ito sa opisina nito. "Parang ayoko nang pumasok sa loob nang opisina ni Camilla. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda sa akin oras na pumasok ako dun," wika ni Tora. Nang muli niyang ibaling ang tingin dito ay ngumiti ito sa kanya. Hindi agad nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito. Marahan niyang ipinilig ang ulo. Focus, Sonia. "Don’t worry. Not until you’re slandering her music and our group, you’re safe with her,” she joked. “You think so? Tumawag kaya muna ako sa opisina namin? O kaya sa pamilya ko? O kaya sa abugado namin. Hindi pa man din tapos yung pinagagawa kong last will and testament.” Hindi na niya napigil ang sarili na matawa. “Para kang sira, Tora. Bilisan mo na at pumasok ka na doon. Sabi nga ni Camilla, she doesn’t have all day. Busy rin ang isang iyon dahil sa concert namin," sagot niya. "I know. I was just kidding you." Sonia's body stiffened when Tora once again lifted his hand towards her head, but soon relaxed as she felt him patted her gently. The loud pounding in her chest slowly calms down as her body recognized the warm feeling caused by his affectionate gesture. "Nice seeing you again," he said before walking his way to Camilla's office. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob at isinara ang pinto. Wala sa sariling napahawak si Sonia sa kanyang dibdib. Normal na ulit ang pagtibok ng kanyang puso ngunit sa kabila niyon ay naguguluhan pa rin siya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya kay Tora. "Ha! I told you, Sofia. Nakita mo ba kung paano siya tignan ni Tora kanina? And take note! Tatlo tayong nakasuot ng costume and yet siya lang ang napansin at pinuri." "Nakita ko nga. Base sa mga nasaksihan ko kanina, gusto ko nang maniwala sa mga sinabi mo. Malabo ngang platonic lang ang tingin ni Tora dito kay Sonia." "I know, right?" Tumingin siya sa dalawang kabanda. Kapwa nakatingin ang mga ito sa kanya. And they are both grinning from ear to ear. "So, Sonia. Ano ngang sagot mo sa tanong ko kanina?" hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labing tanong ni Keene sa kanya. "Ano talaga ang nararamdaman mo para kay Tora?" Ano nga ba, Sonia? Iisa lang ang palagian niyang isinasagot sa tanong na iyon ngunit tila hindi na siya kumbinsido sa bagay na iyon ngayon. Dahil kung magkaibigan sila ni Tora, bakit ganoon nalang ang reaksiyon niya dito? “Sonia? Still there? Wala na. Naglakbay na ang utak nitong kaibigan natin papunta sa buwan,” naulinigan niyang wika niya Keene. Buwan. Red Moon. Pagkarinig niya sa salitang iyon ay muling nag-flash back sa utak niya ang eksena nila ni Tora two years ago. Huminga siya nang malalim. Lumapit siya sa dresser at muling naupo sa harap niyon. "We’re friends. Tora is my best friend.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD