CHAPTER 3 - SONIA

2988 Words
Yumuko si Sonia upang kunin ang binili niyang inumin mula sa vending machine at binuksan iyon. Akma siyang iinom nang mapatingin sa gawi kung saan naroon ang studio. Wala sa sariling napangiwi siya nang maalala ang gulong nangyari roon kani-kanina lang. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala na mag-aaway at magkakagulo ang mga fans nila at ang mga fans ng Wonderland. At ang lahat ay dahil lamang sa pareho ang bansag ng mga ito kay Keene at sa bokalista ng Wonderland na si Cio. Ang sagutan ng mga ito ay naging iringan at naglaon ay nauwi sa pagbabatuhan ng kung anu-anong bagay. Walang nagawa ang mga namamahala nang programa kundi itigil ang taping. Sa gitna ng fan war ay minabuti ng mga staff na pabalikin silang lahat sa kani-kanilang waiting room. Batid ni Sonia na naapektuhan si Keene sa mga nangyari. Pagkalabas palang nila ng studio ay nagsimula nang mag-rant sa kanila ang kabanda. Ramdam na ramdam nila sa bawat salitang binibitiwan nito ang nararamdamang inis para sa bokalista ng sikat na Pop-Rock group. Magkatulong na kinakausap Sofia at Camilla si Keene upang kumalma ito nang magdesisyon siyang lumabas na muna ng kanilang waiting room. Naisip niyang hindi makakabuti sa mood ni Keene kung masyadong maraming tao ang naroon. Ilang sandali rin siyang nag-ikot sa kakahanap nang lugar kung saan siya pansamantalang tatambay hanggang sa mapadpad na siya doon sa lobby ng building. Bumuntong hininga siya. "Kamusta na kaya sila? Napakalma na kaya nila si Keene? Hindi nila pwedeng palabasin ang isang iyon nang hindi bumabalik sa matino niyang sarili. Siguradong dadanak ang dugo kapag nagkasalubong sila ulit ni Cio," aniya sa sarili matapos maupo sa isa sa mga couch na naroon. Isinandal niya ang likod at saka ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay dumoble ang pagod na nararamdaman dahil sa mga nangyari. Ang nagagawa nga naman ng stress sa tao. Hay... Oras na matapos itong concern namin, magpapaalam na talaga ako kay Camilla. Magbabakasyon na muna ako. Itutuloy ko yung balak kong pumunta nang Batanes. Gusto kong matulog nang matagal! ‘Yung mga 15 hours na tulog! Nang muli siyang magmulat ng mata ay nahagip ng tingin ang mga magazine na nakapatong sa side table. Dinampot niya ang isa sa mga iyon at saka binuklat. Iba’t-ibang artikulo tungkol sa musika at mga sikat music artist ang naka-feature roon. "Uy, Nice. I wonder kung nandito rin kami…" Patuloy siya sa paglipat nang pahina hanggang sa tumambad sa kanya ang larawan ng bandang kasama lang niya kani-kanina. “Blue Flame: An Exclusive Interview About Wonderland’s Upcoming Single,” basa niya sa titulo ng artikulo patungkol sa banda at saka muling pinagmasdan nang mabuti ang larawan ng mga ito. Nakaupo sa isang itim na leather couch ang bokalista ng mga ito habang nakatayo sa paligid nito ang natitirang apat na miyembro. Bawat miyembro ay nakasuot ng kulay itim na damit. Napansin din niyang tanging si Cio lamang ang nakangiti sa mga ito. “May matinding pinagdadaanan ba ang mga ito at hindi man lang ngumingiti o sadyang uso sa mga rock bands ang I-Hate-The-Whole-World-I-Don’t-Give-A-Damn aura sa tuwing may photoshoot sila? Buti pa itong si Cio hindi madamot sa ngiti. Hmm… Nice set of teeth you got there, Mr. Vocalist.” Napailing siya sa mga sinabi bago muling binuklat ang magazine. Sa mga sumunod na pahina ay nakalimbag ang naging interview sa grupo at mga larawan ng bawat miyembro. Ililipat na sana niya sa susunod na pahina ang magazine nang mahagip ng tingin niya ang isa sa mga larawan doon. Hindi pa rin nakangiti si Tora sa larawan nitong iyon katulad nang sa group photo