Simula
"MAG-A-ABROAD KA?"
Napalunok si Bella nang makita ang matinding pagkakakunot ng noo ng kanyang ama. Sa tono at ekspresyon pa lamang nito ay alam na niyang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya.
"Oho, Pa. Wala ho kasi talagang mangyayari kung dito lang ako sa Pilipinas," dahilan niya.
Umiling-iling ang kanyang ama. "Gie! Itimpla mo nga ako ng kape bago ako atakihin sa pinagsasabi nitong kapatid mo!"
Nagkatinginan sila ng nakababata niyang kapatid. Her sister didn't know about her plan either. Halata rin sa mukha nito na hindi ito payag na mangibambansa siya.
She sighed when she saw Gie walked towards their small kitchen. Hinawakan niya sa braso ang kanyang ama saka iyon marahang piniga.
"Pa, alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay rito sa atin."
"At sa ibang bansa ba ay hindi? Tumigil-tigil ka, Bellatriz. Paano kung mapaano ka roon? Kapag nagkasakit ka, sino ang mag-aalaga sa'yo?" tila pagaralgal na ang boses nitong tanong sa pagalit na paraan.
Bella pursed her lips. Pati tuloy siya ay nagsisimula na ring pamulahan ng mga mata. Alam naman niyang nag-aalala lamang ang tatay niya kaya ayaw siyang payagan. Pero desidido na siyang mag-abroad at bigyan ang mga ito ng magandang buhay.
She'd seen her father break his back to raise her and her sister. Sabi niya sa sarili niya noon, makapagtrabaho lamang siya ay babawi na siya sa lahat ng sakripisyo ng tatay niya pero sinampal lang siya ng reyalidad noong naranasan na niyang kumita ng pera.
Hindi pala sapat na masipag ka lang. Na matalino ka lang. Dahil kahit siya ang pinakamasipag na physical therapist sa pinagtatrabahuhan niya ay masyado pa ring mababa ang sahod niya.
Hanggang ngayon tuloy ay namamasada pa rin ang tatay niya. Nagpo-promissory note pa rin sa eskwelahan ang kapatid niya. Kinakapos pa rin ang budget nila sa pang-araw-araw. Hindi ganitong buhay ang pinangarap niya para sa pamilya niya. Kahit pa sabihing hindi naman siya inoobliga ng tatay niya, gusto niya pa ring patikimin ang mga ito ng mas maginhawang buhay.
Bella filled her lungs with enough air. "Pa, gusto ko lang makabawi sa lahat ng sakripisyo mo sa amin ni Gie."
"Bakit? Sinisingil ko ba kayo? Sinabi ko bang bigyan ninyo ako ng milyones? Kahit magdildil ako ng asin, Bella wala akong pakialam basta nakikita ko kayong ligtas!"
Her eyes swelled with tears the moment she saw her father's eyes watered. "Pa, naman. Si Gie, paano natin mapagdodoktor kung kakarampot lang ang kita rito sa Pilipinas? Kayo ho, tumatanda na kayo. Ni hindi kayo regular na makainom ng bitamina at maintenance na gamot dahil kulang tayo sa pera--"
"Hindi pag-a-abroad ang solusyon!"
"Kung gano'n, ano ho?"
Hindi nakasagot ang kanyang ama. Umiwas ito ng tingin at nagpunas ng luha. Halatang nasasaktan sa nagiging pagtatalo nila ang tatay niya kaya lang ay kailangan niya itong makumbinsi.
Muli siyang humugot ng hininga upang mapakalma ang dibdib niya. "Pa, sana maintindihan mo na kailangan kong gawin 'to para sa atin. Hindi ho pwedeng habambuhay na lang tayong lubog sa utang at kapos sa pinansyal."
Suminghot ang kanyang ama. "Noong namatay ang nanay ninyo, ipinangako ko sa puntod niya na hinding-hindi ko kayo pababayaang magkapatid. Paano kita mababantayan kung nasa malayo ka?"
Basag na ngumiti si Bella. "Kaya ko na, Papa. Malaki na ho ako."
"Nasasabi mo lang 'yan dahil nakatapak ka pa sa lupa ng Pilipinas. Pero oras na nandoon ka na sa ibang bansa, mapagtatanto mo ring hindi porke't malaki ka na ay kaya mo na palagi ang sarili mo."
Tumayo ito at naglakad palabas. Naluha na lamang si Bella dahil alam naman niyang ayaw lamang nitong pumayag dahil mahal siya nito at nag-aalala ito para sa kanya.
Bahala na. Siguro ay bibigyan na lamang muna niya ng panahon ang tatay niya para makapag-isip. Sa susunod na buwan pa naman ang flight niya.
Inasikaso na kasi niya ang application at siniguradong makakalipad siya patungong New Zealand bago siya nagdesisyong sabihin sa pamilya niya. Alam kasi niyang posibleng hindi pumayag ang mga ito. Iniisip niya na kung sigurado na ang pag-alis niya ay hindi na rin siya mapipigilan ng tatay at kapatid niya.
HALOS ilang araw siyang hindi pinansin ng kanyang tatay. Sinusubukan niya itong lambingin ngunit talagang iniiwasan siya nito kaya ang bigat-bigat tuloy ng dibdib niya. Minsan ay inaabot na rin ito ng gabi sa kalsada. Siguradong nagdodoble-kayod ito para kumita ng mas malaki.
