Kaluluto lang ng hapunan ni Gia nang dumating si Samir. Nasa meeting daw ito kanina kaya ipinahatid na lang siya nito kay Mang Carding sa condo. Pagkatapos ilapag ang bag sa sofa ay tumuloy si Samir sa kusina at yumakap sa kanya. "Amoy isda pa 'ko." Pilit siyang umiiwas pero hindi siya binitawan ng kasintahan. "Mabangong isda naman," biro nito. "So, ibig mong sabihin kapag amoy bilasa na 'ko hindi mo na ako yayakapin?" Isa rin iyong biro pero may kahulugan. "I will never get tired of holding you like this. Ikaw? Magsasawa ka ba sa 'kin?" "Hindi," matatag niyang sagot. Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang magkasama ay nakilala niya na si Samir. Nasiguro na rin niyang mahal niya ito nang totoo. Gagawin niya ang lahat para maging matagumpay ang pagsasama nila. "Kahit hindi ako may