nila, ngunit pakiwari ni Sonia ay hindi man lang iyon nakabawas sa angking kaguwapuhan nito. The black outfit he wore magnified his fair, white skin. A silver earring adorning his left ear. His lips red and firm-looking. His midnight eyes looking straight with the purpose of capturing every reader’s attention. And he successfully did it to her. Nasa larawan na nito ang isandaang porsiyento nang atensiyon niya kaya naman hindi na niya napansin na may nakalapit na at nakatayo sa likuran niya. “Hindi ko alam na nagbabasa ka pala ng interviews namin sa magazine.” “Holy sh—“ Mabilis siyang napatayo sa gulat nang marinig iyon. Awtomatiko ring umangat ang kamay niyang may hawak sa magazine at akma iyong ibabato sa kung sino mang basta nalang nagsalita nang malingunan niya ang lalaking kanina pa niya tinititigan sa magazine. The same handsome guy, if it wasn’t for his awkward version of duck and cover pose and adorably stupid facial expression.  “Stop! Huwag mo akong batuhin please,” halos pasigaw nitong pakiusap sa kanya. Ilang ulit siyang huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. “You scare the hell out of me,” she said as she continues to calm herself. Matapos ang ilang sandali ay dahan-dahan niyang ibinaba ang nakataas na kamay. “I know. And I’m really really sorry. Believe me, wala akong intensiyon na gulatin ka.” Isang beses pa siyang huminga nang malalim at saka muling naupo sa sofa. Isinandal niya ang likod at pumikit. Darn it! She really hates being spooked.  “Ano… Pwede ba akong umupo diyan?” Nagmulat siya ng mata nang muling marinig ang boses ni Tora. He looked every inch of a rocker in his current outfit contrary to what he is wearing in the magazine that she’s looking earlier. He’s wearing a gray tee under his black leather jacket, black baggy pants and biker boots. He has the same earring on his ear and a silver necklace with a crucifix and rose designed pendant hangs around his neck. Everything looks superb on him. “Hello? Still there?” Na-distract siya sa ginagawang assessment sa lalaki nang marinig iyon. “H-Ha?” tila wala sa sariling tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito. "May sinabi ka ba?" “Ang sabi ko kung pwedeng maupo diyan sa tabi mo,” ulit nito sa sinabi sabay turo sa bakanteng pwesto sa tabi niya. “Ah…” Kumurap siya ng ilang beses. Habang unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang sinabi nito ay unti-unti ring lumilinaw ang kasalukuyang ekspresyon ng mukha nito. His mischievous eyes and teasing smile was enough to wake her up from her reverie. “O-Oo naman,” sagot niya at saka mabilis na iniwas ang tingin dito. Yes, Sonia? Are you okay now? If yes, what the hell just happened to you? “Thanks.” Matapos nitong maupo sa kanyang tabi ay kapwa na sila tahimik, ngunit aware na aware si Sonia sa presensiya ng katabi. Muli niyang itinuon ang atensiyon sa binabasang magazine. Pero tila hindi na nakikipag-cooperate ang utak niya dahil wala na siyang naintindihan kahit pa makailang-ulit na niyang binasa ang mga nakasulat doon. Wala na siya sa focus. Hindi siya mapakali dahil sa katabi. Sa huli ay hindi rin siya nakatiis. Pasimple niyang sinulyapan si Tora. He sat with his legs crossed, his back against the backrest in a very relaxing manner. Ang isang kamay nito ay nakapatong sa armrest habang ang isa ay nakapatong sa hita nito. She immediately noticed his black-painted nails when his fingers started to tap his thigh. Naglakas-loob siyang itaas ang tingin sa mukha nito. His eyes immediately caught her attention. Batid niyang normal para sa mga tulad nitong nasa rock band ang paglalagay ng eyeliner ngunit hindi niya inasahan na