"Go back to my father's office, Katlin. Ako na ang bahalang kumausap kay Mr. Santos," wika ni Samir nang makalabas si Gia. Gusto niya itong pigilan ang girlfriend pero mas mabilis itong umalis na hindi niya nagawang ibuka ang bibig. Kung siya ang tatanungin ay si Katlin ang paaalisin niya sa opisina niya hindi si Gia. "Are you having an affair with that kid?" "She's just a year younger than you. She's my employee," sagot niya na malayo sa tanong nito. "What else do you need?" "May bagong restaurant sa tapat, let's go out?" "Marami akong trabaho, Katlin, at may meeting akong pupuntahan." "Is she my replacement?" tanong nito na ang tinutukoy ay si Gia. Hindi pa rin ito umaalis sa pagkakasandal sa mesa niya kaya siya na ang tumayo para dumistansiya sa dating kasintahan. "Again, s