Bella glanced at the wall clock. Pasado ala una na ng madaling araw ngunit wala pa ang tatay niya. Tatayo na sana siya at sisilip sa labas nang marinig niya ang tunog ng bumukas na pinto. Pumasok ang pagod niyang ama. Nang makita siyang nasa sala at naghihintay ay kaagad itong umiwas ng tingin.
"Pa, anong oras na. Bakit naman binubugbog ninyo ang sarili n'yo sa pamamasada?"
Inalis nito ang belt bag na suot. "Nang hindi ka lumayas. Mamamasada na lang ako mula umaga hanggang madaling araw kaysa ituloy mo 'yang lintik mong planong mag-abroad."
Bella pursed her lips. Her eyes began to water as she saw how tired her father is.
"Tama na ho, Pa." She sobbed. "Buong buhay mo, wala ka nang ibang ginawa kun'di ang siguruhing mapupunan mo lahat ng pangangailangan namin ni Gie. Hindi ba talaga pwedeng ako naman ngayon?"
"Hindi sa ganitong paraan, Bella. Masyadong malayo," nagpipigil ng emosyon nitong sagot habang iniiwasan ang tingin niya.
She sniffed. "Kahit isang taon lang ho, Pa. Pinapangako ko sa inyo, makaipon lang ho ako, uuwi na ako at hindi na babalik. Pagbigyan mo na ako, Pa. Isang taon lang ho."
Her father fell silent for a few moments. Maya-maya ay luhaan itong tumingin sa kanya't tuluyan siyang nilapitan para ikulong sa isang mainit na yakap.
Napahagulgol na lamang si Bella. It's been a long time since she cried this hard in her father's arms. Para siyang ibinalik sa pagkabata. She melted into her father's arms as he enveloped her with his unconditional love.
"Tatawag ka araw-araw. Iinom ka ng bitamina at kakain ng masustansyang pagkain para hindi ka magkakasakit," garalgal ang boses nitong bilin.
Tumango si Bella. "Mag-iingat po ako sa New Zealand. Aalagaan ko pong mabuti ang sarili ko."
Suminghot ang kanyang ama. "Mahal na mahal kita, anak. Pasensya ka na kung kailangan mo pang makipagsapalaran sa ibang bansa para lang magkaroon tayo ng mas maayos na buhay."
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Pa. Pamilya tayo at mahal ko ho kayo ni Gie." She sniffed. "Huwag kang mag-alala, Pa. Pinapangako ko pong tatatagan ko ang loob ko roon at araw-araw ko kayong tatawagan ni Gie."
She knew it was a hard decision for her father to finally let her go to New Zealand. Bumaha ang iyakan nila noong paalis na siya at ihinatid siya ng mga ito sa airport. Panay ang bilin ng mga ito na iingatan niyang mabuti ang sarili niya. Sinabihan din siyang huwag ipapadala lahat ng sweldo niya nang hindi niya naman matipid ang sarili niya. Puro na lang siya oo kahit na halos saktong pera na lang ang itinitira niya sa sarili niya nang makarating na siya ng New Zealand.
"Kumakain ka ba ng gulay diyan?" tanong ng kanyang ama habang magka-video call sila.
Anim na buwan na siya roon at araw-araw silang nagtatawagan nang hindi nag-aalala ang tatay niya't kapatid. Napakahirap ng mga unang buwan ngunit kahit paano ay nasasanay na rin siya. Marami rin kasing Pinoy na naroroon.
"Opo, Pa. Papunta nga po ako ngayon ng grocery rito para bumili ng stocks ko." She wore her scarf after receiving a notification that her Uber has arrived. "Pa, tatawag na lang ako ulit mamaya, ha? Aalis na ho ako ng bahay."
"Mag-iingat ka, anak," bilin nito.
Ngumiti si Bella saka niya kinawayan ang camera. "Bye, Pa. I love you."
"Mahal ka rin namin, anak."
She ended the call after blowing a kiss on the screen. Ibubulsa na rin sana niya ang phone niya at aalis na nang maisipan niyang magpadala ng chat kay Gie para sabihing mahal na mahal niya ang mga ito. Ewan ba niya kung bakit naisipan niya pang gawin iyon kahit na araw-araw naman niyang sinasabi sa tawag kung gaano niya kamahal ang tatay at kapatid niya.
Bella just sent the chat and then rushed out of her apartment. Sumakay siya sa Uber taxi at nagtungo sa grocery kung saan siya madalas mamili ng stocks niya. Namili na rin siya ng ilang ilalagay niya sa balikbayan box niya. Naging ugali na niya iyon. Paunti-unti niyang iniipon ang mga pasalubong niya nang hindi mabigat sa bulsa kapag inisang bili.
Pagkatapos mamili ay lumabas siya ng shopping center. Pumwesto siya sa lugar kung saan madali siyang makikita ng Uber driver. She booked her ride and waited. Ngunit bago pa man dumating ang Uber driver ay isang RV na ang tumigil sa harap niya.
Two masked men went out and dragged her inside the RV and immediately covered her mouth and nose with a cloth. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Namalayan na lamang niyang mabilis nang tumatakbo ang RV at pinagtutulungan siyang patulugin ng dalawang lalake.
Bella struggled to breathe yet she still tried to fight. Ngunit sa laki at lakas ng mga lalake ay wala ring nagawa ang panlalaban niya. Her consciousness slowly drifted away, but before Bella's vision completely turned pitch black, she was able to see one of the men remove his mask. She even heard the other guy call him by his name.
Trojan . . .