ganoon ang magiging epekto niyon sa mga mata nito. It made Tora’s beautiful midnight eyes look more intense. And the more she looked at it, the more she is drawn. “Do you still drink too much coffee?” maya-maya ay narinig niyang tanong nito. Ilang sandali rin siyang nag-isip kung nagsalita nga ba talaga ito o hindi dahil hindi man lang kasi ito gumalaw sa kinauupuan. “Umiinom pa rin ako pero hindi na kasing dalas tulad noong estudyante pa tayo,” sagot niya. “Bakit mo naitanong?” “Masyado ka pa rin kasing magugulatin.” Kumunot ang noo niya. “Balak mo bang isisi sa pag-inom ko ng kape ang ginawa mong panggugulat sa akin kanina?” Nagkibit ito ng balikat. “Maybe. Hindi mo naman ako masisisi. I know how much of a coffee-addict you were back then.” “Kailangan kong uminom ng kape upang manatiling gising para sa thesis at project ko noon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.” She flipped her magazine to the next page. “I still love coffee, but I love my voice more.” Tumango-tango ito. “Good. Masaya akong marinig na nabawasan na ang pagiging coffee addict mo. By the way, kamusta na nga pala iyong kasama mo? Her name is Keene, right? Sa inyong tatlo siya ang pinaka-apektado sa mga nangyari kanina sa studio.” “Last time I saw her, kinakausap siya ng manager namin at ni Sofia para kumalma. Hindi niya talaga gusto ang mga nangyari kanina. She loves our fans so much. Sa aming tatlo, siya ang pinakamalapit sa mga fans.” “I presume na hindi rin siya aware sa issue tungkol sa pangalang idina-dubbed sa kanya.” Umiling siya. “The Nightingale thing? Wala talaga. How about your bandmates? Iyong bokalista ninyo?” “Cio’s fine. Nakita ko siyang abala sa paglalaro ng kanyang PS Vita bago ako lumabas. Iyong tatlo naman, abala sa pagtsi-tsismisan tungkol sa mga animes na pinapanood nila.” Bahagya siyang natawa. “Wala sa itsura ng mga kabanda mo na mahilig sila sa anime. And wow! Parang wala lang sa bokalista ninyo iyong mga nangyari ah.” Nagkibit-balikat ang kausap niya. “Not really. Cio may still have his megawatt smile plastered on his face and act like nothing happens but it doesn’t mean that he’s not concern at all. Siya ang band leader namin at top priority niya ang banda kaya imposibleng hindi iyon nag-iisip nang tungkol sa mga nangyari.” “I see.” Agad niyang naisip si Sofia. Hindi ito nagtataglay ng mala-megawatt na ngiti tulad ni Cio ngunit batid niyang kayang-kaya nitong tapatan ang naturang bokalista pagdating sa pagiging leader ng grupo. Nah. Sofia is much better than any band leaders out there. Bakit? Simple lang. The mere fact na kaya niyang paamuhin si Keene on her war freak mode is definitely a big advantage against anyone else. And I’m willing to bet my one pint tub Choco-mint Ice Cream na hindi iyon kayang gawin ni Cio o nang kahit na sino pang iba. Hindi niya maiwasang mapangisi sa naisip. “Ikaw?” Ang tanong na iyon ni Tora ang muling pumutol sa ginagawa niyang pag-iisip. “Ako?” nagtatakang balik-tanong niya dito. “I’m asking about you.” Dahan-dahang bumaling sa kanya ang lalaki. At dahil magkalapit silang nakaupo sa sofa ay mas malinaw niyang nakikita ang mga mata nito. Those beautiful orbs once again held her gaze. “Kamusta ka na, Sonia?” After two years, iyon ang unang pagkakataon na muli niyang narinig na tinawag siya ni Tora sa kanyang pangalan. Hindi alam ni Sonia kung iyon ang dahilan kung bakit bigla nalang sumikdo ang kanyang puso o dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "I-I'm fine," sagot niya. Tumikhim siya bago nagpatuloy. "medyo busy dahil sa sunod-sunod na mga T.V. and radio guestings para sa new single at upcoming concert namin. Tiring but I'm