"Bakit ka daw ipinatawag?" curious na tanong naman ng supervisor ni Gia nang makabalik siya sa fifth floor. "Tungkol lang po sa trabaho," tipid niyang sagot. "Baka daw ilipat ako sa ibang department kapag nasanay na ako sa trabaho ko." "Ahh... okay," wika naman ng supervisor. Kahit si Roda at Joshua ay tinanong siya kung bakit pinatawag siya sa opisina ni Samir. Sinabi niyang hindi pa siya pinayagan umalis dahil wala pang nahahanap na katulong ang binatang amo. "Baka naman sadyang ayaw kang paalisin? Hindi ako magtataka kung matipuhan ka ni Sir Sam," bulong ni Roda. "Malayong mangyari 'yun," tanggi naman niya. "Nasanay lang siyang may tagalinis at tagaluto sa condo niya. 'Tsaka baka akala niya tatakas na 'ko sa utang ko sa mga damit na pinamili niya." "Kung ako sa 'yo, lilipat