still doing great." Tumango-tango si Tora. " First concert ninyo, hindi ba? Wala ba akong free ticket?" biro nito sa kanya. "Wala. Bakit kita bibigyan samantalang alam kong kayang-kaya mong bumili nang sampung VIP tickets namin." "Sampu?!" bulalas ni Tora. "Sonia, anong akala mo sa akin? Mayaman?" "Oo." "Sonia, ipapaalala ko lang sa iyo at baka nakalimot ka na. Gitarista lang ako, hindi milyonaryo." "I know. Gitarista ka nga. Gitarista ng isa sa mga pinakasikat at pinaka-in demand na banda sa bansa. At ayon sa latest news, bukod sa upcoming single ay mayroon din kayong one-man Asian tour na lilibot at magpe-perform sa higit na limang bansa." Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi ni Tora. "Mukhang tama ako sa hinala kong nagbabasa ka nga ng tungkol sa amin." "Not really. Nagkataon lang na nabasa ko ang tungkol sa mga iyon ngayon dito." Iniangat niya ang hawak na magazine. "Eh Ikaw? Kamusta naman ang pagiging gitarista ng Wonderland?" "I'm fine. Medyo busy lang din dahil sa mga guestings at sa upcoming concert namin." Ngumisi ito nang magtaas siya ng kilay dahil sa ginawa nitong panggagaya sa naging sagot niya. "Just kidding. But seriously, katulad lang din ng schedule mo ang sa akin. Nakakapagod dahil halos wala ka nang pahinga. Pero sabi mo nga, tiring but still doing great. I'm enjoying what I’m doing." "I know how you feel. May mga araw na halos sumuko na yung katawan mo sa pagod, and yet you still get up the next morning despite having less than three hours of sleep and do another set of promotions and stuffs. And whats weirder is that you still manage to perform and smile at the fans eventhough you feel like you'll pass out because of exhaustion." "That is what you call Professionalism, Sonia." "I so totally agree." Bumuntong hininga siya. "But hey, even professionals like us need enough sleep and relaxation. Nami-miss ko rin ang buhay ko bago ako pumirma ng kontrata sa Starship. Dati kapag ganitong panahon ay nandon lang ako sa likod bahay namin at nakahiga sa duyan. O kaya ay nakikigulo ako sa mga naglalaro ng chess sa tapat ng tindahan ni Aling Lideng. O kaya nanginginain ng Indian Mango sa tapat ng bahay namin. Grabe, nami-miss ko na ang lugar na iyon. Nakakadalaw ka pa rin ba roon sa atin, Tora?" "Oo naman. Kapag may pagkakataon ay pumupunta ako doon." "Buti ka pa. Ako kasi ang tagal nang hindi nakakadalaw ulit doon." Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa lalaki. Matagal na niyang gustong dumalaw sa naturang lugar ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa sobrang hectic ng schedule ng kanilang grupo. "Alam ko." "Alam mo?" nagtatakang tanong niya. "Yeah. Palagi kasi akong dumadaan sa bahay ninyo sa tuwing dumadalaw ako roon. Sa kanila ako nakikibalita tungkol sa iyo. Bukod siyempre sa mga news articles tungkol sa grupo ninyo sa internet." Umawang ang labi ni Sonia dahil sa sobrang pagkabigla sa narinig. Hindi kasi niya inaasahan na maririnig iyon mula sa lalaki. Batid niyang hindi naging maganda ang nangyari sa pagitan nila noong huling beses silang nagkita kaya naman hindi siya talaga makapaniwala sa mga sinabi nito. "There you are!" Halos magkasabay sila ni Tora na lumingon sa bagong dating. Agad niya itong nakilala bilang isa sa mga kabanda ng lalaki. Mabilis itong nakalapit sa kanila ni Tora bago pa man may makapagsalita sa kanilang dalawa. "Kanina pa kita hinahanap. Nasa back entrance na raw yung van natin," wika pa ng bagong dating habang diretsong nakatingin kay Tora. "Hindi ko alam kung anong ginawa ng mga staff ng show para matigil ang away sa pagitan ng mga fans natin at ng Serenade pero saludo ako sa kanilang lahat dahil nagawa nila iyon at nakalabas ang lahat nang walang dumadanak na dugo. Anyway, ikaw nalang ang hinihintay namin para makabalik na tayo sa—“ Natigil ito sa pagsasalita nang sa wakas ay napansin siya nito. Narinig niyang bumuntong hininga si Tora. "Her name is Sonia. Isa siya sa mga miyembro ng Serenade. Huwag mo siyang tignan na para bang nag-apparate siya sa harapan mo. Kanina pa siya nakaupo sa tabi ko," pagpapakilala ni Tora sa kanya sa kabanda nito bago bumaling sa kanya. "Sonia, this guy here is Saga. Siya ang bahista ng banda namin. Pasensiya ka na sa inasal niya. He's a bit weird but he's a genius at playing his bass guitar and composing songs. Bukdo doon, sablay na siya sa lahat ng bagay na ipagawa mo sa kanya." “Oi! Hindi iyan totoo!” Tumango siya at saka ngumiti kay Saga. "Nice meeting you, Saga." Tumayo siya at inilahad ang kamay dito. Nang hindi ito tuminag sa pagtingin sa kanya ay muli siyang tumingin kay Tora. Muli itong nagpakawala ng isang buntong hininga bago tumayo. "Sumabay ka na sa amin pabalik, Sonia. Baka hinahanap ka na rin ng mga kasama mo," wika nito. "O-Okay," alanganing sagot niya. Habang naglalakad sila pabalik ay napansin niyang nakatingin pa rin sa kanya si Saga. Ano kayang problema ng isang ito? Teka, hindi kaya humulas na ang makeup ko at ang sagwa na nang itsura ko kaya ganito ako tignan nito? Pero hindi rin. Eh di sana kanina pa sinabi ni Tora na hindi na maayos ang itsura ko di ba? Makailang-ulit niyang sinulyapan si Saga. At habang tumatagal ay unti-unti niyang napansin ang itsura nito. Lalaki ba talaga ang isang ito? Sobrang kinis naman ng mukha niya. I wonder kung may ginagamit siyang moisturizer or something. Grabe, daig pa ang kutis ko. At ang tangos ng ilong— “Ah!” Halos makarating na sila sa tapat ng kanilang waiting room nang kapwa sila nagulat ni Tora sa biglang pagsigaw ni Saga. "Naalala ko na kung saan kita unang nakita. Naroon ka sa birthday party ni Tora two years ago, hindi ba? Doon sa bahay nila sa Laguna?” Dahil hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ay tumango na lamang siya bilang sagot. “I knew it! Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha mo. Ikaw yung childhood swee— Aray!” Malakas na napasinghap si Sonia matapos makitang tinapakan ni Tora ang isang paa ni Saga. Bakas sa mukha ng huli ang iniindang sakit. “Tora, what the heck?” nakangiwing daing nito habang nakaangat ang paang nasaktan at nakakapit sa pader na tila doon kumukuha ng suporta. "Sorry. Bigla akong na-out of balance. Hindi ko alam na matatapakan kita,” sagot ni Tora na tila hindi alintana ang nagawa sa kabanda. “Don’t mind him, Sonia. Sige na at pumasok ka na sa loob.” “Pero Tora, are you sure he’s okay?” alanganing tanong niya. Nag-aalalang tumingin siya kay Saga. Hindi pa rin ito umaayos ng pagkakatayo. “Yep, he’s fine. Don’t worry. Okay ka lang hindi ba, Saga?” Iniangat ni Saga ang isang kamay at nag-thumbs up nang hindi tumitingin sa kanila. “See? He’s fine.” “Uhm… Okay. Nice meeting you ulit, Saga.” Binuksan niya ang pinto ng kanilang waiting room ngunit bago siya makapasok ay muli siyang tinawag ni Tora. “I’m glad to see you again, Sonia,” he said and smiled at her. It was the same smile she used to see two years ago. Kaya naman ganoon nalang ang pagtataka niya kung bakit kakaiba na kaysa sa dati ang naging reaksiyon niya pagkakita niyon. She can feel her heart beat so hard and how her face heats up. Bigla rin siyang naging conscious sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. “Me too, Tora. Nice to see you again,” she replied with a smile before closing the door.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD